Angge pov
6:15 am na nang magising ako, kaya dali dali ako kumilos dahil baka mahuli ako sa klase namin. pag kahatid ko kay Gayle kagabi, natulog na din ako agad. 6:50 na nang makating ako sa school, kaya tumatakbo ako papuntang room. finally naunahan ko prof namin. nagulat sila Coting nakita akong hingal na hingal.
"Bakit ka naman hingal na hingal Angge?" Nag aalalang tanong sakin ni coting.
"Anong oras na kasi ako nagising, kaya tumakbo na ako dito sa room." Sagot ko sakanya kaya napatango naman sya.
"Hoy Angelica Gegante. Ano nabalitaan ko na hinatid mo si Gayle sakanila kagabi." Kinikilig na tanong ni Rc
"Pano wala syang sundo, kaya hinatid ko na sya sa bahay nila." Aniya ko sakanya
"Angge may gusto ka ba kay Gayle.? tanong ni coting nang ikinagulat ko. ganon na ba ako kahalata, para mag tanong sila sakin.
"Pinagsasabi nyo dyan, manahimik na kayo." Hindi ko tinanggi na gusto ko si Gayle.
"Umayos ayos ka ha, baka dagdag mo lang sa mga naka fling mo yan." pag babanta ni Rc sakin. bigla naman dumating yung prof namin.
Puro discuss lang ginawa nang mga prof namin, dahil malapit na ang exam. papunta na kami sa canteen dahil lunch break na. nakita naman agad namin sila Shas, kaya dumiretso na kami sakanila. pagkaupo ko pa lang, nang aasar na si kei.
"May pag hatid na nagaganap kahapon ha, sino kaya yon." Pag paparinig nya sa'min ni Gayle.
"Sinetch itey. Good mood kanina kasi may hatidan na naganap kagabi." Tawang tawa sabi ni Shas. dyan sila magaling, mang-asar.
"Ito pa ito pa, sinetch itey. nalate kanina kasi napahimbing ang tulog, sa nangyari pag hatid kagabi." Parang tanga kinikilig na aniya ni Rc.
"Kakain ba kayo o hindi?" Tanong ko sakanila para tumigil na. kumain naman na sila, pero ramdam ko pa rin na gusto pa nila mang-inis.
"Oo nga pala kei, birthday mo bukas. ano ganap" biglang tanong ni May kay Kei.
"Buti pinaalala mo, sa bar tayo bukas." aniya naman ni kei kay samin.
"Panigurado maraming pupunta, anlaki pa naman nang circle of friends mo." sagot naman ni Belle kay Kei.
"Ganon talaga, btw 6 pm tayo bukas. g lahat kayo." pag papaalala samin ni Kei.
"Baka ma late ako Kei, may training kami bukas." aniya ko kay Kei, para hindi na sya mag taka pag nalate ako.
"Okay lang, basta siguraduhin mo pupunta ka." Sabi nya sakin habang tumataas ang isang kilay.
Gayle Pov
4 pm na at kailangan ko na mag ayos, para sa birthday party ni Kei. naligo na ako at nag make up, para aalis na lang ako mamaya. nag scroll muna ako sa twitter, at na stalk ko si Angge. wow sikat ang dami mag sisimp sakanya. sabagay maganda naman talaga sya, isa pa sobrang lakas nang dating. Kaya andami may gusto sakanya sa school. 5 pm na at kailangan ko na umalis, dahil dadaanan ko pa sila May, Belle at si Coting. Nagmadali na ako umalis para hindi kami mahuli, baka mag drama pa si Agitano. nasundo ko na sila at nandito na kami sa party ni Kei.
"Ang dami nya talaga ininbita, dinaig pa artista." tumatawang aniya ni Coting
"Nako te, nag seselos ka lang e" pang aasar sakanya ni May.
"Hoy hindi ah." Depensa ni Coting, halata naman na gusto nya si Kei. andito na sila Shas kaya lumapit na samin si Kei. pag tapos na simula na kami uminom, ang tagal naman ni Angge dumating.
"Andito pala sila AG at Jelly, pustahan hinahanap na nila si Angge." Aniya ni Shas. binati kami nila AG at Jelly.
"Hi, guys. anong oras dadating si AJ?" Biglang tanong samin ni AG. kaibigan sila ni Angge, elem pa lang ata sila mag kakaibigan na sila.
"I'm not sure AG e, siguro mamaya pa yon. Don't worry pupunta yon" paninigurado ni Coting sa dalawang kaibigan ni Angge. mag paalam na sa sa'min na pupunta na sila sa table nila.
Around 8pm nang dumating na si Angge. Naka Polo and Trouser sya, ang pogi nya tignan, Ang lakas talaga nang dating nya. lumapit sya samin bara batiin kami, nang bigla nag salita si Shas.
"Angge kanina kapa inaantay nila AG." aniya ni Shas na kinagulat ni Angge.
"Ha andito sila? Bakit hindi man lang nag message sa'kin." sagot naman ni Angge.
"Sige na puntahan mo na sila, don ka muna sa table nila. sagot nila May. bweset inantay ko si Angge tapos papalipatin nila.
Uminom na kami nang uminom, ramdam ko na yung hilo ko. nakita ko si Angge na hindi gano umiinom, baka pagod to kaya hindi umiinom masyado. nag sayawan na kami nila shas dahil sa tinamaan na kami, pumunta ako sa cr para dumuwal. nang makaduwal ako babalik sana ako sa couch nang mabangga ko si Angge.
"Ano kaya mo pa ba?" Tanong nya sa'kin.
"Oo ako pa ba, ako na to oh." tumatawang sagot ko, kahit nahihilo na ako. tumakbo ako sa cr, dahil ramdam ko na naman na nasusuka ako. pag labas ko nang Cr, inaantay nga pala ako makalabas. dinala nya ako sa couch nila, tapos pumunta sya sa waiter.
"Oh inumin mo to, para mabawasan hilo mo.
sabay abot sa'kin nang tubig. bigla dumating sila AG nagulat sila na nandito ako sa couch nila. pero binati naman nila ako ulit."Angge lasing na yan. kailangan mo na iuwi si Gayle." biglang aniya ni AG kay Angge
"Gayle asan sila Shas?" Biglang tanong sakin ni Angge.
"Hindi ko alam, andyan lang mga yon." Sagot ko sakanya "Angge uwi mo na ako pls." dagdag ko pa dahil hindi ko na talaga kaya. nilapitan ko muna si may, at nag paalam sakanya.
"Uuwi na ako, ikaw na bahala sa kotse. paalam ko sakanya, sabay abot nang susi. lumapit na ako kay Angge. Inalalayan nya ako makasakay nang sasakyan nya.
Nagising ako sa daming message sa'kin nila shas. pinaliwanag ko naman sakanila agad yung nangyari. nagulat ako nang tumingin ako sa salamin, wala na akong make up. may nakita ako note sa gilid nang kama ko.
"Inalis ko na make up mo and don't worry hindi ako nag palit nang damit mo" Ayan ang nakasulat sa note. Wtf sana wala ako sinabi kay Angge, dahil hindi ko talaga alam pinag gagawa ko kagabi.