First.

260 3 0
                                    

"Tignan mo oh! Siya ata yung transferee sa section A" -girl1

"Bat kulay red buhok nya? Pwde ba dito sa school yon?" -girl2

Bulungbulongan ng mga estudyanteng kanyang nadaanan.

-Eclair's POV-

Bat pa kasi inilipat ako dito? -.- okay lang naman kasi pwde rito ang may kulay ang buhok pero wala dito ung mga kaibigan ko. First day.. Napagkasunduan pa naman namin na tatambay kami sa tambayan pero pano ngayon? urgh -.-

Ako nga pala si Eclair Marasigan. 15 years of age. Hobby ko ang mag kulay or magdye ng buhok. At kasalukuyang kulay pula ito. At alam kong alam niyo na pero sasabihin ko parin, MAGANDA AKO. Kapal ng face much? Haha ganyan talaga.

Papunta ako sa bagong classroom ko. Bagong mga mukha, bagong lugar , lahat bago. Pano ba naman kasi kelangang ilipat si papa dahil sa trabaho kaya pati kami ni mama kasama -.- psh -.-

Andito na ako sa tapat ng room. Parang ayoko pumasok -.- Hmp! Ano ba yan -.-

Nung pumasok ako, tumambad sa akin ang mga bago kong classmates na nagdadaldalan, at kung ano ano pang ginagawang trip. Hindi pa naman nila ako nakita kaya okay pa naman. May nakita akong bakanteng upuan at umupo naman ako roon.

"Ang tagal." Bagot na bagot kong naisaad.

"Hi Ms. Red" Sabi ng lalaking katabi ko. Nakakagulat naman to. Ni hindi ko man lang napansin na nasa tabi ko na pala siya. Batukan ko kaya. Hmp! At bat Ms. Red?

"Huh?" Tanong ko sakanya. Mukha na nga siyang natatawa sa naging reaksyon ko eh. Siraulo pala to eh.

"Eh red kasi ang kulay ng buhok mo." Sabi niya. Oo nga pala. Iyon pala ang gusto kong kulay sa araw na ito.

"Ano naman ngayon?"

"Wala. Taray mo naman Ms.Red" natatawa niyang sabi.

"Pwde po bang pakitigilan na po ang pagtawag sa akin ng Ms. Red. Psh. Eclair pangalan ko."

"Nice to meet you. Bago ka noh? Haha. Anyway, sige lipat na ako ng upuan at nanjan na si Mr. Suave." Sabi niya. Bastos pala eh. Hindi nagpapakilala -.- At bakit naman Mr. Suave? Hm?

Natapos ang unang klase at napag alaman kong Mr. Suave nga naman pala talaga ang pangalan ng teacher.

Hinahanap ko ngayon yong lalaking tumawag sa akin ng Ms. Red pero hindi ko siya makita. Bigla naman akong nilapitan ng ibang babae sa klase ko.

"Hi! Anong pangalan mo?"

"Ang ganda naman ng buhok mo!"

"In fairness ha hindi siya dry!"

"Ang puti mo naman! Bagay yung red sayo"

"Hindi ka ba natatakot ?" Sunod sunod na sabi nila.

"Matatakot san?" Tanong ko.

"Oo nga pala transferee ka haha. Nakalimutan ko."

Kakakilala nyo sa akin edi malamang transferee ako ano po? Psh.

Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy sila sa sinasabi nila.

"Sa President ng Student Council!"

"Demonyo un!"

"Walang awa!"

"Baka mapahamak ung buhok mo!"

"Bakit naman?" Ano ba mga pinagsasabi ng mga to?

Pero bago pa nila nasagot yong tanong ko dumating na ang teacher sa susunod na subject. Matapos nun wala na rin akong time na tanungin ung mga babae kasi malayo ang mga upuan nila at ang dami na naming ginagawa. Ano ba first day na first day ang daming ginagawa! Palibhasa private school! Hmp!

Hinintay ko nalang ang recess upang tanungin sila. Nung break time na, napansin kong wala ng mga babae sa room kaya pumunta ako sa canteen. Pinagtitinginan ako ng mga nadadaanan ko. First time first time? Mga inusinti (inosente) ! Hmp!

"Ms. Red!" Tawag ng isang lalaki sa akin. Ah I mean ung lalaki kanina.

"Eclair pala haha" Sinabi nya habang tinatawanan ang sarili. Sabi na nga ba siraulo to eh.

"Classmate!" Sigaw naman ng mga babaeng papunta sa akin.

"Gusto mo na bang ituloy namin yong kwento?" Tanong nila nung sila'y nakalapit.

"Ano-" Magsasalita na sana yong lalaki pero napatigil siya nung nagsalita ako.

"Sige."

..

Matatapos na ang lunch break. Hindi pa rin maalis sa utak ko yong kwinento nila kanina.

FLASHBACK

"KASI may isang lalaki nung 3rd kami. I mean tayo pero wala ka pa naman dito kaya kami nalang sasabihin ko."

Gulo nito ah.

"Wait ulitin ko ulitin ko! Kasi may pinapatupad ang Student Council na mga rules and regulations. Isa sa rule eh dapat ang buhok ng lalaki eh isang inch ang taas mula sa tenga. Dun naman papasok ung lalaki na sinabi ko kanina. Emo kung tatawagin ung lalaking iyon. Mahaba ang buhok at natatakpan ang mukha. Isang magandang araw eh biglang pumasok ang President sa classroom nung lalaki at shinave ang buhok nito. Umuwing kalbo ung emo. Pagkatapos nun eh nalaman nalang namin na nagtransfer ung emo dahil sa takot dun sa President."

"Natrauma siguro" dagdag naman ng isang babae.

"May rules sa buhok ng mga babae. Bawal ang nakadye. Which means bawal yong sayo." Pag inform nung parang leader nila sa akin.

"Pero base sa nabasa kong handguide na bigay nung principal, hindi naman nakasulat dun na bawal ang may colored hair." Pag tatanggol sa aking buhok.

"Alam namin. Kaya mag ingat ka. Kasi hindi mo alam kung anung sasapi sa President at baka matuon ang pansin niya sa pretty hair mo."

ENDOFFLASHBACK

Pagkatapos nun nagpakilala sila isa isa pero hindi ko maalala ang mga pangalan nila maliban nalang dun sa leader na si Meg.

Mag i-start na dapat ang unang subject ngayong hapon pero bat hindi parin dumarating ung teacher?

TIME SKIP

Last subject na. Pero wala paring umaattend na teacher! Napaka bi-polar naman ng school na to! Kaninang umaga ang daming gawain pero ngayong hapon ni isang teacher walang pumasok! Hmp! Makauwi na nga lang!

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon