Thirteenth.

95 3 0
                                    

Andito na ako sa kwarto ko at umaga na nung pagkagising ko. Si mama lang ang kasama ko. 7 am palang. Napansin ko naman agad ung nasa paa ko. Sinemento nila ito. Which means mag whiwheel chair ako or saklay. Psh. Kakapagod kaya yun. Hmp. Diba pwedeng pagkaopera nila ayos na agad. Yun bang makakalakad na ako agad. Haha.

Pero at least successful ang operation. Ang O.A naman kasi ng paa ko, from 4th floor to 3rd floor lang nadislocate agad. Psh.

(A/N: Ano to kasalanan pa ng paa?)

Oo. May problema ka dun? Hah?

(A/N: Siga talaga netong bidang to eh noh? Taray. Bleeh :P )

Epal talagang author yan.

Sabado ngayon, ibig sabihin walang pasok. Kaya baka hindi rin pumunta sila Meg dito.

Sabi pala ng doctora pwede na daw ako ma-discharge mamaya o bukas, depende daw.

"Nak, anong gusto mong almusal?" Tanong sa akin ni mama.

"Busog pa po ako." Ako.

"Hah? Eh hindi ka kaya kumain before operation mo. Kain kana kaya." Umiling naman ako. Ewan ko, pero busog parin talaga ako. Baka dahil sa dextrose? Haha

Nagulat naman kaming dalawa nung may kumatok. Binuksan pa ni mama yung pinto kasi hindi pa agad pumasok yung tao. Narinig kong binati niya si mama.

"Good morning Marasigan." Bati niya sa akin.

"Good morning president." Pagbati ko rin sa kanya. Grabe ah, ang aga naman.

Inabot niya kay mama yung dala niyang flowers, tinanong ko kung para saan yun, sabi niya para daw bumilis ang pag galing ko. O.A? Jooke haha. I appreciate it.Gusto niyo ba malaman kung anong flower yun? White roses, what a coincidence diba? Favorite ko pa talaga yung dala niya. Psh.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa harap ni mama. Wala naman silang pinaguusapan. Ang tahimik nga eh. Pero ayos lang naman kay mama yun, kasi nga relaxing talaga eh. Tumayo naman bigla si Prez at lumapit sa akin.

"Kailan ka papasok?" Tanong niya habang papaupo siya sa tabi ko.

"Sa monday na siguro. Ayaw ko ng nakahiga palagi eh." Sagot ko naman sa kanya. Hindi naman siya nagsalita agad.

"Sorry kung pinaghintay kita nun." Sabi niya. Pinaghintay? Ah, nung hapon na tinulak ako.

"Kung hindi kita pinaghintay nun malamang they wouldn't have done this to you." Sabi niya. Grabe nosebleed haha. Joke.

"Okay lang yun Prez." Ako

"Joshua nalang." Siya.

"Hah?" Ako.

"Nark Joshua Cruz buong name ko." Sabi niya.

"Ahhh.. Haha, sige Joshua" sabay ngiti. Para naman hindi nalang palaging Prez ang tawag ko sa kanya diba? Haha.

Tinignan naman niya yung relo niya. Tapos tumayo siya. Hmm? Ung amoy. Hindi ko napansin napahawak pala ako sa polo niya. Oo, nakapolo siya, bagay niya nga eh. Ang hot.. Wait, what? Erase erase!! Wala akong sinabi.

Kapansin pansin naman na nagulat siya sa ginawa ko.

"Ah, sorry" sabay bitaw sa polo niya. "Mabango kasi eh." Pag dahilan ko naman.

"..." Silent treatment lang nanaman ang natanggap ko. Umupo naman siya. Akala ko ba aalis na to? Nakatayo na kanina eh.

"Makakapag hintay naman siguro siya." Sabi niya.

"Sino?" Tanong ko naman. Pakialamera lang? Haha.

"Wala." Sabi niya. Ang tahimik na. Nagpaalam naman saglit si mama, lalabas daw. Labas ng labas naman yun. Psh.

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon