CHAPTER 20: BEHIND THE MASK

1.2K 68 10
                                    

Nagkakagulo ngayon ang mga estudyante sa loob ng classroom dahil sa nakita nilang video.

"Tignan niyo! May karugtong pa pala yung video!" Sabi ni Mak. Naglapitan sa kanya lahat ng mga estudyante sa classroom sabay play ni Mak sa video.

'GOOD AFTER NOON, ANG FIRST LESSON NATIN NGAYON AY DISSECTING.' lahat sila ay natakot dahil nasubukan na nilang mag dissect ng palaka at ang hinala nila ay tao ang i-dadisect ng babaeng naka plague mask. 'THREE OUT OF FIVE! HAHAHA HINDI KASI KAYO NASUNOD KAYA AYAN..' itinutok niya ang camera sa tatlong estudayante na nakahandusay sa lapag, nakabukas din ang kanilang tiyan, at labas labas narin ang kanilang laman loob. Sunod niyang itinutok ang camera kila Angela at Joshua na nakahiga sa mahabang lamesa habang nakatali. May naktutok din na baril sa ulo ni Angela pero nakatali ito sa itaas. 'BIBIGYAN KO KAYO NG 10 MINUTES PARA MAHANAP KAMI PERO KUNG HINDI..... PAPATAYIN KO SILA.'

'TU-TULUNGAN NIYO KAMI.' mahinang sabi ni Angela pero mararamdaman mo na natatakot na siya.

'WAG! WAG KAYONG--' hindi na natuloy ni Joshua ang sasabihin niya dahil huminto na ang video. Kasabay din nito ang paglabas ng timer sa screen ng cellphone ni Mak.

"Umpisa na ang 10 minutes. Kailangan na nating mag madali." Sabi ni Mak. Nagkagulo nw ulit ang lahat sa loob ng classroom dahil hindi na nila alam ang gagawin.

"Angela! Ililigtas ka namin!" Sabi ni Lime. Hindi na nakayanan ni Lime ang nangyayari kaya napaiyak na siya. "Sa anime gore ko lang ito nakikita pero..." Dahil sa mga bitukang nakita ni Lime sa video ay napsuka siya.

"Syempre hindi lang si Angela ang ililigtas. Pati si Joshua ililigtas natin." Sabi ni Shann.

"Wawasakin natin ang pinto! Dito kayo!" Sabi Henry. Lahat ng lalake ay nag puntahan sa harap ng pinto dahil sila ang may mga lakas para sirain ito.

Nag bwelo sila at tsaka binanga ang pinto pero walang nangyari kaya inulit nila. Pero sa pangalawang pagkakataon ay nasira nila ang pintuan at nagsilabasan sila.

"Mak, ilang minuto pa ang natitira?" Tanong ni Vance. Kaagad naman kinuha ni Mak ang kanyang cellphone at tinignan ang oras.

"7 minute pa!" Sagot ni Mak.

"Dalawang minuto ang nasayang natin sa pag bukas ng pinto." Sabi ni Vance.

*kkrriinngg* *kkrriinngg*

Napatingin silang lahat kay Henry dahil tumunog ang cellphone niya.

Kaagad na kinuha ni Henry ang kanyang cellphone para malaman kung sino ang nag text sakanya.

'ANO BANG PINAGSASABI MO HENRY? HINDI PA AKO NAG PAPAGAWA NG PANIBAGONG BUILDING NG DEMINNTON UNIVERSITY.' - Mary Clementine.

Nag reply ang nanay ni Henry sa text niya kanina.

"Anong ibig sabihin nito? Kung ganon naloko lang pala kami." Bulong ni Henry. Napa kuyom ang kanyang kamay dahil sa inis.

"Guys, saan tayo pupunta?" Tanong ni Candice sa mga kaklase niya.

"Ang alam ko doon tayo pupunta sa malaking puno na 'yon at makikita natin sa likod ng puno ang pangalawang classroom." Sabi ni Henry. Tinuro niya ang malaking puno na sinasabi niya.

"Ang layo naman pala." Sabi ni Candice.

"Kakayanin natin ito para kay Angela hindi ba?" Sabi ni Mak. Tumingin siya kay Candice para sumangayon siya.

"Tama!" Sagot ni Candice at tumakbo na para makapunta siya ng mabilis at para hindi masayang ang oras.

"Guys 5 minute nalang!" Sabi ni Mak. Tumakbo na sila pero hindi sumama ang iba nilang kaklase dahil natatakot silang pumunta doon.

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon