Shas Pov
Nagulat ako sa nangyari kay Gayle at Angge. pero mas nagulat ako nang halikan ni Khyle si Gayle. sobrang nag aalala ako sa mararamdaman ni Angge. Hindi ko napansin na nasa pinto na pala si Angge kagabi, nalaman ko lang kay Rc. Andito na kami sa room dahil may pasok na naman, hindi ko naman matanong si Gayle sa about sa halikan nila no Khyle. Mag sasalita na sana ako nang bigla mag salita si May.
"Nakakatampo si Angge, hindi na sumunod sa Condo kagabi." Nag tatampong aniya ni May.
"Kaya nga inaantay pa naman sya ni Ecka at ni Mitch." Aniya ni Belle habang nag susulat. si Gayle naman walang kibo, tahimik lang sa upuan nya.
"Ay oo nga pala kitain natin si Angge mamaya. may sasabihin ako sakanya, dahil nahihiya si Ecka." Dagdag na naman ni Belle
Nag simula na ang klase namin, wala kami masyado ginawa. maya maya lang nag lunch break na, kaya dumiretso na kami sa canteen. Nakita naman namin agad sila Angge kaya lumapit kami.
"Hoy Angelica Jhane." Sigaw ni May sakanya.
"Ano?" Walang emotion na tanong sakanya ni Angge.
"Bakit hindi ka pumunta, nakakatampo ka naman" Aniya ni May kay Angge.
"Nawalan ako nang gana" Sabay tingin kay Gayle pero sa ibang direction nakatingin si Gayle.
"Angge sali daw si Ecka sa varsity nyo" Singit ni Belle kay Angge.
"Sige, sabihin ko kay coach. Sabihan mo si Ecka may try out sa Saturday, ako na bahala sakanya." Paninigurado ni Angge kay Belle. "Rc and Coting mauna na ako sainyo sa room, hindi na ako kakain busog pa naman ako." Dagdag pa ni Angge kila Rc at lumabas na sya nang canteen.
"Wait lang, kakausapin ko lang si Angge." Bulong ko kay Rc tumango naman sya "Mauna na kayo mamaya sa room may pupuntahan lang ako." Paalam ko kila Kei. Hinabol ko si Angge at nakita ko naman sya agad sa Field nakaupo mag isa. kaya nilipatan ko sya at tinapik yung balikat.
"Kamusta ka naman? Pangangamusta ko sakanya.
"Okay lang" Sabay fake smile sa'kin
"Tell me what you want to say. ilabas mo sa'kin lahat." Aniya ko sakanya. pero yung tingin nya asa mga nag lalaro nang soccer. "Nakita ko kung ano man nakita mo kagabi." Dagdag ko pa sakanya. kaya napatingin na rin sya sa'kin.
"Hindi ko alam kung bakit ganon. Hindi man lang sya nag explain sa'kin, hinayaan nya na lang na matapos kami. Hindi ko ba deserve nang explanation. araw araw ko tinatanong sarili ko, kung ano ginawa kong mali. para umabot kami sa ganong situation" Pag kwekwento nya nang bigla tumulo luha nya.
"Sige ilabas mo lang," Aniya ko sakanya
"Sana sinabi nya na hindi nya ako gusto, hindi yung bigla bigla nya ako ighoghost. Maayos naman kami nung araw na hindi nya ako kibuin, kaya nga wala ako idea kung ano ginawa kong mali." Aniya nya habang pinupunasan yung luha nya. "Ilang beses ko sya sinubakan kausapin, pero wala ako nakukuhang sagot sakanya. Dagdag nya pa. Marami pa kami pinag usapan pero wala nang time, kaya bumalik na kami sa kanya kanya naming room.
Gayle Pov
Naiwan kaming anim sa canteen,dahil umalis na si Angge at Shas. kumakain ako nang bigla mag salita si Rc.
"Gayle kausapin mo kaya si Angge. ipaliwanag mo sakanya kung ano nangyari." Aniya nya sa'kin
"Oo nga kailangan nya rin nag explanation mo." Aniya ni Kei habang nakatingin sa mga mata ko "Para naman maayos kayo nang maayos, hindi yung ganyan kayo." Dagdag nya pa. Pag tapos kumain bumalik na kami agad nang room dahil may klase pa kami. natauhan ako sa mga sinabi sa'kin nila Kei, kaya kakausapin ko si Angge mamaya. Hindi ko alam pano sya kakausapin mamaya, bahala na nga.
"Belle totoo ba na lilipat nang section si Ecka." Tanong ni Kei kay Belle.
"Oo, don sa section nila Coting." Aniya sakanya ni Belle habang nag susuklay.
"Pag-uusapan na naman nang iba section nila. Puro magaling mang baliko andon." Dagdag pa ni May.
"Ang dami nag kakagusto kay Angge no." Sagot ni Belle habang nakatingin sa'kin.
"Kaya nga, kung ako gusto nyan. Hindi na ako tatangi." Pag paparinig sa'kin ni Kei.
"Alam nyo ba nung shs kami ni Angge. Lagi ako inaaway nang mga may gusto sakanya. Dahil akala may something kami ni Angge, sadyang close lang talaga kami ni Angge non. Kwento sa'min ni May.
"Hindi na ako mag tataka bakit andaming nag kakagusto kay Angge. Mabait sya tapos matalino pa sya, ang galing pa mag volleyball. Magaling kumanta, mag drawing. Halos lahat alam nya." Dagdag ni Kei.
"Totoo Kei ang genuine nyang tao. Sobrang humble pa rin kahit ang yaman nang pamilya nya." Kwento ni Shas.
"Kausapin mo na sya Gayle. Feeling ko kailangan nyo talaga mag usap." Biglang aniya ni Shas habang nakatingin sa'kin nang diretso. "Kasi kailangan mo sabihin sakanya kung bakit mo sya iniiwasan." Dagdag nya pa.
Nag simula na ang klase namin kaya nanahimik na mga kaibigan ko. nag discuss lang si ma'am at nag pa quiz. pag tapos non pinalabas na rin kami agad. nakita ko si Angge sa field nag lalakas. Lalapitan ko na sya nang makita ko kinakausap sya ni Ishi. Dumiretso na lang ako sa bahay, para makapg pahinga na agad.