Fifth.

129 2 2
                                    

*yawn*

"Good morning!" Bati sa akin nung guard. Tamango't ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya.

Hinatid lang ako ni Prez kahapon. Ni hindi nga sya nagsalita buong byahe eh. Tinanggihan niya rin yong alok ni mama sa kanya na kumain nalang dun ng hapunan. Pero sabi niya may naghihintay sa kanya sa bahay nila kaya umalis na siya.

Andito na ako sa room. Nakita ko agad si Clinton. Clinton na nga lang itatawag ko sa kanya. Makikiuso ako. Haha. Kausap niya yong ibang classmate naming babae.

Binati naman ako nung mga nadadaanan kong classmate namin. May naalala na rin akong isang name. Si Mark. Naalala ko dahil dun sa pangalan ni Prez eh.

"Good morning." Bati sa akin nung mga katabi ni Mark nung dumaan ako sa harap nila. Mga katabi ko kasi sila. Nasa likod ang mga upuan namin.

"Good morning." Bati ko rin sa kanila.

"Astig ng buhok mo ah." Sabi ni Mark sa akin.

"Syempre pinagpuyatan ko yan eh." Sabay tawa ko naman. Wala pa kasi si Mr. Sauve kaya makikipag usap muna ako para hindi ako mabagot.

"Ombre na blue. Sa susunod papakulay ako sayo. Red." Tumatawa niyang sinabi sa akin.

"Sige ba Mark. Pero hindi ito libre ha." At nagtawanan kami. Para na nga kaming mga tropa kasama mga barkada niyang hindi ko maalala ang mga pangalan.

"Anong pinagtatawanan niyo?" Ay palakang kokak! Nakakagulat naman tong lalaking toh! Saksakin ko kaya ng buhok ni Mark eh! Spike!

"Oh Clinton, baka ipag damot mo sa amin gf mo." Sinabi nung isang tropa ni Mark habang tumatawa.

Anong sabi niya gf? Anong sasabihin ni Clinton? Ayieehh! Haha

"Haha. Ano ka ba ! Barkada lang kami noh! At bat ko naman siya magiging gf?" Sabi niya habang tumatawa.

Huy! Ikaw! Hindi nakakatawa ha. Sakit kaya nung huli mong sinabi. Huhu. 'Bat ko naman siya magiging gf?' Sabunutan kita jan eh. Well, hindi mo nga naman alam na crush kita so parang normal lang para sabihin mo yan.

"Clinton, may naghahanap sayo. Nasa may pinto. Asan daw po si Cj?"

Cj? First time! Sino yan ha? Psh. Napangiti naman ang loko at pumunta na sa may pinto. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nakita ko naman yong babae na nagtawag sa kanya. Ang cute nung babae. Pwedeng magmodel para sa child magazine. Parang bata pero malamang high school na siya kasi andito siya sa high school section.

"Hoy ayon nanaman si Rebecca oh!" Sabi nung katropa ni Mark.

"Ang cute talaga niya."

"Kaya nga eh. Hindi obvious na ka-age natin."

"Kaano ano ni Clinton yon?" Tanong ko naman. Na-out of place na ako eh. Psh.

"Ang balita ko magkababata sila. Swerte nga nyang Dimagiba na yan eh! Sikat kaya yang si Rebecca."

"Model kaya yan! Sa isang magazine. Sayang wala akong dalang Mag ipapakita ko sana. Bawal kasi magdala ng magazine eh."

Psh. Eh mas maganda naman ako jan. At obvious naman na may gusto siya kay Clinton. Sapakin ko yan eh. Does she want mega sabunot hah?! Okay I will stop na. Baka macopyright ako. Haha

Ang tagal nilang mag usap ha! At asan na si Mr. Sauve? Bat wala pa siya? Hay nako bilisan niya na. Naiinis na ako.

"Hoy! Haha. Nagseselos ka ba?" Tanong sa akin ni Mark. Hala! Pinagsasabi nito?

"Noh ka ba! Hindi no!" Sabay tawa ko.

"Ganyan dapat. Nakasimangot ka na kanina eh. Ngiti ka lang."

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon