CHAPTER 11: BLOODY WALL

2K 90 14
                                    

Bubuksan na sana ni Gwen ang pintuan ng tumunog na ang bell na nagsasabi na tapos na ang break time kaya naman umalis na si Gwen at hindi niya natuloy ang pagbukas ng pinto.

"Hahaha!! sige buksan mo pa yan magugulat kayo sa makikita nyo!!!" Masayang sabi ng isang nilalang na nakatayo malapit sa maintenance room.

SANDARA'S POV

Tuwing nakikita ko ang mga kaklase ko naiisip ko tuloy kung ano ang naging role nila sa buhay ko.

"Sa totoo lang ano kaya ang role ng mga kaklase ko saakin? Mga kaibigan ko ba sila?" Yan lang ang palaging pumapasok sa isip ko pero hindi ko malaman ang sagot.

Pumunta naman ako sa office para maki nood ng TV.

Nakita ko naman na balita ang palabas ngayon kaya nanood nalang ako para hindi mainip.

Habang nanonood ako ay may pumasok sa office at nakita ko na si Garry ang pumasok. Siguro meron syang ibibigay dahil may hawak syang mga papel.

Napatingin ako pati narin si Garry sa TV dahil ang nirereport ngayon sa balita ay tungkol sa babaeng namatay sa Demimnton University at ako ang tinutukoy doon.

Tumahimik ang buong paligid at napunta ang attention sa balita.

"Ayon sa resulta ng observtion namin sa katawan ng babae na tawagin nalang natin sa pangalang Sandra. Walang duda na nag suicide siya. Tinignan namin ang mga information tungkol sa kanya at nalaman namin na mag isa nalang siya sa buhay at wala nang ibang malalapitan at nalaman din namin na meron din siyang sakit sa pagiisip........" isang pulis ang nagsabi lahat ng iyon. Tumingin naman ako kay Garry at nakita ko na gulat ang mukha niya. Hindi ko alam kung nagulat siya sa nalaman niya o dahil sa ibang bagay.

Hindi ko na kayang pakingan pa ang balita kaya lumabas ako.

"Hahaha! May sakit sa pag iisip?! Nagpakamatay?! Pinagloloko ba nila ako?"" Nagulat ako dahil sa sinabi ko. Hindi ko inaasahan na magagalit ako at makakapagsalita ako ng ganon. Pero totoo nga ba ang lahat iyon?

VANCE'S POV

Masaya kami nagkukwentuhan ng pumasok si Garry sa Classroom. Umupo siya sa tabi namin at nag tanong saakin.

"Vance nakita ko ang papa mo sa balita kanina sa office.." Pag uumpisa ni Garry.

"Ano naman ang gusto mo malaman?"

"Gusto ko lang malaman kung bakit siya ang nandoon? Diba hindi naman ang tatay mo ang naka assign doon?" Oo pulis ang tatay ko pero siya ang head doon.

"Ewan ko.. Diba siya nga ang head edi pwede niyang gawin ang gusto niya." Yun nalang ang sinabi ko pero meron talaga akong ibang dahilan kung bakit ko yon ginawa.

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon