CHAPTER 24: WHO'S THE MASTERMIND?

1.2K 53 2
                                    

GWEN'S POV

Naka upo ako ngayon sa aking upuan sa loob ng aming classroom.

Tahimik lang akong naka upo sa tabi ni Vance, lutang at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil alam ko na ang totoong pagkatao ni Vance pero hindi ko alam kung maniniwala ba talaga ako sa mga sinabi ng tatay ni Vance kahit pinasa na saakin ang litrato ng medical result nito.

Napansin ko rin na tahimik lang si Vance na nasa tabi ko. Hindi siya naimik at walang kalukot lukot ang kanyang mukha. Nakatitig din siya sa kawalan na tipong nagiisip ng malalim at dahil sa katahimikan na nabubuo sa pagitan naming dalawa ay tumayo na ako at naglakad na papunta sa school garden.

Pumunta ako sa school garden ng school na pinapasukan ko dahil may naiisip akong ideya na maaari kong gawin.

Umupo ako sa isa sa mga bench at tumingin muna ako sa paligid ko bago ko ilabas ang cellphone ko para makasigurado ako na wala siya dito sa tabi tabi.

Balak kong i-text sa mga katropa ko except ka Vance para masabi ko ang mga nalaman ko kay Vance. Kung kakausapin ko kasi sila dito sa school ay baka marinig ni Vance ang mga bagay sasabihin ko pero naisip ko rin na dapat tinext ko na dapat sila kagabi pa nung nalaman ko ang mga nililihim ni Vance saamin dahil mas hindi ako mag aalala.

Nag tatype na ako sa aking cellphone at malapit na akong matapos nang may naramdama akong papalapit saakin sa bandang kanan ko pero nung tinignan ko ito ng mabilis ay walang nahagip na hugis ng tao ang aking mga mata. Agad kong tinuon ang aking pansin sa pag tatype sa cellphone ko para matapos na ako mamaya pero may naramdaman akong hangin sa tenga ko.

"Ano 'yan?" biglang may bumulong sa akin na boses lalaki ngunit nakakapanindig balahibo ang kanyang boses.

"Wag! Wag! Maawa ka!!"sigaw ko sa sobrang takot. Nahagis ko rin ang aking cellphone, nawala rin ako sa kinauupuan ko at tinakpan ko ang aking mukha at tuluyan ng bumuhos ang aking luha dahil hindi ko kinaya ang pangyayari dahil sa dami kong inaalala.

"What the heck is your problem Gwen? Ganyan ka pala matakot." natatawa ang tono ng kanyang boses kaya tumingin ako sa kinatatayuan niya at nakita ko si Henry at Joshua na natawa.

"Kayo nga dapat ang tinatanong ko. Anong problema niyo?" naiiritang tanong ko sakanila at tumigil narin ang pagbagsak ng aking luha dahil alam kong wala pang mangyayaring masama saakin.

"Ok, sorry na... ako naman ang may kasalanan ehh." sabi saakin ni Henry tapos tunulungan ako nila Joshua at Henry na makatayo. "Teka, napansin ko sa ginawa mo kanina na kakaiba ang kinikilos mo. May nangyari ba?" tanong saakin ni Henry pagkatapos nila akong itayo.

Kinuha ko na ang cellphone ko at tinignan ko ito habang sinasagot ko si Henry. "Mind your own buss.........." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa nakita ko sa cellphone ko. Nakita ko na nasend ko na ang lahat ng mga natype ko. "Kasalanan niyo 'to!" sigaw ko sakanila sa sobrang inis sabay alis na.

Nagiisip ako ng sasabihin ko sakanila upang makagawa ako ng dahilan. Hindi ko na dapat ito i-sesend sakanila pero dahil sa nagulat ako napindot ko ang send button.

"Happy April Fools Day :)" text ko sakanila para akalain nila na joke lang ang lahat ng sinabi ko.

~~~~~~

Nasa school canteen kami ngayon at binabatukan ako ng mga katropa ko dahil sa tinext ko sakanila.

"Grabe ka Gwen, nagulat ako sa text mo!" sabi saakin ni Mak.

"Wag ka na ulit mag loko ng ganon. Natakot talaga ako!" kahit na parang pasigaw na ito sinabi ni Lime ay mahinhin parin ang kanyang boses.

"Maniniwala na sana ako ehh tapos bigla mong dinugtungan ng Happy April Fools Day!"sabi saakin ni Candice. Lahat sila ay nagrereklamo sa text ko kanina.

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon