Fifteenth.

67 3 0
                                    

Eclair's PoV--

"Hoy! Eclair anak! Akala ko ba papasok ka? Late ka na!" Pagka sigaw ni mama napaupo ako agad. Tatayo na sana ako nung bigla akong nagulat kasi mabigat yung paa ko. Tsaka ko lang naalala yung pilay ko. Psh ano ba yan! Urgh!

-Time skip-

Pagkatapos kong maligo at magbihis bumaba na ako. Nakita kong nakaupo si mama sa may sala.

"Ma! Bat late nyo naman ako ginising alam niyong matatagalan akong maligo tapos magcocommute pa ako!" Reklamo ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at nakangiting itinuro yung wallclock. Tinignan ko din naman. Hulaan niyo kung anong oras na.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

5:47 palang! Urgh! Seven pa ang klase ko! Mga twenty minutes lang naman ang layo ng school dito. Psh ! Nagmadali pa ako. Napa face palm nalang tuloy ako. Dalidali pa akong bumaba kanina habang nakasaklay, delikado kaya yun. Psh. Si mama naman oh.

"Kain ka na muna." Sabi sa akin ni mama. Sinunod ko naman siya at pumunta sa dining room.

Bacon and egg yung nakahanda. Matapos kong kumain nakita kong 5:55 palang. Urgh. Aalis na nga ako. Matatagalan pa akong umayak hanggang 4th floor sa school eh. Psh.

"Ma alis na ako." Pagpaalam ko kay mama na nasa sala pa rin at nanunuod ng ewan. Ang aga aga nanunuod ng pirated dvd ng isang asianovela, heartstrings ba yun? Ay basta kumakanta sila!

"Sige anak. May allowance ka ha. May laman pa yung debit card mo. Baka humingi ka pa sakin." Sabi ni mama habang nakatingin sa pinapanuod.

"Hindi na po. Mama naman eh. Sige na po. Babye." Sabi ko nung bubuksan ko na yung pinto.

"Uwi ka nang maaga ah." Narinig kong sabi niya pagkalabas ko.

Hindi pa nagsasara yung pinto na nasa likod ko, pumasok ako agad sa loob ng bahay.

"Ma!!!!" Sigaw ko.

"Bakit ano yun?" Tumakbo naman siyang pumunta sa may pinto.

"Sino yung nasa labas?" Tanong ko.

"Ha?! Patingin nga!" Tapos binuksan niya yung pintong nasa likod ko.

"Good morning ma'am" sabi ng isang lalaking nasa may gilid ng isang kotse. MU-X na white yung kotse.

(A/N: Sheet! Dream car ko! Sa ngayon!)

Hindi namin tinatanong author! Psh. Epal talaga to!

Back to the story!!

"Si-sino ka?" Gulat na tanong ni mama.

"Ah, ini-hire po ako ng asawa niyo bilang driver para sa bagong kotse niyo. Nag aalala po kasi si sir na baga daw po magcommute si Ma'am Eclair kahit injured siya." Mahabang explanation ni kuyang driver daw. Mga around 20's siguro tong si kuyang driver. Pero matangkad ah.

"A-ahh." Sa hinaba haba ng sinabi niya yun lang ang naging reaksyon namin ni mama.

"Tawagan niyo nalang po si sir para sigurado po kayo." Sabi ni kuyang driver. Tinawagan naman ni mama si papa. Puros 'ah', 'ok', 'sige' yung mga sagot ni mama sa kung ano mang sinasabi ni papa.

"Totoo naman yung sinasabi niya anak." Sabi sa akin ni mama.

"Ah, ako nga po pala si Romie Gomez." Pagpapakilala nung kuyang driver.

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon