Meg.

67 2 0
                                    

*Nung sabado*

--Meg's PoV

Pupunta sana ako sa ospital para bisitahin si Clair pero nagmessage si Mark kani-kanila lang, nagpapasama siya sa isang museum.

Pumayag naman akong sumama kasi nagtext si Clinton na pupunta raw siya sa ospital ngayon.

9 am daw kami magkikita ni Mark sa harap nung museum. Habang on the way na ako doon, hindi ko maiwasang magthrowback sa nangyari sa amin ni Mark nung first year. Huy! Hindi malaswa yun ha! Haha.

Flashback--

"Wuy Meg~ yieehh!! May gusto raw sayo si Mark sabi ni Peter oh! Hahaha" pang aasar sa akin nung isa sa mga bestfriends ko.

"Huwatever." Sabi ko naman at napansin kong narinig ni Mark yun. So? Wala akong pake.

FYI! May ideal boyfie na ako noh! At hindi siya tumama sa mga standards ko. Hmpf!

Ang boyfie ko dapat palaging nasa top ng klase, gwapo!, masculine, matangkad, maputi, mabait, caring and the most important part, dapat lahat ng damit niya bandit ang brand! Like hello?! Lahat kaya nung akin bandit! Ang ganda kaya!

BTW! hindi masculine si Mark, wala man lang siya sa top 20, ilang centimeters lang ang tangkad niya sa akin, wala man lang atang bandit sa damit niya at hindi siya mabait! Ang kulit niya! KSP pa! Like duh! Ang layo niya sa mga standards ko!

Lagi nalang ganun ang scenes sa room, meron pa yung nakasulat sa board na 'Mark heart Megan'. Eww! Hindi kami bagay noh!

Isang araw may nakaipit na papel sa locker ko, nakasulat, "meg, punta ka sa garden mamayang uwian. -mark."

Sinunod ko naman yung sinabi dun sa papel. Nung dumating ako sa garden nakita kong nakaupo si Mark sa isa sa mga marble chairs dun.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya nung malapit na ako.

Hindi siya nagsalita agad kaya umupo ako sa tabi niya.

"Meg gusto kita." Sabi niya agad nung pagkaupo ko.

"Huh?!" Ako.

"Gusto kita sabi ko. Pwede bang manligaw?" Tanong niya habang nakatitig sa akin.

"May iba akong gusto." Sabi ko sakanya kahit na wala naman talaga. Like duh, ayoko sa kanya noh! Hmpf!

"Ah. Ha.ha. si-sige ka-kalimutan mo nalang yung sinabi ko." Tapos tumayo siya agad at tumakbo paalis.

Pagkatapos nun wala ng nang aasar sa amin, wala ng nakasulat sa board at hindi na nangungulit si Mark.

Simula nung tumigil ang lahat ng yun hindi ko maiwasang tignan si Mark, tumino kasi siya. Ang tahimik niya pala, tapos napansin kong mabait pala siya. May kusa siyang tumulong sa isang bata umiiyak lang sa gilid ng kalsada.  Hindi ko sinasadyang makita yun pero dun kasi dumaan si manong driver. Kainis! Bakit ba parang nagsisisi ako sa mga sinabi ko sa kanya? Urgh.

Tapos isang araw,

"Wuy Meg!~ alam mo ba may nililigawan daw si Mark sa second year! Si ate Mitch!" Sigaw sa akin nung bff ko na kakapasok ng room galing sa canteen.

--End of Flashback

Ang tagal nagprocess nung sinabi nung kaibigan ko nun, pero nung napagtanto ko kung ano yun, biglang sumikip ang dibdib ko, na may parang bumabara sa throat ko. Masakit. Dun ko lang napansing may gusto na pala ako sa kanya.

Tapos bigla ko nalang nalaman na naging sila na pala nung second year na si Bitch ay este Mitch pala.

Pagmakikita ko si Mark dati lagi niyang kasama yung babaeng yun. Obvious naman na mas maganda ako dun pero bat kasama niya yun? Hmpf! Sana madapa silang dalawa! Holding Hands While Walking ba! Psh!

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon