CHAPTER 9: SOMETHING'S WRONG

2.3K 99 28
                                    


ENRIQUE'S POV

Papunta na ako sa Deminnton University at naka total outfit ako na pang anime, hindi naman totally lahat dahil nakasuot lang ako ng jacket at watch (attack on titan) at bag (one piece). Sa totoo lang gusto ko talaga ang mga anime dahil napapasaya ako nito at kapag hindi naman ako nakapanood ng mga paborito kong anime ay feeling ko hindi buo ang araw ko.

Nakapasok na ako sa classroom namin at pumunta na sa upuan ko para doon ipatong ang mahal kong bag.

Pumunta naman ako kila Vance para sumali sa pinaguusapan nila.

"Hey ano pinaguusapan niyo dyan?" Pangtawag pansin ko sa kanila.

"Oh nandyan ka na pala Enrique!!" Sigaw ni Mak.

"Ahh naguusap usap lang kami sa gagawin natin mamayang uwian. Pupunta kasi tayo sa bahay nila Kristine para tignan siya kung ayos lang ba siya." Sagot niya sa tanong ko.

"Oo absent kasi si Kristine ngayon." Dahil sa sinabi ni Gwen ay tumingin ako sa upuan ni Kristine at nakita ko nga na wala siya doon.

"Sige magumpisa na tayo!" Masayang sabi ko.

"Sige kayo muna pupunta lang ako sa canteen." Sabi ni Mak saamin tapos lumabas na sa classroom.

HENRY'S POV

"Hindi ko talaga makalimutan yung nakita ko kahapon." Sabi ko sa isip ko dahil yun nalang palagi ang naiisip ko..

Tumingin naman ako sa paligid para tignan ko kung naggagala pa yung nakakatakot na multo na nakita ko kahapon.

Nag iisip ako nang may mag salita sa gilid ko.

"Ice cream....." nagulat ako dahil doon. Mukhang si ice cream boy nanaman siguro iyon.

Dahil alam ko na, na mangyayari ulit ito ay nagdala na ako ng isang pack ng ice cream para sa kanya. Lumabas na ako ng classroom para pumunta sa canteen at doon ibigay ang ice cream kay ice cream boy.

"Oh eto na.." binuksan ko na yung ng pack ng ice cream na dala ko para titigan na nya habang nakaupo kami sa upuan sa canteen.

"Siguro ito na ang oras para itanong ko na ulit dito sa multong bata na ito ang dahilan niya kung bakit pa sya nandito." Sabi ko sa isip ko.

"Ah may maitutulong ba ako sayo? May kailangan ka pa ba dito?" Tanong ko kay ice cream boy. Hininaan ko rin ako boses ko para walang makarinig saakin dahil multo nga sya diba, walang makakakita sakanya kundi ako lang.

Tumitig lang ako sa kanya para maghintay ng sagot hanggang sa magsalita sya.

"Kailangan niyo siya tulungan. Kailangan niyo siya iwasan. Mapanganib siya. Magiingat kayo." Dahil doon ay kinilabutan ako at napaisip sa sinabi niya. Dahil sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na wala na pala siya.

"Hay iniwan nanaman ako." Bulong ko at naglakad na papuntang classroom habang kinakain ang ice cream na dala ko. Nakita ko naman si Mak tumatakbo palabas ng canteen pero hindi ko nalang pinansin iyon at ang tanging iniisip ko lang ay ang sinabi ni ice cream boy.

"Sino kaya ang kailangan naming tulungan? Sino ang kailangan naming iwasan. Kanino o saan kami magiingat at sino ang mapanganib? Ahh.. ang gulo naman hindi nalang niya kasi diretsuhin eh." Inis na bulong ko dahil sa pagiisip ng mga bagay na hindi ko maintindihan.

Hanang naglalakad ako ay may nasulyapan ang mata ko kaya tumingin ako. Nagulat naman ako dahil hindi ako makapaniwala na makikita ko si........

CANDICE'S POV

Umupo na kami sa aming mga upuan dahil papunta na si Ms. Sarah. Tumingin ako sa pintuan para hintayin pumasok ang teacher namin pero iba ang pumasok sa pintuan kundi si Henry. Makikita mo sa mukha niya na gulat sya at nakatulala lang papunta sa kanyang upuan. Nagtaka ako dahil doon kaya napaisip ako pero hinayaan ko nalang iyon.

Paglipas naman ng isang minuto ay pumasok naman si Ms. Sarah at nilapag ang mga gamit sa lamesa at saka nagsalita.

"Ok ngayon ay pupunta tayo sa speech lab para magpractice magpronounce ng mga salita na hindi kayo familiar para may matutunan naman kayo." Sabi ni Ms. Sarah pero nagsalita ako bilang pagtanggi.

"Pero boring doon diba?" Tanong ko habang nakatayo dahil nakakatamad naman talaga sa speech lab.

"Hindi naman boring doon. You can enjoy sitting and listening there dahil may air con doon so malamig ang buong paligid." Masayang sagot niya sa tanong ko. Well may point din naman siya gusto ko rin naman sa malamig eh. Dito kasi sa classroom walang air con since nasa mataas kaming lugar kaya nakabukas lang ang mga bintana so parang fresh air lang ang pumapasok sa room namin.

"Payag ako tutal may air con naman pala." Nung sinabi ko iyon ay pinapila na kami sa labas ng classroom.

Naubos ang oras ng nakaupo kami at nakikinig sa sinasabi ni Ms. Sarah kaya pinabalik na kami sa classroom dahil tapos na ang time nya.

"Sabay sabay na tayo bumalik sa classroom!" Sabi saamin ni Enrique.

"Mauna na kayo susunod din ako." Sabi ko habang nakapikit.

"Sige ba basta hindi ka matatakot ha?" Pagpayag ni Gwen.

"Oo na... umalis na kayo nag rerelax pa ako." Nung sinabi ko iyon ay umalis na sila.

Naging tahimik ang buong paligid, walang ingay, at lamig lang ang nararamdaman ko.

Habang nakapikit ako ay may narinig akong ingay. Ingay ito pag nagiging high ang volume ng bawat speaker.

Tumingin ako sa paligid para tignan kung saan iyon para mahinaan ko. Pumunta naman ako sa pinto para buksan dahil natatakot na ako pero ng pinihit ko ang doorknob ay ayaw na nitong bumukas. Nagpatuloy parin ang tunog ng speaker hanggang sa lumakas ito. Sa tingin ko lahat ng speaker ay naging high volume dahil ang lakas na ng tunog. Napasigaw ako dahil naririndi na ako at pinuntahan ang bawat speaker para patayin ito kaso parang wala naman nangyayari. Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa sobrang ingay, tapos pumunta na ulit ako sa pinto para pihitin ulit ito kaso hindi parin ito mabuksan.

May naramdaman naman ako na may tumutulong tubig sa tenga ko pero pagtingin ko sa kamay ko na nakatakip sa tenga ko ay nagulat ako dahil hindi pala iyon tubig kundi dugo na pala ang tumutulo mula sa tenga ko at dahil naman doon ay nagsisigaw dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

Napansin ko naman na bumukas ang pinto at nakita ko si Ms. Sarah.

"Ano problema bakit ka nasigaw?" Wala na.. wala na ang nakakarinding tunog na kanina ko pa naririnig at pati ang dugo na tumutulo sa tenga ko ay wala na rin. Napatingin naman ako kay Ms. Sarah tapos bigla naman ako bumagsak sa lapag nawalan na ng malay.

Nagising naman ako at nagmasid sa paligid para tignan kung nasaan ako.

"Ah.. nasa clinic lang pala ako." Sagot ko sa sarili ko. "To-totoo ba lahat ng nangyari kanina o baka naman imagination ko lang lahat ng iyon?" Tanong ko sa sarili ko dahil naalala ko yung nangyari kanina.

May sumilip naman sa pinto at si Angela iyon. Nagulat naman ako dahil sumigaw siya.

"Gising na si Candice!!" Dahil naman doon ay nagpuntahan silang lahat saakin niyakap ako.

"Mabuti naman at ok ka lang!" Sabi nila Vance, Enrique, Garry at ni Mak.

"Nag alala kami sayo!!" Sabi naman nila Gwen at Angela.

"Tama na yan! Pumunta na tayo kila Kristine." Sabi ko sa kanila dahil naalala ko na pupuntahan pala namin siya ngayon.

"Oo nga pala! Bilisan nyo guys!" Yun na nga lumabas na kami sa Deminnton University at naglakad sa kalye papunta sa bahay nila Kristine para bisitahin siya.

Habang naglalakad kami ay nagring ang cellphone ko.

"Hello ano po kailangan nila..?" Tanong ko sa kausap ko.

"Sino yan?"Tanong nila

"....." hindi ako nakasagot sa tanong nila dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa cellphone.......

TO BE CONTINUED

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon