CHAPTER 5: THE DREAM

3K 131 21
                                    

HENRY'S POV

"I would like you to meet your new classmates...." Habang sinasabi yan ng adviser namin ay kinausap ko sina Joshua at Shann.

"Here take this papers, nakalagay lahat ng mga pangalan at mga ugali ng magiging kaklase natin so read that ok?" Sabi ko habang inaabot ko sa kanila yung papel.

Tinawag naman ng adviser namin si Joshua para magpakilala. Tinignan ko naman ang pangalan ng adviser namin sa papel at Ms. Sarah Delos Reyes ang pangalan niya.

"Ako nga pala si Joshua Ford, 17 years old. Paglaki ko gusto ko magging engineer, actor, singer, dancer, chef, magkaroon ng isang banda, at iba pa........" Sinabi na ni Joshua lahat ng tungkol sa kanya at lumipat siya sa gilid para doon muna pumwesto.

"Grabe! Ang dami nyang gusto paglaki natatawa lang ako." Bulong ko sa sarili ko.

Tinawag naman ngayon ni Ms. Sarah si Shann para siya naman ang magpakilala.

"Hi I'm Shann Gates, 16 years old. If you treat me good then I'll treat you better. Sana magging friends tayong lahat." Ngumiti siya sa kanila tapos bigla naman nagbulungan ang mga kaklase namin. Makikita mo naman sa mukha ni Ms. Sarah na nagulat siya pero hindi ko alam kung ano ikinagulat at kung bakit sila nagbulungan.

For the third time ako naman ang tinawag ni Ms. Sarah. Lumapit din ako at tumayo sa gitna sa harapan.

"So kilala niyo naman siguro ako. Ako lang naman ang anak ng may ari ng Deminnton University so magingat kayo sa babangain." Sabi ko sa mga kaklase ko sa harapan. Nag sabi rin ako ng mga bagay na ayaw kong gawin nila saakin. Tinignan ko naman ang paligid at nakita ko na marami rami pa ang extra na upuan dahil konti lang ang mga students na nilalagay sa bawat classroom dahil malaki naman ang Deminnton University.

"Hmm saan ko kaya kayo pwedeng ipwesto? Ah ikaw Deminnton doon ka sa tabi ni Mak, ikaw naman Shann sa tabi ni Felly, at ikaw Joshua sa tabi naman ni Kristine." Sabi ni Ms. Sarah pagkatapos ko mag pakilala sa harapan ng mga kaklase ko.

Tutal alam na namin ang mga itsura at pangalan nila dahil nga sa papel na binigay ko sa kanila kami na mismo ang lumapit at umupo sa tabi nila. Tapos lumabas naman sa classroom si Ms. Sarah.

"Hi!! Hahaha ako nga pala si..." sabi saakin ni Mak pero pinutol ko iyon.

"No need alam ko na pangalan mo. Ang gusto kong malaman kung kilala mo kung sino yung kaklase niyong namatay." Sabi ko sa kanya ng seryoso.

"Yan alam ko yan kilala ko siya!! Siya si ....." hindi na naman natapos ni Mak ang pagsasalita niya dahil may sumipa sa upuan niya. Pagtingin ko si Gwen pala ang sumipa at katabi niya si Vance. Nakita ko sa mata ni Gwen na parang may sinasabi siya kay Mak pero hindi ko maintindihan iyon.

Bigla naman tumahimik si Mak at umupo nalang siya ng maayos.

Lumapit naman si Gwen saakin saka may binulong.

"Wag mo na kasi alamin pa." Sabay smirk at bumalik na sa upuan niya at nakipag usap na kay Vance.

"At bakit naman?" Tanong ko sa kanya habang nakalingon sa likod.

THIRD PERSON'S POV

Naka upo ngayon si Shann katabi ni Felly isang nerd at mysterious girl sa classroom nila. Hindi ito umiimik at nakatingin lang sa blackboard sa harapan. Bigla naman ito lumingon kay Shann.

"Ka-kapatid mo ba si Sandara Gates?" Tanong ni Felly kay Shann na nanginginig. Nag isip muna si Shann at bigla naman siya ngumiti ng nakakaloko.

"Hahaha siyempre hindi, ako lang naman ang anak nila mommy at daddy. Ah bakit mo nga pala naitanong?" Sabi niya kay Felly at parang bigla naman nakahinga ng maluwag si Felly.

"Wala lang wag mo na intindihin yon" Sabi ni Felly na nahihiya pa.

"Ok!! Gusto mo friends na tayo?" Tanong ni Shann kay Felly.

"Talaga? Sige gusto ko yan." Masayang sabi ni Felly sabay yakap kay Shann. Yun na nga nagusap na sila at nagtawanan.

Si Joshua naman ay walang kaimikimik ding nakaupo dahil isang tahimik na babae si Kristine at hindi siya nito pinapansin. Hindi narin niya ito pinansin at tumingin nalang siya kay Shann nagtaka siya dahil parang close na kaagad sila . Tumingin siya sa papel na binigay ni Henry at nakita niya ang pangalan ng babae na kausap si Shann.

Tumingin siya ulit kay Shann at sakto naman na nakatingin din si Shann sa kanya kaya nagtama ang mga mata nila. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ni Joshua at hindi niya talaga alam kung bakit nag kakaganito ito kaya minsan naiinis na siya.

Pumasok naman sa loob si Ms. Sarah at nag discuss na.

HENRY'S POV

Nagdidiscuss na si Ms. Sarah sa harapan pero mag narinig akong kaluskos hindi ko alam kung saan nangaling yon kaya nagtanong ako kay Mak na gumagamit ng cellphone.

"Mak may naririnig ka bang kaluskos?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman ha niloloko mo ba ako?" Inis na sabi ni Mak.

"Wag mo na pansinin yon. Sige mag cellphone ka lang." Walang ganang sabi ko.

Naririnig ko parin ang mga kaluskos kaya tumingin ako sa paligid. Wala naman ako nakikitang kakaiba o kaya multo. Pero sa kakamasid ko ay may napansin akong kakaiba dahil nung nagpakilala ako ay may apat na extrang upuan na nakita ko so nung umupo kami dapat may matitirang isang upuan.

Tinignan ko yung upuan na dapat ay walang tao at may nakita akong nakaupong babae na naka suot din ng pang Deminnton University na uniform at nakakatakot ang kanyang itsura dahil magulo ang ayos ng buhok niya parang ginupit ng hindi maayos tapos naka make up siya ng gulo gulo. Nagsusulat din siya sa isang notebook pero hindi ko makita ang nakasulat doon at pag tingin ko sa paligid ay tulog lahat ng mga kaklase ko pati narin si Ms. Sarah.

Tumingin ulit ako doon sa upuan at nakita ko na wala ng nakaupo doon kaya lumapit ako doon para makita ko kung ano yung nakasulat sa notebook. Nang makalapit ako ay nakasarado na iyon at nakalagay doon ay diary. Bubuksan ko na sana yung notebook ng bigla nalang kumalabog ang bintana. Tumingin ako doon at may nakita akong nakabakat na palm print na puro dugo tapos may narinig akong kaluskos at may nakita akong dugo na gumagalaw padiretso na kumakaluskos dahil ata sa kuko. Dahil sa kaba ay tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mga kaklase kong duguan at wala nang buhay, tapos may narinig ako nagsalita pero hindi ko makita kung saan iyon nanggagaling.

"Hoy Henry!! Henry!!" Tawag saakin ng boses ng isang lalake. Tumingin ako sa paligid pero wala talaga.

"Henry gising na!!!" Bigla kong nimulat ang aking mata at nakita ko sila Joshua at Shann na nakatayo sa harapan ko.

"Grabe tulog mantika ka pala! Kanina ka pa namin ginigising ayaw mong magising tingnan mo uwian na ngayon ka lang nagising at tayo nalang nandito sa room, bilis ano pa hinihintay mo tayo na!!!" Sigaw saakin ni Shann.

"Ahhh panaginip lang pala mabuti hindi yon totoo." Bulong ko sa sarili ko dahil hindi ko akalaing mananaginip ako ng ganon.

"May sinasabi ka ba?" Tinatamad na tanong ni Joshua.

"Ang sabi ko tara samahan nyo ako kumain sa restaurant kasi maghapon akong hindi kumain lilibre ko rin kayo gusto nyo?" Palusot ko nalang dahil gutom na rin ako.

"Sige payag kami!!" Masayang sabi nila. Kanina lang galit at sumisigaw pa ngayon tuwang tuwa na. HAY...

Nagkwento lang sila sa mga nangyari buong maghapon at kumain narin kami ng sabay dahil gutom na ako at nilibre ko kasi sila.

"Hmmm ano kaya mangyayari bukas? Sana maganda naman." Sabi ko sa sarili ko at nagpatuloy na ako sa pagkain.

TO BE CONTINUED

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon