"M-Mama...." hirap na wika ko habang nakatingin kay mama na nahihirapang nakatingin sa akin.
Nasa backseat ako habang sina mama at papa ay nasa front seat sila. Ang kotseng sinasakyan namin ay bumaligtad dahil sa biglaang pagsulpot ng isang SUV dahilan na ikinagulat ni papa at umiba ang direksiyon ng kanyang pagmamaneho hanggang sa nakabangga siya ng iba pang sasakyan at bumaligtad yun.
Kaya nasa ganitong sitwasyon kami ngayon...
"A-Anak, a-ayos ka lang ba?" nahihirapang wika ni mama sa akin. Umiyak ako dahil sa nararamdaman kong sakit mula sa aking paa ay ulo dahil sa bubog na natamo ko.
Masakit, sobrang sakit...
"M-Mama, di ko na po kaya ang sakit..." umiiyak na wika ko kay mama. Tumingin ako kay papa nang tahimik siya kaya mas lalo pa akong umiyak..
"M-Mama...s-si P-papa..." umiiyak na wika ko kay mama.
"S-Shh...anak okay lang si Papa... don't worry, nandito kami...tahan na." wika ni mama at narinig ko ang daing niya na pilit niyang umalis sa kinaroroonan niya.
Humingi ako ng tulong, pero wala pang tulong nakukuha namin dahil wala naman masyadong tao mula sa paligid. Medyo wala pang sasakyang dumadaan.
Bakit na lang ganito?
Maya maya ay may nakita akong isang taong papalapit sa amin kaya nabuhayan ako ng pag-asa.
Magsasalita sana ako nang mabilis na nagsalita si mama dahilan na natigilan ako at napatingin kay mama.
"M-Mama..." sabi ko sa kanya.
"Huwag kang magsasalita anak, kailangang mabuhay ka at ipagpatuloy ang gusto mong plano sa iyong buhay." wika ni mama. Kita ko ang pagbuhos ng kanyang luha kaya nasasaktan ako masyado.
BINABASA MO ANG
Velvundo Series #1: The Billionaire's Mafia Secretary
RomansaMarcuz Trovan Velvundo, a famous billionaire businessman in business world. His parents passed away and his the only one survived in the accident. Later on, he became the chairman of his parent's company based on his will. Unfortunately, he's attac...