Second.

154 2 0
                                    

-Eclair's POV-

Nasa gate na ako ng school. Pinagtitinginan nanaman ako.

"Good morning Ms. Purple!" Bati sa akin nung lalaki kahapon. Sinabi niya na pangalan nya eh. Nakalimutan ko nga lang. Mabait ako eh.

"Morning" Bati ko sa kanya.

At oo, purple ang kulay ng buhok ko ngayon. Depende kasi sa gusto kong kulay ang ikukulay ko sa buhok ko at ngayon gusto ko ang purple. Paki ba nila? Hmp.

"Bat purple, Ms. Purple?" Natatawa niyang tanong. Malamang tinatawanan nanaman niya ang sarili niya. Eh siraulo nga eh.

Masama naman ang binigay kong tingin sakanya. Ayokong tawaging Ms. Purple noh! At halata namang alam na niya un.

"Sorry sorry." Nakangiti niyang sinabi. Daming alam!

"Pero bakit nga purple?" Ikinulit niyang tanong.

"Yon ang una kong nakitang kulay nung minulat ko mata ko kaninang umaga." Sagot ko sa tanong niya.

"Kulay purple ceiling nyo?" Matanong naman! Hmp!

"Hindi. Yon ung kulay nung pinang hampas sa akin ni mama para magising ako."

"Totoo? Hahaha. Parang masaya matulog sa bahay nyo ah."

Psh. Hindi nalang ako sumagot. Andito na pala kami sa room kanina pa. Hinihintay nalang namin si Mr. Sauve pero wala pa rin. Ang tagal! Late nanaman siya! Late na nga siya kahapon eh.

Oh ayan na pala.

"Class, before we start, I just wanna say I'm so..... SUAVE."

SIGE MR. SUAVE PUSH MO YAN! Kapal! Psh.

...Break time...

"Eclair! Bakit Eclair pangalan mo?" Tanong nitong lalaki na'to sa akin. Hindi ko talaga maalala pangalan niya! Asar!

"Trip ng mama ko." Nakakaloko na sagot ko sa kanya.

"Hahaha. Ang lakas ng trip ng mama mo ah!" Sobra naman atang optimistic ng lalaking to. Siya ata ang malakas ang amats eh.

Aalis na sana siya nang mapansin kong nahulog ung panyo nya.

"Huy Opti!" Tawag ko sa kanya. Opti as in alam niyo na, optimistic. Ang talino ko eh -.-

Kinuha naman niya ung inabot kong panyo. At sabay sabing...

"Haha! I like that! Opti!"

In fairness gwapo siya nung sinabi niya un. Ooppss! Nung sinabi niya un! Un lang! Hmp!

Bumalik na ako sa classroom. Nakita ko si Meg.

"Clair!" Tawag niya sa akin. Nickname ko raw. Haba daw ng pangalan ko! Wow! Hampasin ko to eh! Psh.

"Halika!" Sabay hila niya sa akin. Pumunta kami sa may bulletin board. Tinuro nya ung isang nakadikit doon.

Students, please follow my rules obediently. Anyone who dares to disobey them will be summoned to the SC room. And I shall be the one to punish them.

-President Nark.

"Hala Clair! Pano ngayon yan?" Tanong niya. Pero wait lang...

"Pangalan niya Nark?" Natatawang tanong ko kay Meg.

"Bat hindi nalang Mark? Bat Nark? Hahaha o kaya naman shark nalang sana" tawa nang tawang sabi ko.  Nung tinignan ko si Meg parang takot na takot siyang nakatingin sa akin. Anong meron dito! Mukha ba akung multo? Sa ganda kong to!

Pero kung titignang mabuti hindi siya sa akin nakatingin kundi sa likod ko. Haaaayy. Lagot ako. Pakiramdam ko alam ko na eh. Tinignan ko kung sino man ang nasa likod ko at tama nga naman ang hinala ko. Si President nga. Shocks. Ay shunga Clair shunga!

"Go to the SC room after class. Got that?" Nakakatakot na sabi sa akin ni shark este Nark pala.

Tumango nalang ako. Okay. This is it. Hinding hindi na ako makakapag kulay ng hair ko! Ayoko na dito! Transfer na itu! Haha

Nung natapos yon eh nagsipasok na kami sa kanya kanyang rooms. Daming mga chismoso! Tapunan ku sila ng mga dinamita eh! Psh.

.. Lunch ..

Lunch na at may gumugulo sa isip ko. Hindi ko alam kung aling after class ang tinutukoy niya kanina. Hala! Shocks! Lagot ka Eclair. Bigti na fren!

After class na lunch break o after class na uwian mamayang hapon? Owmaygali!

"Pur- Eclair!" Tawag sa akin ni Opti.

Oo ipupush ko ang pagtawag sa kanya nun. Paki nyo? Haha. Jooooke.

"Bakit?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Taray! Haha! Sabay tayo mamaya?" Tanong niya.

"Sabay saan? " nagtataka namang tanong ko sa tanong niya.

"Umuwi!"

"Excited?! Lunch palang uwian na agad iniisip mo?"

"Hahaha! Ang cute ng reaksyon mo" natatawang sabi niya.

"A-ano?" Stutter? Shete lang. Psh. Dami naman kasing alam nitong kausap ko.

"Sabi ko cute ka." Namula naman daw ako sa sinabi niya. Oh-kay first time may nag sabi nun sakin.

"Halika na! Kain na tayo!" Sabay hila niya sa akin.

TIME SKIP.

After class na. Nakalimutan ko palang sabihin kay Opti na hindi ako makakasabay sa kanya. Pano yan? Hindi naman siguro niya ako hihintayin diba? Baka kasi mag tagal ako dun sa mga kamay ng lalaking si Shark este Nark pala.

Andito na ako sa tapat ng SC Room. Shete nanginginig ako sa t'wing iniisip ko na hindi na ako makakapag kulay ng hair.

*toktok* "ahem.. Excuse me pooo.." Sabay dahandahang binuksan ang pinto.

"Just about time thank you." Sarcastic niyang sabi. Ata? Ay ewan! Sarap sabunutan!

"Anyway, alam mo ba kung bat kita pinapunta dito?"

Umiling naman ako kahit alam kong isa sa dalawang kasalanan ko lang naman ang dahilan. Ang kulay ng buhok ko o ung pinag tawanan ko ung pangalan niya. Sana ung pangalan niya. LORD yong pangalan naman niya diba po?

"Well, sa ngayon hindi kita sasabihan tungkol sa buhok mo dahil alam naman daw ito ng principal which is tito mo pala."

*sigh* opo, yes. Tama siya. Tito ko ang principal, at parang naging tatay tatayan which means malakas ako sa kanya. YES! HAIR, TASTE YOUR FREEDOM! wahaha shete baliw lang? Psh.

"Ngayon siguro alam mo na." Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Ung pangalan niya nga. Owmaygali talaga.

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon