CHAPTER 2: THE MYSTERIOUS GIRL

4.3K 161 51
                                    


HENRY'S POV

Kasalukuyan kaming tumatakbo ni Joshua papunta sa pinang galingan ng sigaw.

Pagkapunta namin kung saan nangaling ang sigaw ay marami ng mga taong nakikitingin at may narinig din akong nag salita, sa palagay ko yung babaeng sumigaw iyon dahil parang nanginginig yung boses niya.

"Parang me-meron akong na-nakitang mu-multo banda doon" sabi ng babae sabay turo sa gilid ng classroom na ngayon ay nasa labas na ng classroom.

"Nababaliw kana ba? Wala naman nan doon ha." Sabi ng mga estudyante.

Umubo naman ng peke si Joshua para makuha ang attention ng mga estdyante at dahil doon ay nagtinginan naman sila kay Joshua sabay bigay sa kanya ng daanan. Kung tatanungin niyo ulit kung bakit nila ginawa iyon, siya kasi ang anak ng may ari ng school na ito.

Nag lakad kaming dalawa papunta sa babae.

"Eto, punasan mo yung luha mo." Sabi ni Joshua sabay abot niya sa babae ng panyo na ngayon ay umiiyak na. Kinuha naman ito ng babae sabay punas sa kanyang luha.

"Ano ba ang nangyari kanina at sumigaw ka?" Tanong ko sa babae.

"Na-nakita ko kasi ung ka-kaibigan ko." Pa utal utal nitong sagot sa tanong ko.

"Yun lang naman pala eh, hindi multo yung nakita mo." Sabat ni Joshua na nakatingin sa bintana.

"Pero patay na siya" pagkasabi niyon ng babae ay tumingin si Joshua sa kanya. Tapos ako naman ay pumasok sa loob ng classroom na sinabi ng babae.

JOSHUA'S POV

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko, dahil ba ito sa takot o sa babaeng ito. Ah bahala na nga.

Ano kaya ang pangalan niya. Parang gusto ko na malaman ngayon.

"Ah miss ano ba ang pangalan mo?" Inabot ko rin ang kamay ko sa kanya para makatayo na siya at agad naman niya ito hinawakan tsaka hinatak ko siya pataas.

"Thank you, ako nga pala si Shann Gates nice to meet you"

Nag bow siya saakin tapos bigla nalang siya tumakbo palayo.

Tumingin naman ako sa likod ko at meron pa palang mga estudyanteng nanonood.

"Ano pa ang tinatayo tayo niyo diyan umuwi na kayo!!" Sigaw ko sa kanila. Dahil naman sa sigaw ko ay agad silang nagtatakbo.

HENRY' POV

Pinuntahan ko na yung gilid ng classroom at nakita ko na yung multong sinasabi ng babae.

Maayos ang kanyang suot kaya lang duguan ito, mahaba at itim ang kanyang buhok, at maayos lang ang kanyang itsura.

Ang iba kasi sa mga multo ay nag papalit sa totoo nilang anyo, yung maayos lang at ang iba naman ay nananatili lang sa kanilang nakakatakot na anyo.

Nung nilalapitan ko na siya ay bigla siyang tumingin saakin at lumapit siya ng nakalutang, pagkatapos ay bumulong siya saakin.

"Tulungan mo ako......" malinaw kong narinig ang kanyang sinabi at bukod doon ay may sinabi pa siyang iba.

Nang matapos na niya ang kailangan niyang sabihin saakin ay bigla nalang siya naglaho. Pagkatapos naman niyon ay lumabas na ako at nakita ko nanaman si Joshua na nakatingin sa labas ng bintana na parang nag iisip ng malalim.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ha? Tsaka nga pala may alam na ako tungkol sa babae kanina."

"Kay Shann ba iyan?" Sabi ni Joshua na ngayon ay nakatingin saakin.

"Ah, Shann pala ang pangalan niya. Bukas ko na sasabihin, gabi narin kasi eh, kailangan ko nang umuwi." Sabi ko tsaka naglakad na kami palabas ng school.

-------------------

KINABUKASAN.......

"Baby Henry let me take you to your school and let's have some conversation." Sabi saakin ng mommy ko dahil papalabas na ako.

Ok let me introduce my mom. Her name is Mary Clementine Deminnton, 50 years old but she still looks like a teenager, owner of Deminnton University at iba pang mga companies, hardworking mother, and a single parent dahil iniwan na kami ng aking tatay nung baby palang ako at naghanap na nang iba...yun lang.

"Mom!! I'm not a little kid anymore so don't call me baby again kung ayaw niyo na hindi ako sumabay sa inyo." Bored na sabi ko.

"Tutal nag karoon na tayo ng kaunting conversation ipapahatid nalang kita sa driver natin."

Sumakay na ako ng sasakyan at nag seatbelt tapos doon na umandar yung kotse.

Habang naghihintay ako na makarating na sa Ford university ay biglang sumulpot yung multo na kaibigan ni Shann. Siguro pinapaalala lang niya yung kailangan kong gawin mamaya.

Naghintay ako ng naghintay hanggang nakarating na kami sa aming destinasyon.

Sakto naman ng pagbaba ko sa kotse ay nakita ko si Joshua kaya sabay na kami pumasok. Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan at pinagtitilian kami ng mga babae, kasabay naman niyon ang paguusap namin ni Joshua.

"Joshua puntahan na natin si Shann ngayon na may kailangan akong gawin." Mahina na sabi ko sa kanya.

"Bakit naman?" Halatang nagtataka siya sa sinabiko.

"May sinabi kasi saakin ung kaibigan niya, kaya kailangan ko na sabihin sa kanya at para maitama ang maling akala ni Shann at para matahimik na rin ang kanyang kaluluwa." Mahabang paliwanag ko sa kay Joshua.

"Totoo talaga na may third eye ka? Ang cool niyon." Sinabi niya iyon ng nakangiti.

Nasa harapan na kami ni Joshua sa pintuan ng classroom ni Shann. Nagulat nalang ako ng buksan ni Joshua yung pinto at dali daling hinatak si Shann, siyempre nagtinginan lahat ng mga estudyanteng nasa loob ng classroom.

Dinala namin siya sa garden ng school at masamang tumingin saamin.

"Ano ang kailangan niyo kaya kinaladkad niyo ako dito!" Pa sigaw na sabi ni Shann tapos si Joshua naman ay nakatingin nanaman sa malayo.

"Tungkol ito sa kaibigan mo Shann. Gusto niyang sabihin sayo na sorry, sorry daw dahil sunod parin ng sunod siya sayo gusto lang daw na mapasaya ka at hindi din niya sinisisi ang pagka matay niya sayo." Nung sinabi ko lahat ng iyon ay bigla nalang may tumulo na luha sa mga mata niya. Kaya naman napatingin si Joshua at nagulat sa pang yayaring iyon.

"Lumayo muna tayo." Bulong ko kay Joshua na nakatingin parin kay Shann.

Nakalayo na kami ng kaunti at pinanood siya.

SHANN'S POV

Iyak lang ako ng iyak nang may naramdaman akong yumakap saakin. Pagtingin ko ay nakita ko si Mika ang kaibigan kong wala na pero imbis na takot ang maramdaman ko ay mas natuwa ako dahil nakita ko siyang muli.

TO BE CONTINUED

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon