Chapter 10

3 4 0
                                    

Third Person POV

Umupo naman si Esteban sa harap nito katabi ng kanyang anak. Tinignan naman niya ang kasamahan niya na hawak hawak ang ginoo then sinenyasan na pakawalan siya na agad naman nilang ginawa. Napatingin si Mourino sa kanya.

"Pumayag siya sa gusto mo." he replied, napahinga naman ng maluwag si Mourino.

"Maraming salamat" pagpapasalamat niya.

"Ilayo niyo muna ang bata." sabi ko sa kasama ko.

"Masusunod boss." wika naman niya at maingat na kinarga ang anak ni Mourino.

"Papa!"

"Anak!" kinakabahang wika niya then tingin sa kaharap niya "Sandali! Anong gagawin niyo sa anak ko!" takot na wika niya.

"Wala kaming gagawing masama sa anak mo. At isa pa, di ka pa rin makakatakas sa amin kung di mo sabihin ang tungkol kay Lito." seryosong wika niya. Huminga siya ng malalim at tinignan siya.

"Simula nang nawala na sa akin ang kompanya ko ay lumapit siya sa akin at binigyan ako ng offer na kapag tatanggapin ko ang pagiging distributor ng kanyang produkto ay tuloy-tuloy ang aking negosyo. Wala naman akong choice at tinanggap yun kaya ang mga produkto niya dito sa pinas ay nasa factory ko bilang venue ng transaction. Sa totoo lang, ay humingi ako ng pabor sa kanya na patayin si Markuz. Pero di ko inaasahan na  ginamit niya si Carlos. Ako naman ang gagawa ng paraan kung sakaling di siya magtagumpay sa iniutos ko. " he explained "Pero, di ko alam na nakabangga ako ng mas malaking problema." he added.

"Tsk!" he hissed "Ngayon na nakilala mo si Lito, may napag-usapan ba kayo tungkol sa Relicrano Mafia?" tanong niya.

"Relicrano? Hindi ko narinig yan." turan nito "Pero, palagi niyang sinasabi na gagawin niya ang lahat para makuha niya Louvre Tower bilang sa kanya." he added. Nainis naman si Esteban sa sinabi niya.

"Ang walang hiyang yun. Di pa rin inaalis ang kapal sa kanyang mukha." naiinis niyang wika. Tumayo naman siya.

"Sa ngayon, dadalhin ka namin sa ligtas na lugar ayon sa ipinangako namin sa inyo. Maghintay kayo ng isang araw dahil tatawag ako ng ibang tauhan ko upang protektahan kayo. Kung gusto mo namang makipagkita sa boss ko ay pwede naman baka sakali kasing gusto mong sumali sa amin." he replied. Tumango-tango naman siya.

"P-Pag-iisipan ko yang sinabi mo." turan niya. Sinenyasan naman niya ang tatlo niyang tauhan na ilabas si Mourino sa loob ng kwarto na agad naman nilang sinunod. Sabay naman silang bumaba ng hagdan at nakita niya ang iba niyang kasamahan sa living room at ganun din ang bata na tumahan na sa kaiiyak.

Napabuntong-hininga si Esteban. Mabuti na lang at napaamin niya ang ginoo pero di niya inaasahan na mautak siya.

                    ‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡

Markuz POV

"Naintindihan ko ang sitwasyon mo diyan Bro." sabi ni Traise sa akin mula sa kabilang linya. My cousin.

"Baka pupunta ako diyan on Friday. Kung matatapos to nang maaga ay aabot ako sa reunion." tugon ko.

"Sige, aasahan namin yan." he replied.

"Okay, I'll end the call now." sabi ko then maya maya ay i-end ko na ang call. Nilagay ko naman ang phone ko sa side table then humiga ng kama. Napabuntong hininga ako. Mabuti na lang at nakumbinsi ko sila na di muna ako makakaattend ng reunion bukas kaya I told to my secretary na i-cancel niya muna ang flight.

Velvundo Series #1: The Billionaire's Mafia SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon