CHAPTER 26: LOCKED UP

971 47 12
                                    

HENRY'S POV

Pagkatapos ng klase namin ay nagkita kita kami sa gate ng school dahil may pupuntahan kami ngayon.

Kasama ko na ngayon sila Shann at Joshua. Mabilis lang naka recover si Joshua, naka balik siya nung mga araw na ginulat ko si Gwen.

Ngayon yung araw na napagkasunduan naming samahan si Shann. Last last week ay tumawag siya saakin at nagpapasama siya sa dating bahay nila Sandara [CHAPTER 16] may gusto ata siyang tignan.

Ako rin sana ay gusto kong magpasama sa kanila dahil naalala ko yung binigay na address ni ice cream boy saakin at pinuntahan ko ito kaso nga lang sarado ang pintuan [CHAPTER 17] pero hindi ko narin maalala yung address na sinabi niya saakin at nakita ko rin ang bahay na iyon nung nanaginip ako [CHAPTER 18]. Sa palagay ko may gustong ipakita saakin si ice cream boy sa loob ng bahay na 'yon.

"Kay Henry nalang tayo magpahatid." sabi ni Joshua at sumangayon naman ako pati si Shann.

"Eto nga pala yung address ng bahay nila Sandara dati." sabi ni Shann sabay abot ng papel, tinanggap ko naman ito.

"Halika na, punta na tayo doon para maaga aga tayo matapos." alok ko sakanila.

Pumasok na sila sa kotse. Binuksan ko na ang makina ng kotse ko at nagpatuloy na kami sa pagbiyahe.

Halos 15 minutes lang ang biyahe namin papunta doon kaya maaga pa.

"Dito! Dito! Dito yun!" pagpapatigil saakin ni Shann dahil muntikan ko na ito malagpasan. Hindi ko tinignan ang bahay na sinasabi ni Shann dahil busy pa ako sa pagpatay ng makina ng kotse ko.

Unang bumaba ng kotse sila Joshua at Shann tapos ako naman ang sumunod sakanila.

Pagkakita ko sa bahay na pinuntahan namin ay nagulat ako dahil ito rin ang bahay na sinasabi ni ice cream boy.

Napansin ni Shann ang itsura ko kaya nagtanong siya saakin.

"Bakit parang gulat na gulat ka ata?" tanong ni Shann.

So kapatid ni ice cream boy si Sandara? So pwede ding maging kapatid ni Shann si ice cream boy.

"May kapatid din ba kayong lalake?" tanong ko kay Shann. dahil sa curious.

"Oo, meron" sagot niya saakin pero halatang may pagkagulat siyang naramdaman dahil sa tanong ko.

"Mahilig ba siya sa ice cream?" isa ko pang tanong kay Shann pero bigla siyang nagulat.

"Paano mo nalaman? Wala naman akong pinagsasabihan tungkol sa isa ko pang kapatid." sagot ni Shann pero nagtaka siya kung bakit ko iyon nalaman.

"Shann, don't you know? Nakakakita siya ng multo." excited na pagkakasabi ni Joshua.

"Well, yung batang sinasabi mo Henry, siya si Sam. Siya ang nakababata naming kapatid ni Sandara. Nang maghiwalay ang magulang namin. Kinuha ng tatay ko sila Sandara at Sam habang ako ay naiwang magisa sa nanay ko. Kwento lang 'yon ng nanay ko nung nandito pa siya sa mundo. Dalawang taon lang daw kami ni Sandara non at one month old palang si Sam nang maghiwalay sila. Tsaka nalaman ko rin na wala narin pala ang tatay ko dito sa mundo. Kasama niyang namatay si Sam. Ang tatay ko daw palagi ang nagdadala kay Sam sa paborito niyang ice cream shop, pero nang papauwi na sila ay may nangyaring car accident kaya sabay silang namatay." naging emosyonal si Shann nang sinabi niya ang buong nangyari sa pamilya niya.

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon