Fourteenth.

93 2 0
                                    

Sunday. ............................A moment of silence please. Nagluluksa ako ngayon. Alam niyo kung bakit? KASI MINICONCERT NI CRUSH PERO WALA AKO!!! Nanghihina ako tuwing iniisip ko na hindi ko sila mapapanuod mamayang seven. Psh. Panira ng moment itong paa ko!

ANYWAY! Kahapon pa ako nakauwi PERO capital P-E-R-O hindi pa ako nakakaligo. Alam niyo kung bakit? Dahil nanaman sa paa ko! Urgh!  Hindi na ako magtatumbling mula 4th floor hanggang 3rd floor. Ano ba yan. Psh. Gusto ko na ang magpalit ng kulay ng buhok gusto ko ng silver and blue.

Isa pa, nakasaklay ako, eh masakit pala sa armpits. Ayoko na. Nakakainis naman oh. Lahat ng itu kasalanan ng paa ku. Psh.

(A/N: Sinisigawan ka na nga kasi, sinabihan mo pa ng panget edi yan napala mo :P )

Eh kasalanan ko bang pangit yung pagkakamake up niya sa sarili niya? Psh.

Sunday ngayon. 9 am palang. Malay mo pagdating ng six okay na yung paa ko. Haha.

"Clair, kain kana." Sabi ni mama sa akin pagpasok niya ng sala. Galing kasi siya ng kitchen.

Tumayo naman ako. Urgh. Ang hirap talaga. Mas lalo na kung first time kang gumamit ng ganito. Pano kaya ako papasok bukas? Psh. Amboring na dito sa bahay. Wala na rin pala akong stock ng hair dye. Hmm. Itext ko nga si Meg. Sabihin kong pupunta ako sa mall mga 11 mamaya, baka sumama siya baka may magbubuhat pa sa akin. Haha.

Andito na ako sa dining room tsaka ko siya tinext. Nagreply naman agad si Meg. Sabi niya, "sige sama ako. Pero wag you magulat sa aking face, okay?"

Ano ba nangyari? Matagal naman ng nakakagulat yung pagmumukha nun, de joke lang, slight lang. Haha. So nireply ko siya sabi ko, okay lang sa akin at hindi ako magugulat. Tinanong ko rin siya kung gusto niyang itext ko si Mark.

Ambilis niya talaga magreply, sabi niya, "No na. No thanks. Magiging awkward lang sa pagitan namin."

Huh? Why? What happened? So yun tinanong ko siya kung anong nangyari. Sabi niya naman, next time niya nalang daw ikwento kung medyo okay na. Sabunutan ko kaya to. Psh. So pishy naman, you know fishy. Hay basta yun! Haha. Ano kayang meron? Sinabi ko nalang sa kanya na hintayin niya nalang ako sa mall pero kung gusto niya edi sunduin niya ako dito. Haha.

Pagkatapos ko siyang replyan kukuha na sana ako ng pagkain pero nagulat ako sa nakahanda sa harap ko.

"Ma!!" Dali dali naman siyang pumunta dito.

"Bakit? Bakit? Anong nangyari?" Nag aalalang tanong niya.

"Ma, bat may lasagna sa harap ko?" Gulat na gulat kong tanong sa kanya. O.A ko diba? Haha.

"Hay nako! Akala ko pa naman kung ano na yun! Bakit ayaw mo ba? Sige ipapamigay ko nalang sa kapitbahay natin." Makakaloko namang sagot niya. Dali dali naman akong kumain. Sayang kaya! Favorite ko kaya ang lasagna :P.

(A/N: ay hindi obvious.)

Psh! Epal talaga tong author eh! Hmpf! Gusto mo sapak? Hah?

(A/N: Bleeh!! :P hahaha)

Pagkatapos ko kumain, pinagtyagaan kong maligo kahit na ang hirap hirap. Alam niyo yung kelangan ko pang ilayo yung paa kong nakacast tapos umupo. Psh. Buti nalang yung shower namin eh yung natatanggal yung ulo niya dun sa sabitan. Gets nyo? Mahirap mag explain. Kaya wag na. Haha.

Nagpasundo ako dun sa driver ni papa gamit yung kotse ni papa, pupunta pa naman na din daw sana sila sa laguna pero mas importante ako haha. Joke. Nagpasundo ako dito sa bahay at nagpahatid sa mall.

Nung nakarating eh iniwan rin ako agad ni manong. Nagmamadali? Nagmamadali? Oo. Haha. Anyway, andito ako ngayon sa starbucks, hinihintay si Meg, kasi alangan namang nakatayo ako diba. Edi pinahirapan ko sarili ko. Kaya uupo nalang ako at iinom muna ng frap na inorder ko.

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon