CHAPTER 21: CONTROLLED

1.5K 71 9
                                    


"Hindi lang ako si Cyrrel..... ako din si Ms. Sarah." Sabi nito sabay tanggal ng kanyang maskara. Nagulat silang lahat dahil sa nakita nila.

"Ikaw ba talaga si Cyrrel? Ang layo ng itsura mo sakanya." Tanong ni Wendy at tinitigan niya ito sa mukha.

"Don't you get it? Nag paplastic surgery ako para umayos ang nasira kong mukha ng dahil sa inyo." Pasigaw niya itong sinabi kay Wendy at tinitigan siya nito ng masama.

"Walang hiya ka! Kung ganon nag panggap ka lang pala bilang si Ms. Sarah para patayin kami!" Sabi ni Candice. Lalapit siya sana kay Cyrrel para sampalin, pero hindi niya ito nagawa dahil naglabas si Cyrrel ng isang baril at tinutok kay Candice.

"Wag! Tumugil ka!...... Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit mo 'to ginagawa...... Naguguluhan ako." Sabi ni Henry na halatang naiinis na.

"Kung ganon gusto mong malaman kung bakit ko 'to ginagawa?" Tanong ni Cyrrel habang nakatingin kay Henry. "I only want to take a revenge, that's it."

"Bakit ka naghihiganti? At paano ka nakapag paplastic surgery? We all know that you don't have money to take an overall surgery." Tanong ni Vance. Binaba ni Cyrrel ang hawak hawak niyang barel na kanina ay nakatutok kay Candice at nagsalita.

"Ginawa niyo akong tanga. Pinaniwala niyo ako na totoong kaibigan ang turing niyo saakin pero hindi pala...." sabi ni Cyrrel......

FLASHBACK

Nandito kami ngayon sa isang hunted house. Napagkasunduan namin na pumasok isa isa sa bawat kwarto. May hawak din kaming mga kandila para gawin naming pang ilaw.

Hindi ako nakakaramdam ng takot dahil kasama ko ang mga kaibigan kong sina Gwen, Candice, Wendy, Angela, Kristine, at Lime. Pati narin sila Vance, Dene, Mak, Enrique, Red, Garry, at Adrian. Ngayon lang ako nagkaroon ng isang tunay na kaibigan at ngayon lang din ako nakaramdam ng saya.

Lagi akong naaasar dahil sa itsura ko. Panget daw ako at lagi akong nilalayuan. Hindi ko nga akalain na may gustong makipagkaibigan saakin at mga magaganda at mga poging pa talaga ang nakikipag alok na kaibiganin ako.

"Tara pasok na tayo." Sabi ni Vance at naglakad na papasok. Sumabay narin kami sakanya

Ako naman ay pumasok na sa,pinakaunang kwarto sa second floor at sila naman ay umakyat sa third floor para maghanap din ng kwarto.

Habang nililibot ko ang kwarto ay may narinig akong nag lock ng pinto kaya dali dali ako lumapit doon at may narinig akong nagsalita.

"Alam mo, dati pa ako nasusuka sa pagmumuka ni Cyrrel." Sa tingin ko ay si Kristine ang nagsalita.

"Uto uto pala ang babaeng 'yon. Ngayon lang siguro siya nagkaroon ng mga kaibigan pero ang hindu niya alam ay hindi natin siya tinuring bilang isang kaibigan." Bulong ni Adrian na natatawa pa.

"Dapat mawala na siya dito sa lupa." Sabay na sabi nila Gwen at Wendy. Napa tawa pa sila ng mahina dahil sabay sila nagsalita.

Hindi ko makayanan ang sinabi nila. Hindi ko din akalain na masasama pala sila.

Dahil sa inis ko binanga ko ang pinto.

"Y-yung kandila!" Malakas na pagkakasabi ni Red

"Nasusunog na ang lapag! Gawa pa nanam ito sa kahoy. Tara lumabas na tayo." Sabi ni Candice at narinig kong umalis na sila.

May nakikita akong usok at may naaamoy akong nasusunog. Sinipa sipa ko ang pinto hanggang sa bumukas ito. Pero napapalibutan na ng apoy ang buing paligid. Maya maya ay may bumagsak na kahoy sa mukha ko na galing sa itaas ng pintuan. Pero nakaramdam ako ng mahapdi dahil may apoy pala ito. Dali dali akong nagsisigaw at humanag ng malalabasan. Nang makita ko ang bintana ay kaagad ko itong binuksan at humanap ng makakapitan para makababa.

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon