CHAPTER 14: ITS ALL A LIE

1.7K 68 2
                                    


3RD PERSON'S POV

"Ano na gagawin natin?" Tanong ng isang lalake.

Tila may nagtitipon sa loob ng isang classroom. Wala naring mga estudyante sa bawat room dahil kanina pa sila naguwian.

"Just wait a second" sagot ng babae sa lalake na nagtatanong sakanya. "Alam ko na!! Eto sasabihin ko sainyo.............." binulong niya sa kanyang mga kasama ang plano nila para bukas.....

"Mukhang masaya yan...... pwede ba kong sumali?" Tanong ng isang lalake na kakapasok lang sa classroom na kanina pa nakikinig. Lumapit siya sa mga naguusap at umupo sa isang bakanteng upuan.

"Anong ginagawa mo dito Vance?" Nagulat ang babae kaya napatanong siya.

"Pumunta ako dito para sumali." Ngumiti lang si Vance sa babae at nagumpisa na sila sa kanilang pagtitipon.

----------------

*ring* *ring*

Sinagot kaagad ng babae ang cellphone niyang nag riring.

"Shann! Kita tayo sa plaza..." sabi ng babae sa kabilang linya at maririnig mo sa boses niya na masaya at excited siya.

"Haha mabuti pinaalala mo Felly! Sabay nga pala tayo papasok ngayon....." sagot ni Shann at bumangon na sa kanyang pagkakahiga.

"Bye na... mag aayos pa ako." Binaba na ni Felly ang kanyang cellphone at nag ayos narin si Shann para makaalis na.

Paalis na sana si Shann nang may maalala siya...huminto muna siya ng sandali at pumunta sa lamesa upang kumuha ng isang slice ng tinapay para pang breakfast. Humakbang siya palayo sa lamesa pero bigla nalang siya lumuha sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Kung hindi lang sila namatay ng maaga...... makakatikim sana ako ng kanilang pagmamahal at hindi titira sa isang apartment na walang nagluluto para saakin....." pinunasan niya kaagad ang kanyang luha. "Wala na akong oras para sa ganitong bagay!" Pinalo niya ang kanyang mukha gamit ng kanyang dalawang kamay para magising gising siya ...

Umalis na siya sa apartment at pumunta sa plaza para sabayan si Felly na pumasok sa school.

----------------

"Felly!" Tawag ni Shann sakanya. Narinig naman ito ni Felly kaya kumaway siya bilang pag sagot.

Nakalapit na si Shann kay Felly.

"Alis na tayo dito, Felly." Hingal na hingal si Shann dahil tumakbo siya palapit kay Felly.

"Hindi kana magpapahinga?" Tanong ni Felly.

"Okay lang ako.... hindi ko na kailangan magpahinga." Ngumiti siya kay Felly at bigla sila nagtawanan.

"Sige na nga! Halika na alis na tayo!" Masaya si Felly ngayon meron siya makakasabay papunta sa kanilang school..

Nag lalakad lang sila papuntang school habang naguusap.

"Haaay...... sana wala na ulit mangyaring gulo sa school..." ang kaninang nakangiti na si Shann ay biglang nalungkot.

"Sorry nga pala ulit sa nangyari kahapon..... hindi kita natulungan...." napayuko si Felly dahil naaalala niya ang nangyari gulo at hindi man lang niya natulungan si Shann.

"Wag mo nang isipin 'yon... hindi mo na kailangan mag sorry saakin." Ngumiti siya para malaman ni Felly na okay lang sakanya iyon. "Nandito na pala tayo sa school."

Naglakad na sila papuntang classroom habang nagtatawanan.

-----------------

Nakasakay sa loob ng kotse si Henry habang naghihintay na makapunta sa school. Si manong driver ulit ang nagmamaneho dahil ayaw mag maneho ni Henry.

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon