Tenth.

160 3 0
                                    

"Good morning Clair."

Shete naman. Ang aga aga bangag ako. Di ako nakatulog kagabi. Medyo natagalan akong mag kulay para lang makuha itong blonde and pink na to. Kasimple- simple pero ilang beses ako nagkamali. Urgghh. Ang bigat ng eyebags ko.

"Eclair?"

Ay puting pusa!

"Clinton naman eeehhh. Nakakagulat ka." Reklamo ko sa kanya.

"Kanina pa kaya ako dito. Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ako naririnig." May pa-pout pout pa tong nalalaman.

"Sorry po"

"Wala daw si Mr. Sauve ngayon. Sinabi niya kahapon."

"Psh. Edi sana nagpalate nalang ako. Inaantok pa ako."

"Edi matulog ka na muna. Gisingin nalang kita mamaya."

"Okay lang?"

"Sure."

--CLINTON's POV--

Sshh! Wag kayong maingay, baka magising itong katabi ko at malamang may POV ako rito, baka masapak ako. Hahaha.

Bat naman kaya puyat tong babaeng to? Nakasubsub ngayon ang ulo niya sa table niya. Hinahangin yung mahaba niyang buhok na kulay blonde at pink. Kahit ano talagang kulay bagay sa kanya. Pero hindi ba masisira ang buhok niya sa ginagawa niya?

Hindi ko man lang namalayan na paakma ko ng hahawakan ang buhok niya. Hawak ko na ito ngayon, ang lambot. Parang balahibo lang nung aso kong chow chow o kaya naman nung aso ni Rebecca na shih tzu, pero mas malambot balahibo ng aso ko syempre haha. Urgh, namimiss ko tuloy ung aso ko. Puti ung balahibo niya na ang lambot lambot.

"Gising po ako."

Bigla ko namang hinila palayo yung kamay ko. Nagulo ko na kasi yung buhok niya ng tulad dun sa pag-pet ko sa aso ko. Baka magalit siya?

Pero mukhang hindi naman. Hindi na nga siya nagsalita matapos nun. Hindi ko na rin hinawakan yung buhok niya, nakakahiya kaya. Akala ko kasi talaga tulog na, eh hindi pa pala.

--Clair's POV--

Okay. Hindi ako magagalit.

(A/N: buti naman (=^^=) )

Pero shete lang ah, ang init ng mukha ko, ang bilis ng tibok ng puso ko, pati mga kamay ko pinagpapawisan dahil sa ginawa ni Clinton. Eh malamang crush ko siya kaya ganito ako pero hindi ko talaga inaasahan yun. Pwede ulit? Haha.

Na-disappoint lang ako nung hindi niya na hinawakan ung buhok ko. Para pa nga niya akong ginawang aso or pusa eh. Psh. Pasalamat siya CRUSH KO siya at natuwa ako sa ginawa niya, kung hindi masasapak ko talaga to. Haha.

Dapat bang one hour akong nagkukunwaring tulog? Baka kasi kung umayos na ako ng upo maging awkward pa. Baka hindi ako magsalita, alam niyo yung ganung feeling? Haha.

"GOODMORNING! classmates na hindi ko kasing gwapo!!"

Hmp. Alam ko agad kung kaninong boses. Yabang. Gusto ata ng sipa? Psh.

"Oh Mark, aga mo ah." Narinig kong sabi ni Clinton sa kanya. Ganun parin kasi ang ayos ko at kunwari tulog.

"Syempre naman no! Oh, anong meron kay lola?" Psh! Gusto ata ng sakal nitong g*gong to ah!

"Haha. Wala dito lola mo huy!" Pabiro namang sagot ni Clinton sa kanya. Sige Clinton, ipagtanggol mo ako. Haha

Gustong gusto ko naman. Landi eh.

"Ay, nagpalit na ng kulay. Hahaha" sige Mark, itawa mo lang habang kaya mo pa. Psh.

"Asdgjabsknmnsya" ano raw? Hindi ko na intindihan Clinton, masyadong mahina pagkakasabi mo. (A/N: ang sabi po ni Clinton, 'maganda parin naman siya' pero torpe Siguro siya ? xD ata! kaya ganyan. Haha! On with the story!! Magulo ako eh xD )

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon