Ninth.

118 3 0
                                    

Isang week na akong naglilinis dun sa SC Room ah. Isang week nalang tapos na. Kaya ko to. Haha. Anyway, hindi ata ako nahintay nung Eric kahapon kasi paglabas ko ng school wala siya eh.

Speaking of the devil, kasama niya yong guard. Andito palang kasi ako sa gate eh.

"Ms. Eclair, ano ang sagot mo?"

"Payag na po ako. Pero pwede po bang on weekends lang?"

"Ita-try natin pero may mga projects na kailangan ding weekdays."

Ganon? Pano ang school?

"Kung yong tungkol sa school mo, nakausap na namin ang tito mo at okay lang naman daw. Okay nga raw iyon kasi baka mas sumikat ang school niya."

Psh. Si tito talaga attention whore. Joooke.

"Halika na. Punta tayo sa office."

"Wait, may klase ako."

"Na-excuse na kita for today."

"Nagawa niyo naman na lahat, eh pano kung hindi ako pumayag?"

"Hindi mangyayari yon."

Oh-kay. Psh. Wala na akong nasabi, sumama nalang ako sa kanya. Kung may mangyaring masama sa akin okay lang kasi marami namang nakakitang sumama ako sa kanya kaya number one suspect na siya. Haha.

Andito na kami sa sinasabi niyang office. Building siya. Ang laki nga eh.

"Ilang floors to?"

"10 lang. Ninth floor tayo."

Nung nakarating kami, pinaupo niya ako sa harap ng table ata niya. Sinabi na rin niya yong mga makukuha kong benefits na galing sa kompanya nila. Okay rin naman eh.

"Ako na mismo ang magiging manager po. Aalagaan kitang mabuti at sisiguraduhin kong sisikat ka."

"Oh-kay."

"Anyway, ikaw bahala kung gusto mong pumirma ng exclusive contract. Ito ang magpapatunay na dito ka lang sa station na ito gagawa ng project for 4-5 years."

"Pwede bang hindi muna ako pumirma? Gusto ko munang itry kung talaga nga bang gusto kong mag artista."

"Pwedeng pwede yon. Anyway, ito-tour nalang muna kita sa station. 2nd floor hanggang 8th ang mga studios dito." Sabi niya habang tumatayo sa kinauupuan.

Tumayo na rin ako at sumunod sa kanyang lumabas nung office.

"Nakita kita dun sa first photoshoot na sinalihan mo. At nagustuhan ko yong aura na inilalabas mo dun sa photo."

"Ah."

Pababa na kami ng floor. Pinakita niya yong iba't ibang studios nila. Ang luluwang. Daldal din siya nang daldal. Tungkol halos lahat sa achievements ng company, pati dun sa mga pinasikat nilang mga artista.

Parehas parin pala yong color ng buhok ko, grayish white. Tinamad kasi ako kagabi eh. Haha.

"Anyway, hindi ko na ipapakita lahat baka mapagod ka lang. Sa susunod nalang." Eric.

Tinignan ko iyong clock, 11 na. Makakahabol pa ako for the afternoon classes.

"Sige po. Alis na po ako, papasok po ako for the afternoon classes." Ako.

"Hatid na kita." Siya.

Hindi ako nagsalita buong byahe. Sumakay kasi kami sa kotse nya. Nakakapagod kaya magsalita. Hindi ba siya napapagod?

Andito na kami sa gate ng school. 11:39 na.

"Hahanapan na ba kita ng roles para makapag umpisa kana?" Tanong niya nung pagkalabas ko. Binaba naman niya yong bintana para marinig niya yong sagot ko.

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon