CHAPTER 3: I THINK I KNOW HER

3.5K 132 35
                                    

HENRY'S POV

Pagkatapos ng pangyayari kay Shann ay naging masayahin at palakaibigan na siya. Nagpasalamat din siya saamin ni Joshua dahil pinarealize namin sa kanya ang mga totoong nangyari.

Ngayon ay kinakausap ako ni mom habang kumakain kami ng dinner.

"Henry why don't you transfer in Deminnton University tutal saakin naman iyon" mahinang sabi saakin ni mom habang sumusubo ng pagkain na niluto ko."Hmmm masarap din naman pala magluto ang baby ko." Ahh sinabi nanaman niya ang pinakakinaiinisan kong salita.

"Mom how many times do i have to say na huwag na huwag mo kong tataawaging baby at ayokong magtransfer sa nakakainis na school na iyon?!!" Inis na sabi ko sa mommy ko tapos ngiti lang ang sinagot niya saakin.

Ok sasabihin ko na ang dahilan kung bakit ayaw ko sa University na iyon. Doon ko kasi unang nakita ang babaeng nagustuhan ko at iniwan ako sa bandang huli. Nung mga bata palang ako sa ibang school rin ako nagaaral kasi pang highschool at college lang ang Deminnton University pero doon lang ako tumatambay paguwian para hintayin ang mom ko. Pero may nakilala akong babae, siya ay mabait at maganda. Naging kaibigan nga kami at sa umpisa pa lang ay crush ko na siya, pero gaya nga ng sinabi ko ay iniwan niya rin ako dahil pumunta siya ng ibang bansa at nawalan na kami ng koneksyon.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam muna ako sa mom ko tsaka lumabas para makapaglakad lakad, tinatamad din naman kasi ako maglibot sa napakalaki naming bahay.

Habang naglalakad ako ay may narinig akong nag salita sa likod ko at sa palagay ko tinatawag niya ako.

"Hoy kuya pogi!" Sabi ng babae.

Pag tingin ko naman ay napatingin ako sa mukha niya pero bigla ko nalang nasense na isa pala iyong multo kaya dali dali akong nag isip ng paraan para akalain niya na hindi ko siya nakikita, sakto naman na may pusa banda sa likod niya.

"Ahhh ang ganda naman nitong pusa!!" Hyper na sabi ko sabay lapit sa pusa at hinaplos haplos. Ayaw ko pansinin yung babae dahil baka pahamak lang ibigay niya saakin at ayoko ng gulo.

Binitiwan ko na yung pusa tsaka nagpatuloy sa paglalakad para umuwi na.

Nakapasok na ako sa kwarto ko tsaka humiga sa malambot kong kama.

"Hoooo! Nakauwi na ako ng ligtas!" Sigaw ko na may halong saya.

Pero may bigla nalang pumasok sa isipan ko."Sino kaya ung babaeng iyon parang nakita ko na siya dati. Kilala ko ang itsurang iyon pati ang kanyang mga mata. Di kaya isa iyon sa mga babaeng nagbibigay saakin ng chocolated?Ahh never mind." Hindi ko nalang iyon inisip para makatulog na ako ng maayos.

----------------

Naglalakad ako papasok sa Ford University nang may sumulpot na isang batang lalake. Siya yung multong nagpapabili ng ice cream saakin pero hindi ko siya pinapansin ngayon dahil kapag hindi mo sila pinapansin ay lalayuan ka nila.

Nakapasok na ako sa classroom pero sunod parin siya ng sunod saakin. Nakita ko rin na wala si Joshua ngayon siguro absent siya. Nagmatigas talaga ako na hindi ko siya pinapansin. Nag umpisa na ang aming first class pero hindi parin siya umaalis hanggang sa umiyak na ung batang multo, hindi ako makapag concentrate at makapag aral ng maayos kaya nagpaalam ako para lumabas.

"Mam may I go out? If not I will smack you." ko sa teacher namin.

"Yes you may." Takot na sagot nito saakin.

Umakyat ako sa bakod ng university para makaalis at para maibili na ng ice cream ang batang ito.

"Shhh ano ba tumigil ka na bibilhan na kita ng ice cream so pwede bang tumigil kana ang ingay mo eh?" Mahinang sabi ko para hindi ako marinig na nakikipag usap sa sarili ko. Tapos ngumiti lang yung bata so ano to sapilitan?

Nakabili na ako ng ice cream kaya inilapag ko na iyon para sa batang multo.

"Ah, bata ilang beses na kita nilibre dito pero di ko parin alam ang pangalan mo, pwede ko bang malaman?" Kahit wala masyadong tao dito sa ice cream shop ay hininaan ko parin ung salita ko.

Walang isinagot yung bata sa tanong ko, nakatingin lang siya sa ice cream na binili ko at sa totoo lang hindi naman niya ginagalaw iyon.

Ano din kaya ang dahilan niya kaya nandito parin siya hanggang ngayon?

"Hoy bata sabihin mo nalang saakin kung bakit nandito ka parin at kung ano pa ang gagawin mo dito sa lupa?" Tumingin siya saakin tapos iginalaw niya ang kanyang ulo sa kanan at sa kaliwa. Ibig niya sigurong sabihin saakin na ayaw niyang ipaalam saakin ang dahilan kung bakit nandito parin siya.

"Pwede kitang tulungan kung gusto mo?" Alok ko sa kanya.

"Sa tamang panahon." Sabi saakin ng bata sabay naglaho.

Dahil sa iniwanan na ako ng multo ay umalis na ako at bumalik na sa Ford University.

Pumasok na ako sa classroom tapos may biglang nagsalita. "Mr. Deminnton saan ka nagpunta? Mukhang nagcutting classes ka ha? GO TO THE GUIDANCE NOW!!!" Sigaw saakin ng teacher ko kanina. Siyempre wala narin ako nagawa kundi pumunta sa guidance.

Sinermonan lang ako doon sa loob ng guidance office, pinasulat sa papel na "hindi ko na po uulitin" ng 200 times, at iniwan ako mag isa.

Dalawa palang ang nasusulat ko ng may naramdaman akong nakatingin saakin. Tumingin ako sa paligid pero wala, nagsulat ulit ako pero parang may nakatingin talaga saakin kaya tumingin ako sa paligid tapos may nakita akong nakatayong babae na multo. Siya ata ung nakita ko last night yung tumawag sakin ng "pogi" at ngayon ko lang napansin na naka uniform pala siya. Tinanggal ko kaagad yung tingin ko sa kanya baka mapansin niya na nakikita ko siya.

"Kuya wag ka naman snob pansinin mo na ko. Alam kong nakikita mo ako, kahapon nung naglalakad ka aki talaga yung tinignan mo." Hindi ko lang siya pinapansin at nagpatuloy sa pag susulat.

"Wala akong hatid na pahamak. Please pansinin mo na ako." Nag pout pa siya saakin.

Tumingin ako sakanya "Ok but don't ask me to relieve your grudge." Nung sinabi ko iyon bigla nalang siya nalungkot. "Bakit?" tanong ko.

"Wala akong natatandaan tungkol saakin miski isa. Gusto ko pa naman magpatulong para maalala ko lahat ng tungkol saakin. Kaya please help me." Pagmamakaawa niya saakin.

Tinignan ko yung uniform niya, pero wala akong nakitang I.D sa uniform niya pero ang tanging napansin ko lang ang uniform niya na pang Deminnton University.

TO BE CONTINUED

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon