Twelfth.

78 3 0
                                    

--Eclair's PoV

Nung naiwan nalang kaming tatlo kahapon may dumating na nurse at sinabing ipapa scan na raw ako kaya kinidnap na nila ako. Joke, dinala lang sa kung saang room yun. Haha

Matapos akong iscan ibinalik na ako sa room ko. Pagdating ko andun na si Meg pero wala si Clinton at Rebecca. Psh. San kaya pumunta yung dalawang yun? Hmmm..

Friday na ngayon. Hindi ata ako makakapunta dun sa ibinigay na ticket ni Clinton. Gusto kong ibalik sa kanya. Sayang eh.

Kasama ko ngayon si mama. Nanunuod lang siya sa TV ng kung anong asianovela yan. Pero in fairness gwapo yung bida. Haha. Kanina ko pa tinitignan yung clock. Nagbabakasakali na pumunta ulit sila dito. 11:54 na. Hindi ata sila pupunta. Pero may biglang kumatok. Pumasok si Meg na hila si Clinton.

"Hi Clair!! Hi tita!!" Masayang bati sa amin ni Meg.

"Hi?" Sagot naman ni mama kasi naguguluhan siya sa nangyayari. Hilahila ba naman kasi ni Meg si Clinton. Ano bang meron?

Lumapit naman si Meg sa kama ko na hilahila pa rin niya si Clinton.

"Clair, may sasabihin sayo si Clinton" sabi ni Meg. Uminit naman bigla yung mukha ko. Urgh bat ganito! Nakakainis tong babaeng to ah!

"W-wala kaya!" Sigaw naman ni Clinton. Nagulat naman kami pati na rin si mama.

"S-sorry. Napalakas." Paghingi naman ng pasensya ni Clinton. Binitawan naman na ni Meg si Clinton. Sabunutan ko kaya to, may pahawak hawak pang nalalaman sa crush ko eh! Psh.

"Ah! Clinton, ibabalik ko pala yung tickets." Kinuha naman niya yung inabot ko.

"Anong ticket yan?" Singit naman ni Meg. Epal talaga to. Psh.

"Yan ba yung gabing nagpapasama ka?" Dagdag ni Meg.

"Oo. Hindi kasi ako makakapunta. Mamaya palang kasi malalaman kung ooperahan yung paa ko."

"Ikaw pala nagbigay nun eh! Concert niyo ba yun?" Tanong ni Meg kay Clinton.

"Concert?" Ako.

"Oo! May banda kasi tong si Clinton!" Meg. Oo nga pala. Nasabi na pala ni Prez sa akin yun. Mag tampo nga ako. Haha.

(A/N: kailangan talagang sabihin? XD)

Paki mo ba? Psh.

(A/N: ╮(─▽─)╭)

"Bat ngayon ko lang nalaman yan?" Sabay tingin ko kay Clinton. Seryoso kunwari. Haha.

"W-wala pa kasing situation na naging topic yun." Clinton.

"Hindi mo naman sinabi nung binigay mo yu ng tickets." Ako.

"S-sorry." Clinton. Sabay kamot sa batok.

"Relax haha. Bat parang takot na takot ka?" Ako.

"Hindi yan takot. Sinabi ko kasi sa kanya na pansinin niya yung itsura mo ngayon, kasi baka di na maulit, hindi ka pa kasi naliligo eh." Meg.

"Ipaalala ba? Psh. Nangangati na nga ako eh. Gusto ko na rin magdye." Reklamo ko naman. Ilang araw na bang blonde at pink ang kulay ng buhok ko? Tatlo? Ay ewan!

May pumasok naman bigla.

"Good afternoon." Sabi ni Eric, manager ko, pagpasok niya.

"Ah. Oo nga pala. Hindi ko pa pala kayo nakakausap." Ako. May nakita na raw kasi siyang project para sa akin pero naospital ako kaya hindi ko na siya nakausap tungkol dun.

"Yun nga sana ang pag uusapan natin ngayon. Ngayon lang kasi maluwag ang schedule ko sa office kaya ngayon lang kita nabisita." Eric

"Pano po yan, eh nandito ako sa ospital?" Ako.

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon