Chapter 20

9 3 0
                                    

Markuz POV

"Anong pinagsasabi mo diyan?" nagtatakang wika ko sa kanya. Inagaw naman niya ang pagkain na hawak ko then kinain yun na di pa rin napuputol ang tingin namin sa isa't-isa.

Bigla akong umiwas ng tingin ng di ko nakayanan ang titig niyang yun. Bakit kasi ang intense niyang makatitig sa akin.

"Markuz, tapos ka na bang kumain?" napalingon ako ng hinawakan ni Amira ang balikat ko. Humarap ako sa kanya.

"Not yet." pormal na wika ko sa kanya.

"Kung ganun, tutulungan kitang kainin ito." she replied then tinuro ang pagkain sa harap ko.

"Okay, kung kaya mo pa ng tiyan mo." sabi ko sa kanya. Don't blame me kung sasakit ang tiyan mo.

Sumigla naman ang mukha niya sa isinagot ko then hinawakan ang braso ko na ikinakunot ng noo ko.

"Sabay na tayo!" masiglang wika niya.

Then I heard Ms. Edwards fake cough kaya napadungaw si Amira upang tignan siya. At talagang ako ang nasa gitna.

Tsk! I hate this kind of thing...

"Who are you?" tanong ni Amira sa kanya. Napasulyap naman ako sa kanya nang ngumiti siya pero peke naman.

"Allesandra Edwards." simpleng pagpapakilala niya sa kanya.

Pasimpleng hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. I don't like na nasa gitna ako bilang pader sa mga to...

"Markuz, kilala mo ba siya?" tanong ni Amira sa akin.

"She's my secretary." turan ko.

"Oww, secretary lang pala siya." may halong pang-iinsultong wika ni Amira sa kanya. Ano ba ang problema niya?

"Ano naman kung secretary niya ako?" panghahamon na wika naman ni Ms. Edwards.

Medyo lumapit ako sa kanya saka binilungan habang kaharap ko si Amira.

"Ms. Edwards, your manners." bulong ko sa kanya.

Nagulat naman ako nang naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko at mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang ramdam ko ang pagdikit ng aming katawan at ganun din sa paglapit ng kanyang mukha sa may tainga ko. Nasagi pa ang labi niya sa tenga ko.

"I told you... ayaw ko nang may kahati." bulong niyang pabalik sa akin.

Di naman ako nakapagsalita dahil sa ginawa nito...

*****

"Ngayon, lalaro naman tayo ng truth or dare!" masayang wika ni Traise habang nakatayo siya kaharap namin.

Pagkatapos nubng eksena kanina ay napahinga ako ng maluwag nang lumapit sa amin si Traise at ininvite kami sa laro na lalaruin daw namin pero tumanggi ako pero ang mokong hinila ako at dinala ako may sea shore kung saan may fireplace dun at nakaready na talaga lahat tulad ng mauupuan at ilang bote ng beer at tsaka ibang alak na matatapang talaga.

Napapailing ako dahil sa kalokohan ni Traise.

Kasama ko naman ang mga pinsan ko at iba pa na nandito na gustong sumali ng truth or dare. Katabi ko naman si Amira sa left side ko habang si Ms. Edwards ay nasa right side ko at medyo intense pa din ang awra nila sa isa't isa.

Kaya nagigipit ako sa dalawa.

"Okay, bago natin simulan ang game ay sasabihin ko muna ang rules ng laro." he said then ipinakita ang bote ng alak then isang garapon na may mga papel na nakatupi sa loob nito.

"... kapag ang bote ay huminto sa pag-ikot at ang nguso ng bote ay nakaturo sayo ay taya ka." he added then ipinakita sa amin ang hawak niyang garapon "Ang taya ay bubunot dito, at kung truth ang nabunot niya ay tatanungin ng isa na nakaturo sa opposite ng bote ng alak. At kapag dare naman ay ganun pa din. Pero ang dare ay kailangan na gawin ang sasabihin nila at kung hindi..." he explained then itinuro niya ang nakahilerang alak na nasa paanan niya.

"...Iinumin niya ang isang beer. Game?" nakangiting wika niya sa amin.

"Okay, game!" interested na wika ng iba habang ako ay nananatiling tahimik.

Isa tong kalokohan...

Third Person POV

"Malapit na....Malapit na...Malapit na.... Booomm! Ikaw ang taya!" masayang wika ni Traise then tinuro si Cassie na nakabusangot na ang mukha niya. Unang game pa lang siya agad ang taya.

"Okay, Okay, pick one!" nakangising wika niya kay Cassie at sinamaan siya ng tingin then bumunot na nang isa. Pagkatapos niyang bumunot ay tinignan niya ito then ipinakita sa kanila. Napa 'oohh!' ang iba ng makitang truth ang nabunot niya.

Tumingin naman si Traise kay Alesha ng siya natutukan sa bottom ng alak.

"Okay, Ate Alesha ikaw na ang magtanong sa kanya." wika ni Traise sa kanya. Tumango naman si Alesha then clear her throat then begin to speak.

"Anong hiniling mo kay dad?" nakangising wika niya kay Cassie na mas lalo pang ikinabusangot ng dalaga.

"Kotse sana pero umayaw siya." nagtatampong wika niya. Tumawa naman si Alesha dahil kita niya ang priceless na mukha ni Cassie.

"Ayan kasi Cassie eh." nanunuyang wika ni Traise na agad na binatukan ni Cassie. Napadaing naman siya dahil sa ginawa nito.

Natawa naman ang iba sa nakita.

"Aray huh!" reklamo nito then tingin sa kanila "Okay! Let's continue..." then inikot ang bote sa buhanginan.

***

After ng ilang minutong nasaksihan nila ay masaya naman. Si Traise na naging taya at si Cassie ang isa ay ngising inutusan niyang tawagan ang ex- girlfriend niyang si Kyra. Natawa pa ang lahat nang narinig nila ang conversation nila dahil inutusan ni Cassie na iloudspeaker yun. Nasermunan naman si Traise mula sa kanya dahil sa bad mood ang dalaga ay nasa gitna pa lang siya ng duty kaya nakahiganti na si Cassie sa kanya.

Another naman ay si Trevor at ang pinsan niya sa ina ang gagawa ng utos dahil dare ang nabunot niya. Pareho naman silang nagulat ng sinabi na lang ng pinsan niya na magkiss sila kaya walang magawa ang mag-asawa at ginawa nila yun. Alam kasi nila na sweet nila in public but pagpapanggap lang nun.

"Amira, ikaw ang taya!" wika ni Traise nang nakaturo sa kanya bote ng alak at ang pinsan nila sa mother ang gagawa ng kung ano ang mabubunot niya.

"Oh? Truth ang nabunot mo." tatango-tangong wika ni Traise then tingin sa pinsan niya "So, what do you want to ask to her?" he ask.

"Ahm... kung sakaling nandito ang crush mo, pwede mo bang sabihin sa amin kung sino yun.." wika niya na ikinagulat ni Amira.

"H-Huh?"

"Come on Amira, tell us." wika ni Traise. Napayuko naman si Amira at nahihiyang sabihin ang crush nito.

"Sino ba?" tanong ni Cassie.

"A-Ahm...S-Si..."

"Okay lang yun..." pangungumbinsi ni Traise sa kanya at talagang nakatingin ang lahat sa kanila maliban na lang sa dalawa na di interesado.

"Si Markuz." nahihiyang pag-amin nito at talagang namumula ang kanyang pisngi.

Nanlaki ang mga mata ni Markuz sa narinig at di makapaniwalang tinignan siya. Ang iba naman ay naghiyawan at kantiyaw dahil sa pag-amin niya.

Di naman nagustuhan ng dalaga ang narinig niya mula kay Amira.

______

@pentowrite

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Velvundo Series #1: The Billionaire's Mafia SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon