May 3 hours vacant kami, kasi wala yung isang prof namin. magkasama kami ngayon ni coting at ni rc. naglalakad kami sa hallway nang bigla nagsalita si coting
"Angge tara panoorin natin yung dance group sa court. mamaya pa naman training mo sa volleyball" aya ni coting
"Sige, tutal wala naman tayong gagawin. ano sama ka ba rc." tanong ko sa isang kaibigan namin
"Oo, para mapanood ko rin si shas" sagot naman ni rc sa'kin
"Okay, Tara na para may abutan pa tayo" anya ni coting
Naglalakad na kami papunta sa court kung saan nag p-practice ang dance group. actually iilan lang kilala ko sa dance group, si kei, belle, may and Shas lang kilala ko. alam ko 12 ata silang members. at nandito na nga kami sa court
"Tara upo tayo dito malapit sa kanila" biglang sabi ni coting. gusto nya lang naman mapanood si kei
"Ang galing talaga nila, sana all." aniya naman ni Rc
Wala ako naintindihan sa mga pinaguusapan nilang dalawa, natuon yung attention ko sa isang babae. ang galing sumayaw, smooth lang mga galaw nya. at higit sa lahat bagay sakanya yung sayaw. sino kaya to, bakit ngayon ko lang to nakita dito sa school. masyado ba ako busy sa school works at sa training para hindi sya mapansin. sa totoo lang hindi sya ganon katangkad, siguro kasing tangkad lang nya sya ni coting. sakto pala para sa forehead kiss ko
"Hoy Angge kanina ka pa namin tinatawag, tulala ka na naman. sino kaya yang tinitignan mo." bigla sumigaw si coting kaya naagaw nya attention ko.
"Huh. wala ha may iniisip lang ako." pag sisinungaling ko sakanila.
"Parang alam ko na kung kanino ka nakatingin ha." biglang singit ni Rc kaya kinabahan ako.
"Sige Rc saan ba sya nakatingin" sagot ni coting.
"Hindi saan kundi kanino" sagot ni Rc habang tumatawa.
Bigla naman ako sumagot "Hindi ko tinitignan, may iisip lang talaga ako." sana manahimik na sila
"Wala pa ako sinasabi may tinutukoy kana, masyado kang defensive ha." tawa na naman sya nang tawa habang sinasabi yan
"Pero ang gagaling nila no" biglang sabi ni rc
"Oo nga lalo na si Gayle." pag agree ni coting kay rc.
Pero sino si Gayle. sya ba yung nasa gitna na maliit pero magaling sumayaw? sakanya lang naman ako pinaka nagalingan.
"Sino dyan yung Gayle?" Biglang tanong ko. dahil curious na talaga ako sa name nung babae na nasa gitna.
"Omg ka!! Hindi mo kilala si Gayle?" Sabi ni coting at nag nod ako. "Tanga ka isa yan sa mga sikat dito" dagdag nya pa
"Ah ganon ba, hindi ko pa sya nakikita ngayon pa lang" sagot ko
"Syempre masyado kang busy sa mga bagay bagay. kaya hindi mo sya napapansin." Sabi ni rc habang tinitignan si shash
Nakita ko na nag water break sila, at bigla naman lumapit si Rc kay Shas. para abutan nang water at towel. wow ang sweet parang mga tanga lang. si coting naman lumapit sakanila at magkakasama tuloy sila nila gayel. ako lang naiwan dito, tarantado dalawang yon. babalik na sana ako sa room nang bigla tinawag ako ni Shas.
"AJ!!! Come here." tawag nya sa akin at sabay sensyas na lumapit ako. lumapit naman ako sakanila
"Wow AJ andito ka" parang hindi sya makapaniwala "Ngayon lang kita nakita nanood sa practice namin ah." dagdag nya pa
"Yeah, inaya lang ako nila Coting. kasi vacant kami 3 hours."
"Hindi ba may training ka mamaya?" Sabi ni may at umuoo naman ako sakanya.
"Alam nyo ba si angge tulala kanina dahil kay" bigla ko tinakpan bunganga ni coting. andaldal naman netong babaeng to.
"Ay kanino? Edi ibigsabihin nyan na naka move on na sya sa past fling nya? Sagot ni kei
"Siguro, hindi ako sure" Sabi ni Coting. kung mag usap akala mo wala ako dito.
"Ay oo nga pala AJ" biglang sabi ni shas "this is Gayle. isa sa pinaka magaling na members namin. And Gayle this is AJ isa sa varsity player. dagdag pa ni shas
Nag hand shakes naman kami ni Gayle. Ang lambot naman nang kamay nya, and mas maganda sya sa personal.
"Nice to meet you." Sabi ko kat Gayle.
"Nice to meet you too." Sagot nya naman at nag smile sya. ang ganda ganda nya.
"Btw, mauna na ako sainyo. may training pa ako." Sabi ko sakanila
Sumagot naman silang lahat na mag ingat daw ako.