Eleventh.

87 2 0
                                    

Nagising ako dito sa ospital. O.A naman. Nahulog I mean, tinulak lang naman nila ako sa hagdan bat pa ako dinala dito? Psh. Umaga na. Ilang hours ako tulog? Grabe, sa sobrang tagal nawala na ata yung mga eyebags ko. Haha.

Tinignan ko yung wallclock na katapat lang ng bed ko. 9:13 palang ng umaga. Alam kaya ni mama na andito ako? Eh si... Papa?

"Oh, Eclair, gising ka na pala.",bati ni mama nung pagpasok niya ng pintuan.

"Ma, bat ako andito?" Tanong ko sa kanya habang umuupo siya sa upuan sa tabi ko.

"Sa totoo lang anak, si Nark ang nagdala sayo dito. Pinuntahan niya nalang ako sa bahay kagabi." Sabi niya habang kumukuha ng apple sa paper bag na dala niya.

"Hindi pa ba ako pwedeng umuwi? Wala naman akong sakit."

"Anak, nadislocate yung isang ankle mo. Baka kailangan pa nga daw nyan ng surgery. Pero titignan muna nila ang x-ray mo." Sabi niya habang binabalatan ang apple. Yes, binabalatan niya ang apple. Un kasi ang trip ko pag ako ang kumakain.

Kaya pala ang sakit ng paa ko. Right foot ang masakit. Pati tuhod ko masakit.

"Anak, sabi ni Nark nahulog ka raw ata sa hagdan pero hindi niya nakita. Walang nakakita. Hindi naman ako naniniwala dun. Hindi ka naman lampa. Ano ba talaga ang nangyari?" Sabi niya habang ini-slice na yung apple.

"Un po. Nahulog ako. Inaantok kasi ako nun eh." Ayaw ko nang lumaki pa to. Mamaya ipa news pa ni mama eh. Haha. Kaya yan nalang sasabihin ko kung may nagtanong.

"*sigh* may ilang pasa ka rin pala sa katawan. Mataas kasi ang pinaghulugan mo eh. Oh" sabi niya sabay abot ng isang slice ng apple.

TIME SKIP. Lunch na.

Lunch na pero parang hindi. Hindi ako sanay dito sa ospital. Ayoko ng amoy, ayoko ng aura basta ayoko dito. Kakagising ko lang pala ulit. Pinatulog kasi ako ni mama kanina, para raw hindi ko maramdaman ung sakit ng buong katawan ko.

"Ma. Masakit ulo ko." Dali dali naman siyang pumunta sa akin. Nasa may upuan kasi siya na malayo dito sa kama ko.

"Nauntog rin ba yang ulo mo nung nahulog ka?" Tumango lang ako.

"Ipapa scan kita mamaya ha. Para makita kung may problema man." Sabi niya. Hindi na ako sumagot. Kakatapos lang pala niya maglunch, ako, hindi ako kumain. Wala akong gana. Diet. Haha. Jooke. Sexy ako noh.

*tok tok* Ipinagbukas naman ni Mama ung kumatok. At pumasok sina Meg, Clinton, Mark, at Rebecca. Psh. Bat kasama pa si Rebecca? Hmp.

"Clair anong nangyari?" Tanong ni Meg na dali daling pumunta sa tabi ko.

"Ma si Meg po." Pagpapakilala ko dito sa O.A na bruhang nasa tabi ko.

"Good afternoon po tita ano pong nangyari? Bat siya andito?" Dali dali naman siyang pumunta sa harap ni mama at hinawakan ang kamay nito. Nabigla naman si mama. O.A kasi eh. Psh.

Magsasalita na sana si mama pero naunahan ko siya.

"Ma, Si Mark." Pagpapakilala ko kay Mark na hindi pa niya kilala. Kilala niya na kasi si Clinton at Rebecca.

"Nice to meet you po."

"Nice to meet you din. Kumain na ba kayo? Kain na kayo." Alok ni mama sa kanila habang naglalapag na ng mga plates sa center table na kaharap kanina ni mama.

Kumain na rin naman sila. May isang couch na for two at may dalawang para sa isang tao sa may southeast ng kama ko, may isang Flatscreen TV sa tapat nung mga upuan na nakaayos ng parang sala. Maluwang tong room, parang normal na kwarto lang isang tao sa bahay pero andun parin ang amoy ng ospital. May dala pala sila Meg na fruits. Parang tatagal naman ako dito eh saglit lang naman ako at pwede na nila ako idischarge.

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon