Sixteenth.

25 0 0
                                    

WEDNESDAY. 10:00 am.

*sa phone*

"Pasalamat ka at pumayag akong tumulong."

"Kaya nga eh, ambilis mong pumayag. Nagalit ka pa nga eh." Mark

"Ano un? Anyway, kung nakita mo lang sana yung itsura ni Meg nung nasa japanese resto kami talagang papayag ka agad."

"Huh? Bakit? Ano ba itsura niya?" Mark

"Wala. Ewan. Maligo ka na nga, magkikita pa kayo sa Theme Park diba?"

"Bat kasi dun pa? Okay lang naman kung kahit sa isang kainan lang kami mag usap." Mark

"Para naman maniwala siyang ako nagyaya."

"Diba mas hindi kapanipaniwala? May pilay pupunta sa Theme Park?" Mark

"Eh trip ko. Bakit bawal? Hah?"

"Tsk. Sige na sige na. Text mo ako kung tinext ka niya ha." Mark

"K. Bye."

*call ended*

*sigh.* Ang hectic ng aking sched. Haha, joke lang. Dito lang ako sa bahay. Sila ang mag eenjoy. Psh. Unfair. Gusto ko pumunta sa mall.

...

Okay! Pupunta ako sa mall!

Kaya habang nag pre-prepare ako, mag flashback muna tayo. Okay? Bawal ang may angal.

---Flashback---

"Ganito ang gawin natin" Bulong ko kay Mark.

"Bilis! Ano yun!" Pagmamadali niya.

"Psh! Ako dapat nagmamadali sating dalawa ah!" Reklamo ko. Eh totoo naman eh, ako naunang nagmamadali. Psh.

"Sorry na sorry na, sige na ituloy mo na." Mark.

"Psh. Ako magyayaya sa kanya pero ikaw ang sisipot. K, un lang. Bye." Tapos pumasok na ako. Nabadtrip ako eh. Psh.

---ENDOFFLASHBACK----

Pagkatapos nun, tinext ko nalang siya tungkol sa mga ibang detalye. Psh pag hindi gumana tong plano ko, siya may kasalanan. Perfect kaya plano ko. Haha.

Tapos na akong maligo, magbihis, mag ayos ng kung ano man ang aayusin. Ready na ako! Let's go!

(Author: OA.)

Psh! Epal! Time skip time skip! Quarter to 12.

Hinatid ako ni kuya Romie hanggang dito sa mall, sabi niya itext ko nalang daw siya pag uuwi na ako. Psh. Hindi na ako uuwi. Jokeee!

Andito ako ngayon sa aking favorite store, ang bloom. Tumitingin ako ng mga bagong products nila. Meron silang bagong hair spray na instant hair color na. Bumili ako ng tigdalawang red, blue, pink at purple.

Yun lang muna binili ko, pag madami akong binili papahirapan ko lang sarili ko. Nakasaklay tapos ang daming dalang paper bag. Psh. Bat kasi ang OA ng paa ko.

Naglalakad ako ng may makita ako. Psh. Nawalan ako ng gana. Pano ba naman nakita kong magkasama si Rebecca at Clinton. Ano yun date?

Hindi ko nalang sila pinansin at kunwaring wala akong nakita. Pumunta ako sa kabilang direksyon, sabi kong pupunta ako ng bluewich kaso dun naman ata sila papunta eh. Psh. Sa starbucks na nga lang.

At sa sobrang swerte ko nga naman.... napansin ako ni Rebecca at agad agad akong sinundan. Psh. Sa sobrang ganda ko nakita niya ako agad. Haha.

"Hi Eclair! Kumusta ka na? Okay na ba yang paa mo?" Tanong ni Rebecca. Ung totoo? Hndi pa ba obvious ung kalagayan ng paa ko? HELLO nakasaklay ung tao oh. Psh.

Nginitian ko lang sya. Ano ba masasagot ko dun? Eh kita naman.

"Bat ka andito Ms. Green? Ang mga disabled dapat nagpapagaling." Sabi nman ni Clinton habang natatawa sa sinabi.

"Pauwi na ako." Hindi ko alam pero nawala ako sa mood simula nung nakita ko silang magkasama. Ung feeling na ung crush mo mukhang ang saya saya sa piling ng iba. Waaah makahugot wagas. Psh. Nakakajelly lang.

"Aww, wag muna. Teka, kumain kana ba? Kain muna tayo oh. Treat ko!" Sabi ni Rebecca.

"No thanks. Baka parating narin kasi ung sundo ko." Pagtanggi ko sa alok nya kahit alam ko namang hindi pa darating si kuya Romie kasi di ko pa sya tinext.

"Sige na! Ngayon lang naman eh. Tsaka wala pa naman sya eh. Please." Pilit nya saakin. "Diba Cj? Saglet lang naman eh." Pagdamay nya kay Clinton.

"Ha? Ah, oo nga. Sabay kana." Aya naman ni Clinton.

Ayaw ko. Naninikip dibdib ko habang kasama ko silang pareho. Gusto ko na talagang umalis. Bat kasi pilit nang pilit tong si Rebecca? Psh.

"Eclair?" Napatingin kaming tatlo sa tumawag sa akin. Andito rin pala sa mall si President.

"Nark?" Seryosong tingin ni Clinton kay Prez.

"Hi President! How unusual! Ngayon lang kita nakita dito sa mall ah." Sabi naman ni Rebecca sa kanya.

"I'm with my sister and my dad. Nark is fine. Hindi mo na ako kailangang tawaging President sa labas ng school." Sagot ni Prez kay Rebecca.

"Kuya!" Sigaw ng babaeng palapit sa amin. Sya siguro ung kapatid ni Prez na kasama nya.

"Nina." Sabi ni Clinton paglapit ng babae. Nina? Di ba un ung tumawag sa kanya.

"Kapatid pala" Napalakas na sabi ko. Gesh nakakahiya. Ramdam ko ung pag init ng mukha ko nung biglaang lahat sila napatingin sa akin. Napatakip ako ng labi dahil sa kahihiyan. Gusto kong magtago! MyGali!

"You must be Eclair? Lagi kang nakwekwento sa akin ni kuya. You're always ALWAYS the topic during dinner time. Feeling ko nga may gusto......" Hindi nya natapos yung sasabihin niya kasi tinakpan ni Prez ung bunganga niya.

"Ehem. Excuse us. Tara na Nina." Sabi ni Prez sabay hila sa kapatid nya palayo.

Ooops! Chance!

"Sige bye." Dali dali akong umalis at iniwan ung dalawa. Baka pilitin pa ako eh.

Habang naglalakad may bigla akong naalala.

HALA! Ung meetup nina Meg at Mark! Ohno.! Dali dali kong kinuha ung cp ko. 27 unread messages.

From: MEG: On the way na ako.
MEG: San pala tayo magkikita?
MEG: Medyo traffic pero malapit naman na ako.
MARK: Ano? Asan na raw sya? Andito na ako. Masyado bang maaga?
MEG: I'm here na. Asan ka?
MEG: Asan ka? Nagugutom ako.
MEG: Ang cute nung nakita kong bata kanina, nakasuot siya ng damitna bandit ang brand. Ang cool lang. Haha.
MARK: Magreply ka naman oh.
MEG: Andito lang ako sa may entrance. Makikita naman siguro kita agad diba.
MARK: Nakita ko na sya. Lalapit na ba ako? Hndi ka pa naman nagtetext?
MEG: Gosh Clair, nakita ko si Mark sa may entrance, mukhang may hinihintay. Pumasok na ako.
MARK: Nawala sya! Papasok na ako! Ang tagal mo mag text
MEG: Clair, pupunta ka ba? Andito ako sa may cafe. Order ako ha.
MEG: Nakaupo na ako. Makikita mo naman siguro ako.
MARK: Nakita ko na sya. Dideskarte na ako.

Tpos mga groupmessage na ng mga classmates ko dun sa dati kong school ung iba. Nakakamiss din pala sila. Bisitahin ko nalang sila kung okay na paa ko. Tsaka na ako magkwento tungkol sa kanila kung naipakilala na sila. Haha.

Anyways! Nakalimutan ko palang tanungin si Nark Joshua kung ano ung sinabi kahapon nung mga babaeng nagtulak sa akin. Na nasigawan daw siya. Sinong sumigaw sa kanya at bakit? Sa school ko nalang siguro tanungin.

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon