CHAPTER 35: THE DREADFUL PAST

1.3K 50 34
                                    




CHAPTER 35:
THE DREADFUL PAST








HENRY'S POV



"Ang ibig sabihin niyo po ba ang kapatid ko ang may kagagawan kung bakit namamatay ang mga kaklase namin?!" hindi naiwasan ni Shann na mapasigaw dahil sa gulat.

"Relax...... parang ganon na nga pero I'm not sure yet. Papaalam ko sainyo kung sigurado na ako." Sabi ni Madame Claire saamin habang nakaupo parin.

"Hindi ko alam na magagawa niya 'yon." Bulong ni Shann pero narinig ko parin ito.

"Okay...... Hindi na dapat natin pahabain pa ang paguusap natin dahil busy pa ako. Ano ba ang mga nadikubre niyo?" Sabi ni Madame Claire para palitan ang topic.

"Ang saakin...... ang akala ko ay pinagpalit kami ng Dad ko nung baby palang ako pero ng tanungin ko ang Mom ko, ang sabi niya namatay daw ang Dad ko nung 7 years old palang ako, dahil niligtas niya ako. Pero parang may mga bagay akong naalala kahit na hindi ko maalala at hindi ko rin sigurado kung nangyari ba talaga saakin iyon sa nakaraan ko." Paliwanag ko sa nalaman ko.

Pagkatapos kong magsalita ay tumingin naman si Madame Claire kay Shann.

"Kaninang umaga lang po ito nangyari. Ang alam ko po kasi ay namatay na ang nanay ko pero nakapagtataka na bigla nalang siya dumating at ang sabi niya ay tapos na ang pagtatrabaho niya overseas. Can you explain everything?" Si Shann naman ang sunod na nagsalita at kami ay tumingin kay Madame Claire dahil blanko parin kami sa mga nangyayari.

"Katulad nga ng sinabi ko, your fear makes you lie. Isipin niyo ng maigi kung ano ang pinaka kinatatakutan niyo. I have a hint for you. Isipin niyo kung ano ang mga nalaman at naalala niyo dahil doon niyo malalaman kung ano ang kinatatakutan niyo. Hindi ko kayo pwedeng tulungan ng diretsuhan dahil gusto ko na kayo mismo ang magisip." Sabi ni Madame Claire saamin at seryoso ang mukha niya ngayon. "I'll give you one minute." Dugtong pa niya tapos tumingin siya sa wall clock at nagpatuloy ulit siya sa paggawa ng mga bagay na kailangan niyang tapusin.

Hindi ko talaga alam pero sa tingin ko ay sapat na ang sinabi ni Madame Claire para malaman namin ang kasagutan.

Tumungin ako kay Shann at nakita kong nagiisip din siya kaya sinubukan kong paganahin ang utak ko.

Patuloy na tumatakbo ang oras at wala parin akong naiisip.

Nalaman ko ang katotohanan na patay na ang Dad ko kahit na iniisip ko na pinagpalit niya kami sa iba.

Si Shann naman ay nalaman niya na buhay papala ang nanay niya kahit na iniisip niya na patay na ito.

Kung iisipin mo ng maigi ay parang halos magkaparehas lang kami ni Shann.

Kung iisipin mo ng mabuti, ang akala ko ay iniwan kami ng Dad ko dahil may nahanap na siyang iba at si Shann naman ay iniisip niya na wala na siyang natitirang pamilya kahit na buhay pa ang nanay niya. Parehas naming inisip na umalis at iniwan nila kami.

3...........

Kung iniisip naming iniwan kami.....

2 ...........

Siguro ay takot kaming maiwanang magisa!! Takot kaming mawalan ng mga mahahalagang tao sa aming tabi!!

1...........

At baka may iba pang alaalang nawala saamin na may kinalaman sa bagay na tinutukoy ko.

"Time's up! So what do you fear most?" Sabi niya para malaman na niya ang mga naisip namin na pwede naming katakutan.

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon