Meg and Mark (part II)

20 1 0
                                    

--Mark's POV--

"Edi sana hindi ka nalang umasa! Hindi ko naman sinabing magustuhan mo ako at manligaw ka ah!" Sigaw ni Meg habang tumayo sya ng biglaan.

Napatingin lang ako sa kanya dahil sa gulat hanggang sa nag walk out sya.

....

Ilang minuto na nakalipas nung nakaalis si Meg. Hanggang ngayon nakaupo parin ako dito sa bench kung san nya ako iniwan. Pinagtitinginan ako ng mga tao kanina habang yung iba sinasabihan akong habulin ko raw si Meg. Nginitian ko lang sila. Hindi ko kayang gawin yun.

Alam ko kailangan lang namin ng time. Time para gawing klaro mga utak namin. Sigurado ako naguguluhan lang sya. Imposibleng magkagusto sya sa akin. Matagal ko ng alam yun.

---Flashback----

"Ka-kalimutan mo nalang sinabi ko." Sa sobrang hiya ko napatakbo nalang ako at naiwan ko sya sa kinauupuan namin.

...

"Mike naman! Nang aasar ka pa. Nabasted na nga rito si Mark!" Sabi ng isang barkada ko habang pinagsasabihan iyong isa at tumatawa.

"P*ta nyo talaga! Nagdradrama na nga ako dito tapos ganyan pa kayo! Mga sira ulo!" Sigaw ko sa kanila habang humahagulgol. Oo, humahagulgol. Sobra talaga akong nasaktan sa nangyari kanina. Sa sobrang sakit napapamura ako ng wala sa oras. Akala ko kasi may pag asa ako sa kanya. Yun bang kahit katiting lang ng pag asa susubukan ko parin.

"Pare, sa panahon ngayon wala ng nagkakagusto sa ating mga gwapong lalaki. Akala nila lahat ng gwapo bading." -Barkada2

"Huy huy huy! Wag ka ngang ano! Hindi ka gwapo! Hahahahaha!" -Barkada3

"Oo na. Alam ko namang ako lang gwapo sa ating magbabarkada pero hindi naman siguro ganun ang iniisip ni Meg habang binabasted ako." Maluha-luhang sabi ko sa kanila.

Sabay sabay naman nila akong binatukan at iba ibang mura ang pinagsasabi sa akin.

"Iba nalang kasi pare. Marami pa namang iba jan ah." -Barkada1

"Oo nga. Bakit hindi mo subukang ligawan isa dun sa mga halatang may gusto sayo. Tulad ni Maricris ng kabilang section. May gusto sayo yun!" Pagkukumbinsi ni Barkada3

"Oh kaya ito pare" sabi ni Barkada4 habang pinapakita ang cellphone na may number ng isang babae na pangalan ay Mitch.

"Lahat ng nanliligaw jan sinasagot nya. Malay mo magselos si Meg, bigla ka nyang sagutin! Hahahaha! Biro lang!" -Barkada4

"Oo nga noh! Gawin ko yan! Sigurado akong magseselos yun! Akin na number nyan" Tuwang tuwa kong sabi sa kanila

"Hoy ano ka ba, nagbibiro lang ako." -Barkada4

"Magandang ideya yan para sa isang biro. Wala namang masama kung susubukan ko diba?"

----End of Flashback----

Sinubukan ko nga. Niligawan ko si Mitch. Sinagot nya ako ng matapos tatlong araw kong panliligaw sa kanya. Simula nun araw araw kaming magkasama kahit na iba ang schedule ng mga klase namin kasi mas matanda sya ng isang taon. Araw araw din mula nun sinubukan kong laging magpakita kay Meg habang magkasama kami ng gf ko. Kaso walang pagbabago. Mas lalo pa nga nya akong inisnob. Hanggang sa makipag break ako kay Mitch kasi alam ko namang walang ibang hahantungan yung relasyon namin. Tinawag nya akong manggagamit, tinawag ko naman syang bitch. Bawi bawian lang. Haha.

Tapos nagkaroon ng boyfriend si Meg. Grabi ang pagkaka iba nya sa akin. Malaki ang katawan pero nasa top 20 parin siya. Masipag, tahimik, paborito ng mga guro at pinakahuli, may mga damit syang bandit.

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon