CHAPTER 10: WHERE'S KRISTINE?

2.2K 90 21
                                    

CANDICE'S POV

"Sino kausap mo kanina sa cellphone?" Tanong nilang lahat saakin.

"Si ate Anne, tita ni Kristine..." malungkot na sabi ko. Oo nakatira siya sa tita niya dahil wala na siyang parents.

"Yun naman pala eh." Sabi ni Garry.

"Oo nga pero bakit ka malungkot? Ano ba sinabi ni ate Anne sayo?" Tinanong ako ni Angela dahil malungkot ako ng sabihin ko iyon.

"Sabi niya kasi wala pa daw sa bahay si Kristine miski kahapon nung pumunta tayo sa libing ng bw*sit na Sandara na iyon remember? So bale dalawang araw na pala siya wala sa bahay nila.."

"So nasaan siya?" Tanong ni Mak.

"Hindi ka talaga nag iisip noh? Nawawala nga diba? Syempre hindi namin alam kung nasaan si Kristine!" Inis na sabi ni Gwen kay Mak.

"Kalma lang Gwen..... Kung i try kaya nating tawagan siya. Baka nga naglayas siya sa bahay nila at tsaka kaibigan niya tayo kaya sasagutin ni Kristine ang tawag natin." Suggest ni Adrian ang matalino saaming grupo habang nakangiti.

"Pero ano naman ang dahilan kung bakit siya nag layas?" Tanong ulit ni Mak.

"Don't you remember? Diba galit si Kristine kay ate Anne for some reasons. Pwede 'yon ang dahilan kung bakit siya lumayas diba?" Paliwanag ni Adrian kay Mak. Tapos napa nod si Mak dahil sa sagot sa kanyang tanong.

Nakakapanibago naman si Adrian. Siya kasi ang palaging hindi nag sasalita saamin. Pati kanina sa canteen hindi din siya nagsalita. Haha mabuti naman at nagsalita na siya. Sa mga kaibigan ko lang napapakita anh aking bright and happy side pero napapakita ko rin sakanila ang pagiging masama ko minsan.

"May punto ka nga sa sinabi mo..... Oh ano pang hinihintay natin? Tawagan na natin si Kristine para makasigurado." Tinawagan ko na si Kristine dahil sa sinabi ni Enrique.

*ring* *ring* *ring*

Wala parin sumasagot sa kabilang linya tapos nagpaulit ulit ako sa pagtawag sa kanya.

"Hindi parin nya sinasagot eh, pangatlong beses ko na siya tinatawagan." Sabi ko sa kanila para magisip pa ng ibang paraan.

"I-text nalang natin para mababasa niya anytime. Baka kasi busy pa siya kaya hindi niya napapansin na may tumatawag." Sinunod ko naman yung sinabi ni Garry tapos lahat kami ay nag text sakanya.

Send to: Kristine,

Kristine sabihin mo lang saamin ang mga problema mo ready kami makinig ng mga kaibigan mo. Kung naglayas ka naman umuwi kana nagaalala na kasi ang tita mong si ate Anne. Kung nabasa mo to just reply:)...

Yun lang ang tinext ko sa kanya tapos nag si uwian na kami sa aming mga bahay.

Nag aayos na ako ng gamit ko at nag hahanda na para matulog na.

Nag iisip ako ng sobrang lalim ng mag ring ang cellphone ko. Ring iyon pag may nagtetext kaya agad kong kinuha baka kasi nagreply na si Kristine sa tinext namin sakanya. Pero nadismaya ako dahil hindi siya ang nagtext kundi si Mak. Binuksan ko naman ang text niya para basahin ko.

From: MAK ALEXANDERSON,

Nakita ko kamo si Henry nagsasalita mag isa. Mukhang baliw din ata iyon. Nakakapagtaka talaga. Sabi ko na nga ba sa umpisa pa lang kakaiba na siya.

Mr. Popular Has A Third Eye [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon