Third Person POV
"Sabihin mo sa amin ang totoo kundi pasasabugin ko ang bungo ng anak mo." banta ni Esteban sa kanya na agad na ikinatakot ng ginoo na hawak ng dalawang tauhan niya habang nakaluhod sa harapan niya.
Pagkatapos nilang nahanap ang bahay ng ginoo ay kailangan pa nilang hintayin ang gabi upang makapasok sa loob ng kanyang bahay dahil sa madaming security cameras sa loob at guwardiya. Mabuti na lang at magagaling sila kaya walang hirap na nakapasok sa loob. Pero hanggang umaga ay di pa nila napapaamin.
"H-Huwag! Huwag niyo siyang saktan! Huwag niyong patayin ang anak ko!" nagmamakaawang wika niya sa kanya.
"P-Papa!" umiiyak na wika ng kanyang anal habang hawak naman ni Esteban. Di naman nila planong gawin to sa anak niya pero napipilitan siya dahil ayaw niyang magsalita.
"Umamin ka, ikaw ba ang nag-utos kay Carlos na patayin siya?" tanong niya sa kanya.
"Ano ba kasi ang pinagsasabi niyo ah!" nalilitong wika na ikinainis ni Esteban.
"Kung hindi ka aamin, talagang papatayin ko na tong anak mo!" galit na wika niya at nagpapanggap na kakalbitin ang gatilyo ng mabilis na nagsalita si Mourino.
"Oo! Ako ang nag-utos kay Carlos na patayin si Markuz! Ako ang may gawa nun!" pag-amin niya sa kanya "Nagmamakaawa ako sa inyo, huwag niyong saktan ang anak ko! Ako na lang!" mangiyak-iyak niyang pagsusumamo sa kanya.
"Mourino Fernandez, kung aamin ka sa ikalawang tanong namin ay hahayaan ka naming mabuhay kasama ng anak mo." seryosong wika ni Esteban sa kanya "Alam kong kilala mo si Lito Fuccini ng Italya." he added.
Mabilis na umiling ang ginoo.
"H-Hindi, hindi ko kilalang yang Lito na yan! I swear! I didn't know that name!" tanggi ng ginoo sa kanya. Napapikit naman si Esteban dahil sa pagtanggi niya sa kanyang tanong.
"Alam mo ba na hawak ko ang buhay niyo? Sa isang iglap, talagang babagsak na ang anak mo na walang buhay." nagtitimping wika niya sabay diniin ang baril sa ulo ng bata dahilan na mas umiyak pa siya.
"S-Sandali! Please! Don't hurt her!" he please.
"Kung ayaw mong gawin ko to, sumagot ka!" singhal niya sa kanya na ikinatakot nilang dalawa.
Napaiyak na lang ang ginoo dahil sa sitwasyon nilang dalawa. Napahampas siya sa sahig then inangat ang kanyang ulo to look at him.
"Walang hiyang Markuz na yan!" galit na wika niya sabay tingin sa kanya "Sabihin mo, pinadala ka ba ni Markuz para paaminin ako dahil sa nangyari?"
"We didn't came here because of the incident, we came here to force you to confess who's you're alliance with the other mafia groups in Europe. Kaya sabihin mo na sa akin kundi wala na ang anak mo." malamig na wika ni Esteban sa kanya.
"S-Sige, pero ipangako niyo sa akin, kapag sinabi ko ang tungkol sa kanya... bigyan niyo kami ng proteksiyon." he replied. Ilang minutonh di kumibo si Esteban habang nakatingin sa kanya.
Napapikit na lang ng mariin si Mourino dahil dun.
"Sinasabi ko na nga ba eh..." walang pag-asang wika niya.
"May kakausapin lang ako." he said then sinenyasan ang katabi niya na bantayan sila. Umalis muna si Esteban at mabilis na tinawagan ang dalaga.
"What now, Baste?" bungad ng malamig niyang boses pagkatapos ng ilang ring...
Markuz POV
Napabuntong hininga ako at tatayo sana nang may narinig akong bulungan sa may tabing table namin, paglingon ko dalawang estudyante na nag-uusap habang nakatingin sa phone nila.
BINABASA MO ANG
Velvundo Series #1: The Billionaire's Mafia Secretary
RomanceMarcuz Trovan Velvundo, a famous billionaire businessman in business world. His parents passed away and his the only one survived in the accident. Later on, he became the chairman of his parent's company based on his will. Unfortunately, he's attac...