CHAPTER 17: HALLUCINATION

1.4K 67 2
                                    

HENRY'S POV

"Henry nagkasakit ang driver mo. Just call a taxi if you want." Sabi ng mom ko.

"Hindi ko na kailangan mag taxi mom. I can use my own car." Sabi ko tapos nag lakad paalis.

"Are you sure Henry? Ang sabi mo ayaw mong mag drive ng kotse?" Sabi ni mom na halatang nagtataka.

"I just wanted to try it." Sagot ko sabay alis at tinaas ko ang isa kong kamay bilang sign ng goodbye. Pupunta na kasi ako sa school ngayon.

Sumakay na ako sa kotse ko tsaka start ng makina. Pinaandar ko na ito at swabe naman ang galaw ko, walang nagpapakita na pwede kong ikagulat, at naiisip ko na hindi ko na kailangan ng driver.

Nasa highway na ako at maraming sasakyan na dumadaan.

"Kuya........." napapreno ako dahil sa gulat. Muntikan pa ako makabanga ng kotse. Tinignan ko naman kung sino ang nagsalit at alam ko naman na isa iyong multo.

"Ice cream boy? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya habang naka hinto ang kotse ko sa gilid.

"Ice cream...." ano pa bang inaasahan ko? Gusto lang naman niya ng ice cream eh.

"Okay..." walang gana kong sabi sakanya sabay andar ng kotse ko at pumunta sa isang malapit na ice cream shop.

Bumaba ako sa kotse at bumili na ng isang ice cream. Pagkatapos ko ay bumalik sa ako sa loob ng kotse.

"Ohh.. eto na." Sabi ko sakanya sabay patong ng ice cream na nasa cup sa upuan. Tinignan ko siya at lumungkot yung mukha niya. "Bakit?"

"Ayoko nito.... gusto ko yung isa..." sagot niya saakin.

Haaaayyys..... ano ba gusto nito? Pinapahirapan niya ata ako.

Pinaandar ko na ang kotse ko at may naisip.

"Di kaya dapat bumili ako sa dati kong binilhan?" Bulong ko sabay hataw ng kotse ko papunta sa ice cream shop na sinasabi ko. Doon din kasi ako bumili ng isang balot ng ice cream.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakapunta na ako at bumili na ng ice cream. Pagkatapos kong bumili ay binigay ko na iyon kay ice cream boy.

"Ice cream lang ba ang ipinunta mo dito?" Tanong ko sakanya at nakatitig lang siya sa ice cream dahil hindi niya naman pwedeng kainin 'yon dahil isa siyang multo.

"Hindi......" sagot niya sabay tingin saakin. Bigla naman siya lumapit saakin at may binulong.

"Diba address 'yon? Gusto mo bang pumunta tayo doon ngayon na?" Tanong ko sakanya na may pagkainis. Tango lang ang sinagot niya at pumunta na ako sa sinasabi niyang lugar. Halos 15 minutes lang ang biyahe  namin papunta doon dahil malapit lang.

"Anong gagawin natin dito?" Tang ko sakanya. Tumungin ako sa bahay na tinutukoy niya at makikita mo na luma na ang bahay pero sa tingin ko ay nakita ko na ito at parang nakapunta na ako sa bahay na 'to.

"May gusto akong sabihin..." naglakad siya papalapit sa bahay. "Dito ako nakatira dati... Gusto ko lang na makita 'to. Ang tatay ko pati ako ay naaksidente sa harap ng ice cream shop na palagi namin pinupuntahan, kaya palagi ako nagpapabili sayo ng ice cream na galing doon. Salamat kuya. At sana huwag mong hayaan na makasakit ang ate ko.." pagkatapos non ay ngumiti siya at bigla nalang naglaho.

"T-teka...." marami pa dapat akong itatanong sa kanya pero nawala na siya. Yun na siguro ang last niyang gusto niyang mangyari kaya nawala na siya.

Lumapit ako sa bahay at sinubukan kong buksan ito pero hindi ko mabuksan. "Sino ba yung ate na sinasabi niya?".

Tumingin ako sa relo ko at nagulat ako sa nakita ko dahil 8:30 na at late na ako kanina pa. Pumasok na ako sa kotse ko at nag madaling makapunta sa school.

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon