CHAPTER 1: I CAN SEE GHOST

6K 183 43
                                    

I'am Henry Deminnton, 17 years old, just call me Henry for short. Anak ako ang may ari ng Deminnton University pero hindi ako nag aaral doon, samantala isa akong third year high school student sa Ford University at ang dahilan kung bakit ako nag aaral dito dahil galit ako sa university na iyon pero sa susunod ko na sasabihin ang dahilan tungkol doon.

Nung bata palang ako ay hindi pa ako nakakakita ng mga multo but because of an accident, I've been in a coma for one year kaya ngayon ay third year plang ako at sa di inaasahang pang yayari ay nag karoon ako ng third eye at wla pa akong pinag sasabihan tungkol dito.

---------------------

Nandito ako ngayon sa bus para pumunta sa Ford University.

"Parang kakaunti lang ang mga tao ngayon na nakasakay sa bus", sabi ko sa sarili ko sabay tumingin sa labas nang bigla nalang tumigil ang bus at nag silabasan lahat ng mga pasahero at naiwan nalang akong mag isa.

Pero bigla nalang akong may naramdaman, nagmasid ako sa paligid pero wala akong nakita pero pag tingin ko naman sa likod ay may nakita akong isang batang lalake na nakaupo sa pinaka likod ng bus, kumbaga ako yung nasa pangalawa sa unahan at siya ung sa pinaka likod.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil alam ko na isa iyong multo na mang gugulo nanaman.

Kinuha ko yung cellphone ko para mag laro para pampalipas oras pero nagreflect sa cellphone ko yung bata na malapit na saakin.

Nang tumingin ako sa likod ay bigla nalang siya tumakbo saakin at hinatak ako sabay bulong saakin ng kung ano mang bagay. Dahil naman sa kilabot na naramdaman ko ay agad ko pinahinto yung driver sa pag dridrive upang makababa na ako. Pero nang makalayo na ako sa bus ay patuloy parin sa pag sunod yung bata, kaya no choice kundi sundin ko kung ano ang gusto niya.

-------------------

Pumunta naman ako sa isang ice cream shop dahil gusto daw ng multong bata na iyon ng ice cream. Pagkatapos kong bumili ay umupo na ako at ipinatong sa lamesa ang kanyang ice cream. Siyempre meron din ako, magpapahuli pa ba ako?

Nang mangalahati na ako sa ice cream ay umalis na ako at nagpaalam sa multong bata. Napahinto ako at tinignan ang aking relo.

"AAAHHH! Late na pala ako ng 2 hours, hindi ko napansin kainis!!!" Pag kasabi ko nyon ay napa face palm ako at biglang gulo ng buhok ko. Mabilis kong inubos ang aking ice cream at dalidali akong tumakbo para makahanap ng masasakyan.

"Hindi kasi ako makapag drive ng kotse kasi baka bigla namang may sumulpot na kung ano!" Inis na sabi ko sa isip ko.

Nang makahanap na ako ng bus ulit na papunta sa Ford University ay dali dali akong sumakay.

Nakapunta na ako sa aking destinasyon kaya nag lakad nalang ako papunta sa aming classroom.

Pag kapasok ko ay biglang nagsalita yung teacher ko.
"Mr. Deminnton why are you late?"

"And why do I have to tell you the reason? Any way sorry for being late ALL THE TIME!!" Sabi ko sa teacher ko sabay tingin sa kanya ng masama at halatang natakot siya. Lagi rin kasi ako late hindi na nasanay.

Siyempre umupo na ako sa upuan ko.

"Ang galing ng ginawa mo Henry!! Ahahaha nakakatakot."

Sabi ni Joshua Ford ang aking best friend since 1st year high school. Tama rin ang hinala niyo, siya ang anak ng may ari ng Ford University. Si Joshua ay isang baliw na tao para saakin dahil gusto niya lahat ng mga wierd na bagay. Di ko parin nasasabi sa kanya na may third eye ako, baka sabihin niyang may sira ako sa utak pero sa palagay ko may balak din akong sabihin sa kanya.

"Kyahhhh!!! Kinikilig ako" sabi ng isang babae sa likuran ko.

"Bilis ibigay na natin. 1..2..3!!!" Pag kasabi niyon ng babae ay bigla silang naglapitan saakin at sabay bigay ng mga chocolate.Nagulat din ako dahil akala ko kung anong gagawin nila.

Dahil ayaw ko rin naman ng mga dala nila ay nag salita naman ako.

"Sino may gusto ng libreng chocolates??!!!" Pag kasabi ko nito ay naglapitan ang iba kong mga kaklase at tsaka kumuha ng mga chocolates. Siyempre si Joshua ay kumuha rin para sa kanya.

Napanganga lahat ng mga babae dahil sa ginawa ko.

Nag umpisa na ang klase hanggang sa mag uwian na.

"Joshua punta muna tayo sa likod ng university may importante lang akong sasabihin" sabi ko sa kanya sabay tayo.

"OKAY!" Sigaw ni Joshua habang kumakain parin ng chocolates na pinamigay ko.

Naglalakad palang kami papunta sa labas ay may mga kakaunting multo na akong nakikita. Pero ng makapunta na kami sa likod ng aming university na pinapasukan ay wla nang mga multo at tumingun ako ng seryoso kay Joshua.

"Seryosong usapan to Joshua"

"Oo na, oo na ano ba iyon?"

"Ang totoo kasi ay may third eye ako, kaya kong makakita ng mga multo" sabi ko sa kanya

"Wow naman boy! Nakakakita ka ng multo!" Sabi naman ni Joshua habang naka ngiti at parang exited na exited.

Habang tumatawa ako dahil sa pinag gagawa nitong best friend ko ay may narinig kaming isang malakas na sigaw ng babae.

"Aaaaaahhhhhhh!!!!" Sigaw ng isang babae.

Dahil naman doon ay pinuntahan namin ni Joshua ang pinanggalingan ng sigaw.

TO BE CONTINUED

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon