Eighth.

115 1 2
                                    

"Good morning Mark." Bati ko kay Mark nung pumasok siya ng room.

"Good morning lola."

"Sapak gusto mo? Psh" Grayish white parin kasi buhok ko.

"Haha. Joke lang. Maganda. Bagay mo."

"Lahat naman ata bagay ko pagdating sayo."

"Eh magagawa natin? Bagay mo nga eh. Haha"

"Pangit ba mag artista?" Masyado bang out-of-the-blue yong tanong ko?

"Hindi naman. Maganda nga yon eh, Kung gusto mo sumikat. May isang artista na nga rito eh. Ay model pala. Si Rebecca. Diba? Bakit, mag aartista ka ba?"

"Ewan."

"Huy, hindi lang kaya ako ang model rito. Pati yang kausap mo. Tignan mo oh." Ay matabang baboy! Isa din tong nakakagulat na to eh. At bat naman niya pinapakita kay Mark yong magazine?

"Bagay mo." Sabi ni Mark habang nakatingin sa magazine.

"Hoy magazine kausap ka ni Mark. Bagay mo raw." Sabi ni Rebecca sa magazine. Natawa naman ako dun.

"Psh. Hindi yong magazine yong pinagsasabihan ko!"

"Tignan mo kasi siya! Bat ba hindi mo tinitignan yong pinupuri mo?" Sabay turo sa akin. Ha? Ako ba yong pinagsasabihan niya? Akala ko si Rebecca.

"U-uhmm. Bagay mo Marasigan." Sabi ni Mark habang nakatingin na sa akin. Init ng mukha ko. Nakakainis naman tong Rebecca na to.

"Weeeellll, bye! Alis na ako! Baka may klase na kami eh. Haha" sabay takbo ni Rebecca. Madapa ka sana. Psh.

Spell awkward? Ako at Mark ba?

Shete. Bat ang tagal ni Mr. Suave? Ang init ng mukha ko. Promise. Kasi kung tutuosin gwapo talaga si Mark eh, kaso si Clinton ang crush ko pero pero sinong hindi kikiligin kung gwapo ang pagsabihan ka ng ganun tapos namumula pa siya diba? Shete lang?

"Bat ang tahimik niyo?" Sabi ni Clinton habang papasok sa pintong malapit sa amin, dalawa kasi yung pinto ng room, sa harap at sa likod. Basta yun na yun. Basta alam nyo na yon. Haha.

"Wa-" Mark.

"Good morning class! What a beautiful monday morning!" Bati ni Mr. Suave na kakapasok palamang ng pinto.

Pangalawang subject na. At oo nga pala katabi ko si Mark. Awkward pa rin. Hindi ko kasi alam sasabihin ko eh. Ilibre ko kaya siya? Tutal nilibre naman niya na ako. Parang payback lang. Nakakahiya naman kung hindi ko siya ilibre eh.

So nag sulat ako sa papel, sabi ko, Libre kita, sabay na tayo mag recess. -Eclair. Tapos binigay ko sakaniya. Katabi ko lang naman siya eh. Pero strict tong teacher namin ngayon. Nag abot din naman siya ng paper, sabi dun, Sure, mapaparami ata kain ko ah. Haha -Mark.

Break time na. At nasa canteen na kami ngayon kasama ko si Mark tapos biglang nakita kami ni Meg.

"Kaninong libre ngayon? Haha" tanong ni Meg na kakalapit lang sa amin.

Tinignan ako ni Mark na parang tinatanong kung sasabihin niya ba.

"Libre ko." Okay lang naman na madagdagan ililibre ko.

Kaya yon sumama siya. Nakaorder na kami at ngayo'y nakaupo na.

"Balita ko mag-aartista ka raw." Sabi sa akin ni Meg.

"Kanino mo naman nabalitaan yan?"

"Kay Rebecca. Madaldal talaga yon. At feeling close."

"*sigh* Oo, balak ko ng tanggapin yong alok na maging artista ako."

"Hindi ko alam hilig mo palang mag- act." Singit naman ni Mark.

"Hindi ko nga din alam eh. Ita-try ko lang. Wala naman sigurong mawawala diba?"

"Pero kung nagkataong nagustuhan mo iyon at nagpatuloy ka sa pagiging artista,mas magiging sikat ka na kaysa kay Rebecca na model lang." Sabi ni Meg. Ayaw ba nitong babaeng to kay Meg?

"Bat parang galit ka ata dun?" Tanong ni Mark kay Meg.

"Panong hindi ako magagalit eh yong ex boyfriend ko nakipag break sa akin para ligawan yan." Sabi ni Meg tapos idinabog yong inumin niya, buti nalang konti nalang yong laman.

Pagkatapos nun halos reklamo nalang ni Meg yong narinig namin ni Mark habang kumakain. Nagring yong bell kaya bumalik na kami sa room.

Time skip na. Wala naman sa atin ang gustong ikwento ko yong mga lessons na tinuturo ng mga teachers ko eh. Uwian na. Papunta na ako sa SC Room. Hindi ko pala masyadong nakasama si Clinton ngayon. Umuwi na kaya yon?

"Good afternoon president" bati ko sa kanya nung pagkabukas ko ng pinto.

"San ako maglilinis ngayon?"

"Paki arrange itong mga papers. Mga suggestions yan ng mga students eh."

"Sige po."

Nagstart na ako. Ito nanaman. Ang tahimik nanaman. Yong pag ayos ko lang sa papel, pagpirma ni president at yong wallclock lang ang naririnig. Hindi talaga siya mahilig magsalita noh? Wala rin naman akong maisip na i-open na topic sa kanya.

Hm? Halos lahat ng nakasulat dito gusto ng fieldtrip ah. Hindi ba sila umaattend ng fieldtrip?

"Binabasa mo ba yang mga suggestions?"

"Ha? Uh oo."

"Good. Mapapadali yong trabaho. Ano ang pinaka common na suggestion?"

"Gusto raw po nila ng fieldtrip."

"Hmm.. Ano pa?"

"Bumait daw po sana si President."

"... Last one, ano pa?"

"Foundation day daw."

"Yong first at last, pwede kong sabihin sa principal. Paki sulat sa isang sticky note at pakidikit dun sa bulletin board para maalala ko." Sabi niya habang tinuturo yong bulleting board dito sa loob ng SC Room.

Nung natapos ko yong pinapagawa niya, pinauwi niya na ako. Akala ko sasabay ulit siya pero nagpaiwan pa siya roon kasi marami pa raw siyang gagawin.

Sipag ni President ah. Akala ko ba nakakatakot siya?

...

Ano po kasi, uhm, xD haha, mejLate po ako makakapag update kasi pinaputol ng bayaw ko ung landline so kasama ang wifi, sa kanya kasi eh, pero dont worry kasi this feb ata ipapa-continue ni mudra pero sa name niya na, so yah, yun lang naman po xD naging story of my life pa tuloy (with matching kanta portion un ah ) xD HOPE YOU LIKE THE STORY PO PALA XD ISANG BIG THANKIES PO *hart hart* XD

Comment lang po for suggestions, recommendations and I will try to achieve or at least reach your expectations. You can tell me anything! :D THANKIES AGAIN :3 :D (≧∇≦)/

Girl with the weird hair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon