CHAPTER 28: THE GIRL GHOST STORY

1K 46 13
                                    

CHAPTER 28:
THE GIRL GHOST STORY

SHANN’S POV


Nandito ako ngayon sa isang parke malapit sa tinitirhan ko. Kasama ko rin si Felly dahil gusto niya daw makipag kwentuhan saakin. 5:00 pm palang at kakatapos palang ng klase namin ng pumunta kami dito ni Felly. Umupo kami sa isang bench na gawa sa kahoy at malapit din ito sa isang puno na may katamtamang laki. Pagkatapos namin umupo ay bigla siyang nagsalita.

"Halos isang linggo narin pala ng mamatay si Lime. Hindi ko akalain na pati siya ay madadamay." sabi ni Felly habang nakatingin sa mga bulaklak malapit saamin.

"Nung una ko siyang makita mukhang mabait naman siya. Naaawa ako para sa kanya." ako naman ang nag salita dahil tungkol kay Lime ang kanyang sinasabi kanina.

"Shann, wala kang alam tungkol sa kanya pati narin sa iba." sinabi niya ito saakin habang nakatingin sa mga mata ko at nagtaka naman ako sa sinabi niya.

Magtatanong sana ako ng bigla siyang nagsalita. "By the way, kaibigan ko nga pala si Sandara. Sobrang bait niya saakin, pala kaibigan din siya, at lahat ng mabubuti at magagandang bagay ay makikita mo sakanya. Para siyang isang anghel para saakin dahil siya palagi ang naligtas saakin sa tuwing binubully ako ng mga kaklase ko." sabi ni Felly na parang binabalikan niya lahat ng magagandang alaala nilang dalawa. Makikita mo rin ang kanyang labi na nakangiti.

"Salamat kung ganoon ang tingin mo sa ate ko at salamat din dahil naging kaibigan mo siya." nginitian ko siya dahil sa saya na naramdam ko sa mga sinabi ni Felly.

"Alam mo Shann, sobrang saya ko na naging kaibigan ko ang kapatid ni Sandara." hinawakan niya ang isa kong kamay gamit ng dalawa niyang kamay.

"Masaya din ako dahil naging kaibigan ko ang kaibigan ng ate ko." ngumiti ako tsaka hinawakan ko rin ang kamay niya na nakahawak sa isa kong kamay.

Nag kwentuhan lang kami ng mga masasayang bagay na naranasan namin at nagtawanan kami hanggang sa magdilim na.

~~~~~~~~


Isa nanamang panibagong araw ang sumalubong saakin. Kahit tinatamad akong pumasok ay sinubukan ko paring bumangon sa higaan ko.

Ginawa ko narin lahat ng mga ginagawa ko tuwing umaga at pumunta na ako sa Deminnton University para mag aral nanaman.

Kakapasok ko palang sa entrance ng school ay nakita ko ang mga kaklase ko na nagkakagulo sa harapan ng bulletin board.

Nilapitan ko ang bulletin board na nasa bandang kaliwa pagpasok mo sa entrance.

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon