Sixth.

111 2 0
                                    

"Eclair! Gising ka na! 10 na!"

Napaupo naman ako agad sa sinabi ni mama. Dalidali akong tumayo, kinuha ang towel ko at pumunta sa cr. Kainis naman mama! Sabi ko nine! Psh!

Pagkatapos ko magbihis pinuntahan ko si mama na nasa sala sa baba.

"Ma! Bat ten mo ako ginising?!"

"Nine palang. Tignan mo." Tinuro niya yong wall clock namin. At nakita ko... Nine pa nga. Psh! Hay nako!

"San ka ba pupunta?"

"Magmomodel ako."

"Lagi ka na ngang nagmomodel dito sa loob ng bahay pati ba naman sa labas magmomodel ka? Mahiya ka namang bata ka!"

"Ma! Sa magazine!"

"Hay nako! Ewan ko sayo!"

Asan ang support, mother? Psh. Anyway, Ombre blue pa rin ang hair ko ngayon. Hmp nakalimutan kong magcolor kagabi. pero okay lang! Maganda kasi ako.

*ding* *dong* Oonamanyes may doorbell kami. Mayaman kami. Pero walang kotse at kung ano pang ibang kaetchosan jan na hindi kailangan. Pero mayaman talaga kami kaya nga ako nakakabili ng mga mamamahaling pang dye araw araw eh.

Anyway, Si mama ang nagbukas ng pinto. Si Clinton yon.

"Hi Clair. Halika na?"

"Ikaw bata ka! Di mo sinabing date pala. May nalalaman ka pang model model jan! Hindi mo naman kailangan ng pera!" Sigaw naman ni mama sa akin.

"Ma! Photoshoot nga!"

"Eh bat ganyan ang damit mo? Ang sosyal tignan para kang magdidate?" Casual clothes na nga to eh.

"Photoshoot nga kasi! Mama naman! "

"Hahaha. Totoo po tita. Para sa isang magazine po. Pag na-ipublish na bibigyan ko po kayo ng copy"

Tumahimik naman na si mama nun at umalis na kami.

"San ba ung place?"

"Sa park lang."

"Sa park?! Ang daming tao!"

"Okay lang yan. Maganda ka naman."

H-huh? A-ano daw? A-alam ko noh. H-hindi mo na kailangang s-sabihin! Urgh! Ang init tuloy ng mukha ko! Kainis ka naman Clinton James Dimagiba!

Nung makarating kami, obvious na pinagtitinginan ako.

"Ganon ba talaga kapansin pansin yong buhok ko?"

"Hindi yong buhok mo yong tinitignan nila, ikaw. Ang ganda mo kasi." Psh. Sige pa Clinton. Bolahin mo pa ako. Feel na feel ko naman. Haha. An'Landi ko!

"Cj! Andito na pala kayo. Halika na!" Sabay hila sa akin nitong babaeng to. Si Rebecca pala.

"Ate! Magmi-make- up pa ho ba siya?" Tanong ni Rebecca dun sa make up artist ata?

"........ H-hindi na!" Huh? Bakit?! Akala ko mi-make up-an nila ako rito kaya hindi ako nag make up sa bahay. Whatevs. Ibig sabihin naman maganda ako eh. Haha.

"Puwesto na kayo Rebecca." Sabi nong photographer. Malamang siya yong photographer kasi may hawak siyang camera. Psh. Sige Clair, barahin mo sarili mo.

"Smile ha. Tignan ang isa't isa. Isipin ang theme."

"Wait lang po. Ano po ba yong theme?"

"Sisterly love. Magkapatid na matagal ng hindi nagkikita dahil sa isang family problem. Basta ganon. Kaya mo ba?" Shete! Sisterly love?! Kasama tong love rival ko?! Nako po!

"Kaya niya yan! Start na po tayo." Sabi ni Rebecca.

Sige na nga. Makikijoin na ako. Kaya ko to. Pano ba ang may kapatid? Wala akong kapatid! Isipin ko na nga lang na kapatid ko to. Ano ba yan. Clair ngiti!

Ang daming shots yong narinig kong kinuha nung photographer nung ngumiti ako. Ano kayang itsura?

"Wow ang ganda naman nung dalawang model."

"Mukha silang mga dyosa."

"Artista kaya sila?"

Naririnig ko ung mga etchoserang mga nanunuod nung ginagawa namin.

"Tara Clair. Tignan natin ung pictures bago tayo pumunta sa  next setting."

"Okay."

Lumapit naman kami dun sa photographer. Pinakita niya. Okay. Kahit ako nagagandahan. Mukha talagang namiss namin ang isa't isa dun sa photo.

"Ang ganda nung pagkakakuha."

"Wala sa pagkakakuha yan iha. Nasa kung sino ang kinukunan." Sabi nung photographer. Siya lang naman ata ang ganun ang iniisip :P

"Ano pala pangalan mo?" Tanong niya.

"Eclair Marasigan po."

"Nice to meet you. Tara punta na tayo sa next setting."

Pagkatapos nun eh naging successful naman yung iba pang pictures na kinunan nila. Bumagay nga yong buhok ko eh. Maganda kasi ako. Haha. Ipupush ko to.

"Eclair, thank you ha. Buti nalang pumunta ka." Pasasalamat sa akin ni Rebecca nung makalapit siya.

"Wala yon. Boring din naman sa bahay eh." Joke lang. Napilitan lang talaga ako dahil kay Clinton.

"Yung bayad pala on the set. Which means ngayon na, I mean mamaya pala pag katapos. Yung iba kasi sa end ng month nakukuha yong bayad pero dito iba. Kaya nga dito ako eh. Haha" Ang daldal naman niya.

Nagsalita lang siya nang nagsalita. Tinawag na kami nung parang manager niya. O manager niya nga talaga yon? Ay ewan!

"Eto yong bayad Eclair. Thank you talaga."

"Thank you rin po. Sige po uwi na po ako. Six na rin po kasi eh."

"Sige. Ingat ka ha. Salamat talaga."

Umalis na ako. Nung medyo malayo na ako tinignan ko kung ilan yong laman nung envelope na binigay niya. ... 10 thousand?! Huy huy masyadong malaki to ah! Normal ba to? Dagdag income nga talaga. Nagbigay pala sila ng calling card baka sakali raw na gusto ko talagang magmodel.

Pag uwi ko.

"Kamusta ang photoshoot?"

"Nakakapagod. Pero masaya naman." Napangiti naman si mama sa sinabi ko.

"Dalasan mo kaya ang pag sali sa ganyan."

"Huh? Bakit naman? May pera naman tayo."

"Ang ganda kasi ng ngiti mo ngayon eh."

... Siguro nga nag enjoy talaga ako. First time.

"Nagluto na ako. Tara kain na tayo."

Dumiretsyo naman na ako sa dining room. Dalawa lang nanaman kami? Wala nanaman si papa?

"Ma.."

"Bakit?"

"Ito po." Abot ko sa kanya ung pera.

"Hindi na anak. Meron na ako niyan."

"Yabang mama eh. Haha"

"Talaga. Kanino ka pa ba magmamana? Haha. Hawakan mo lang yan. Igastos mo sa kung saang kailangan mo. Pero wag sobra."

"Sige po."

"Pero pag isipan mo yong modeling ha. Para talaga kasing nag enjoy ka."

"Sige po."

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon