Seventh.

94 1 0
                                    

*Riinng riinng riinng riinng*

"Hello?" Ang aga aga naman may tumatawag sa cellphone ko. Ano ba yan! Sino ba to?

"Good morning Ms. Marasigan! Ako po si Leila ng Teen Jump isang sikat na magazine ngayon. Iaalok lang po sana namin kayo to be one of our models." Sabi nung nasa kabilang linya.

"Ha? Uhmm. Pag isipan ko po." Sabay patay. Obvious na obvious sa boses ko na kakagising ko. Psh. Anong oras na ba? Ang aga aga istorbo eh.

11:17 Huh?! Hala! Lunch na pala. Anong oras na kasi ako natulog dahil sa pag dye eh. Noh ba yan.

"Clair! Baba ka na dito. May bisita ka."

"Hah?! Wait lang! Kelangan ko maligo! yong buhok ko!" Pumasok ako sa bathroom ko at mabilis naligo. Pag katapos pumili na ako ng damit na babagay dito sa grayish white na buhok ko at bumaba na.

"Hi Ms. Eclair." Sabi sa akin ng isang middle-aged man na kaharap ni mama.

"Clair, galing siya sa isang company na naghahandle ng mga nasa showbiz."

"As in manager ng mga artista?"

"Uhmm. Yes? Haha" sabi nung lalaki.

"Sorry po. Pero could you give me time? Kakagising ko po kasi dahil sa nag aalok sa isang magazine eh."

"Sige. I will give you until tomorrow. Sunduin nalang kita sa school. Sana pag isipan mong mabuti." Tsaka siya nagpaalam kay mama at umalis.

"Ma ang weird nun! Kilala mo ba yon?"

"Nagpakilala siya so malamang kilala ko na diba?"

"Ma naman. Seryoso."

"Hindi naman siguro masama yon anak. Ayaw mo bang maging artista?"

"Kung magiging artista ako, wala na akong time para sa school ko at mas lalong para sa buhok ko."

"Sabagay. Pero ikaw bahala anak. Sayang ang opportunity."

"Okay lang yan."

*riinng riinng riinng*

Sino nanaman ba to? Si Rebecca?

"Hello? Rebecca?"

"Hello! May copy na ako ng magazine! Ang bilis noh? Prinessure ko kasi sila haha. Anyway, papasukin mo na ako. Andito ako sa pinto nyo." Ano raw?! Grabi naman tong babaeng to!

Binuksan ko ung pinto. Andun nga siya.

"Hi!" Sabay pasok. Feel at home na agad siya. Nakaupo na nga siya sa harap ni mama habang pinapakita yong magazine eh.

"Anak. Mag model ka nalang. Pero kung gusto mo, tanggapin mo nalang yong alok ni Mr. Eric."

"Sino pong Eric tita?" Makatita naman tong babaeng to. Close kayo?

"Eric Matalo raw."

"Ng ABG Company?! Wow! Sikat yon Clair! Tanggapin mo na!"

"Bat ko naman tatanggapin ha?"

"Depende kasi sa project mo yong sahod dun. Balita ko may nakatanggap na nga doon ng 80 thousand sa isang project lang eh."

Bat ba ang lalaki ng mga sweldo ng mga to? well, sabagay fictional lang naman to. At kathang isip lang nung pangit na author natin. (A/N: palitan ko kaya ung bida?) Joke lang author. Hihi.

"Pag iisipan ko nga. Bukas pa naman niya kailangan yong sagot ko eh."

"Well, hayaan niyo na yan at kain na tayo."

Kumain na kami. Nagkwentuhan si Rebecca at si mama buong mag hapon. Tapos alas sais umalis na siya. Nag dinner kami ni mama. Nag kulong na ako sa kwarto matapos.

Tatanggapin ko ba? O hindi?

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon