Prologue

1.4K 48 5
                                    

"Anong oras ba ang party mo Coting?"

Padabog kong sinira ang pinto ng condo pagkapasok ko  sa loob. pinagmasdan ako ni coting mula paa hanggang ulo, na akala mo may ginawa akong hindi maganda sakanya.

"Bakit excited ka ba sa party ko? or may gusto ka lang makita" sagot sa akin ni coting at inirapan ako

"Wala ako gustong makita. kung may binabalak ka hindi maganda itigil mo coting." sagot ko naman at tinaasan sya kilay

"Okay, ikalma mo naman Angge. 6pm ang party at ihanda mo na ang sarili mo."

"Bakit ako dapat ang maghanda, diba dapat ikaw?" at kumuha ako water sa fridge "Ay oo nga pala Coting may isasama ako sa party mo sa ayaw at sa gusto mo." paalala ko sakanya

"Bakit party mo at ikaw ang nag dedecision?" kunwari na naiinis na sagot nya naman sa'kin

"Wag kana umarte, kunwari kapa" sagot ko sakanya

"Mag pahinga ka muna Angge. para mataas energy mo mamaya." concern na sagot sakin ni coting.

"Oo nga pala Coting. sasabay ka ba sakin pumunta sa party mo? tanong ko naman sakanya bago ako pumasok sa kwarto

"Hindi, mauuna na ako sayo." sagot nya sa akin at pumasok na ako sa kwarto ko. nag bihis muna ako bago matulog

4:15 na ng magising ako, 6pm ang party no coting at nag ayos na ako ng mga gagamitin ko. pag labas ko nang kwarto wala na dito si coting. siguro nauna na yon umalis dahil party nya ang pupuntahan namin. sino sino kaya mga kaibigan namin ang pupunta, malaki pa naman circle of friends namin. medyo kinakabahan ako at hindi ko alam ang dahilan kung bakit. pumasok na ako sa kwarto at na ligo at nag bihis na, 5:20 na kaya kailangan ko na umalis. kinuha ko na ang susi ko at sumakay na sa sasakyan nang bigla tumawag sakin si   coting.

"Asan kana ba?" rinig kong sigaw nya sa kabilang linya.

"Pwede ba wag ka sumigaw, nabibingi ako sa ingay mo." sagot ko naamn sakanya

"So asan kana nga? tanong nya naman sakin.

"Papunta na ako" sagot ko naman.

"Okay ingat ka Angelica Jhane." sabay binaba ang tawag

Umalis na ako sa condo at andito na ako sa parking ng party ni coting. habang nag mamaneho ako bigla may tumawid na pusa at bigla ko  naman na preno ang sasakyan nang bigla may tumama sa likod ng kotse ko. siguro dahil sa gulat din nya na napahinto ako bigla. nakita ko sa side mirror bumama yung may ari nung sasakyan sa likod. kaya bumaba din ako, at tinignan agad yung nangyari. at bigla nagsalita yung may ari nang sasakyan sa likod ko.

"Pwede ba mag bigay ka signal kung hihinto ka." pasigaw na sabi nya "hindi yung hihinto ka na lang bigla bigla" dagdag nya pa

Nag salito ako at nasa sasakyan pa rin ang tingin ko "Hindi ko sinasadya nang bigla may tumawid na pusa kaya napahinto ako." At umangat ang tingin ko sakanya, laking gulat ko nang makita kung sino ang nakabangga sa likod ng kotse ko.

Our eyes met pero bigla sya nag iwas ng tingin na parang hindi nya ako nakita

Parang wala lang sakanya mga pinagsamahan namin noon

Parang hindi nya ako minahal

O baka hindi naman talaga?

"Ano mag papark ka ba or hindi?" tanong nya naman sa'kin. "Nakakaabala ka sa dadaanan ko, kaya pakibilisan." dagdag nya pa.

Na parang wala lang ako sakanya

O wala lang naman talaga ako sakanya

Until I found you Where stories live. Discover now