CHAPTER 12: THE QUARREL

2.1K 86 14
                                    

"What the hell is happening?" Gulat na sabi ni Candice. "So ang ibig sabihin may ibang nag text saatin? Kasi diba ang sabi ng doctor ay two days na siyang patay?" Pasigaw na sabi ni Candice.

"Shhh.... tahimik, nasa ospital tayo." Sabi sakanya ni Anne, ang tita ni kristine "Bakit hindi niyo sinasabi na nag text pala sainyo si Kristine?"

"Akala namin ok lang siya, so hindi nalang namin sinabi sainyo. Pero ang nakalagay sa text ay may pinuntahan lang siya. Pero nang malaman namin na two days na siyang patay ay nagulat kami dahil kahapon lang namin iyon nakita, so ang ibig sabihin ay may......" Hindi na natuloy lahat ng sasabihin ni Gwen dahil sa takot.

Lahat sila ay tumahimik pero tinuloy ni Vance ang dapat na sasabihin ni Gwen.

"May ibang nagtext saamin and we don't have any idea kung sino iyon..."

Tumayo bigla si Adrian. "Pero kaya parin natin malaman kung sino iyon dahil sa mga evidence na iniwan niya."

"Katulad naman ng ano?" Tanong sakanya ni Mak.

"Ipatingin natin ang fingerprint sa cellphone ni Kristine. Diba kinuha naman iyon ng mga pulis kaya pwede natin ipatingin iyon para malaman natin kung sino pa ang gumalaw nyon." Paliwanag ni adrian at biglang kinapa ang kanyang bulsa. "Teka nasaan na yung cellphone ko? Pwede nating imbestigahan ang mga litrato na kinuhanan natin." Lahat sila ay napatungo dahil sa sinabi ni adrian.

Si Anne naman ay tumayo para umalis at puntahan si Kristine. Hindi na nila pinansin si Anne dahil alam nila na may dinadamdam ito.

"Bakit naman?" Tanong ni Adrian sakanila.

"Low battery ang cellphone ko kaya hindi ko nakuhanan." Sabi ni Vance.

"Ako rin!" Sabi naman nila Enrique, Garry, at Mak.

"Ako naman nanginig sa takot." Malungkot na sabi ni Candice.

"Same as Candice." Sabi naman ni Gwen.

"AKO!" Nagulat sila dahil sa sigaw ni Angela. "Ako.... natulala sa mga dugo and I have no idea kung ano ang gagawin ko."

"Edi kung ganon ako lang pala ang kumuha ng litrato. Mukhang kailangan ko iyong hanapin." Nag isip muna si Adrian at tumahimik ang buong paligid. "Wait..... Naalala ko na.... Naiwan ko pala iyon sa ambulansya." Tumayo bigla si Adrian at tumakbo palayo.

Inikot niya ang kanyang paningin upang hanapin ang ambulansyang sinakyan nila kanina.

Nakita niya rin ang kanyang cellphone for about 5 minutes at dali daling tinignan ang mga picture na kinuhanan niya kanina upang icheck.

Nang babalik na siya ay may biglang humarang sakanya at nawalan na siya ng malay.

------

Nag tataka parin sila sa mga nangyayari at walang ibang magawa kundi ang mag isip.

"Sa tingin niyo sino kaya ang maaaring may kagagawan nito?" Tanong ni Vance.

Tumayo naman si Mak at hinilot ang balikat nina Vance, Enrique at Garry. Samantala si Adrian naman ay hindi pa nakakabalik.

"Kalma lang mga pre. Kailangan din natin magpahinga." Sabi ni Mak at lumapit kay Candice para siya naman ang hilutin.

"Ano ba!! Wag mo nga akong mahawak hawakan." Sigaw sakanya nito.

"Ako na nga itong nagbibigay ng libreng service ayaw mo pa." Malungkot na sabi ni Mak at aakmang hihilutin ulit si Candice.

"The HECK!!! Ang kulit mo!!" Sigaw ulit sakanya ni Candice at napalitan ng saya ang kaninang malungkot na aura.

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon