Chapter 18

911 45 16
                                    

Gayle Pov

Nang ginising ko si Angge, grabe yung pawis at takot nya. Niyakap nya naman agad ako at sa balikat ko umiyak.

"Shh I'm here Lovey" Paninigurado ko sakanya na andito lang ako.

Inayos nya na ang itsura nya at bigla nag salita "Bumabalik na naman, kaya iniiwasan ko si tita makita. Everytime na nakikita ko sya, napanaginipan ko yung mga ginagawa nga sa'kin. Gusto ko na maka takas sa bangungot na yon." Pag kwekwento nya habang nasa iba ang direction.

"So yung panaginip mo totoong nangyari sayo?" Tanong ko sakanya

"Oo, totoo rin yung dapat maglalaslas ako. Pero may batang kumatok sa pinto ng kwarto ko." Aniya nya pa.

"Natatandaan mo kung sino yung bata na yon?" Tanong ko ulit sakanya

"Oo natatandaan ko pa kung sino sya. Pero hindi nya na ata ako matandaan." Aniya nya nang diretso sa mga mata ko.

"Sino kaya sya" Nakapalumbabang tanong ko sakanya.

"Matulog na ulit tayo" Aya nya sa'kin at natulog na ulit kami. Nauna ako nagising sakanya. kaya ako na ang nag luto nang breakfast namin. Maya maya lang nag ring yung doorbell nya, kaya binuksan ko yung pinto. Nagulat ako nang makita ko ang daddy nya.

"Good morning po" Tanging nasabi ko sa daddy nya.

"Good morning. Gising na ba si AJ? Tanong sa'kin ng daddy ni Angge

Mag sasalita na sana ako nang bigla may sumagot. "Yes. Bakit?" Bigla aniya ni Angge at pinapasok nya sa loob ang daddy nya

"Sorry sa ginawa sayo ng tita mo" Pag hihingi paumanhin ng daddy ni Angge.

"Wag na po natin pag usapan" Pag puputol ni Angge sa sasabihin ng daddy nya.

"Ako na humihingi ng tawad ang taas naman ng pride mo AJ." Pagalit na aniya ng daddy nya sakanya.

"Ayoko lang po pag usapan, dahil tapos na naman yon." Aniya sakanya ni Angge

"Bakit, kasi alam mo ikaw may kasalanan?" Pagalit na naman na tugon ng daddy nya

"Kung andito ka lang po, para ipamukha na kasalanan ko pwede na po kayo umalis." Kalmadong aniya sakanya ni Angge.

"Tama nga ang tita mo bastos kang bata ka.  Wala kang utang na loob sa tita mo. Bakit ka ba ganyan." Pasigaw na aniya sakanya ng daddy nya.

"Ano nga po ulit dad. Wala ako utang na loob kay tita?" Tanong sakanya ni Angge. "Hindi pa ba utang na loob yung pag titiis ko sa ginagawa nya sa'kin. Hindi pa ba utang na loob yung lagi nya ako sinasaktan at hinahayaan ko lang. Hindi rin ba utang na loob hayaan sya ipahiya ako sa mga kaibigan ko at sa ibang tao." Diretsong tanong sakanya ni Angge "Tapos sisisihin nyo ako bakit ako nag kaganito. Kung bakit nag karoon ako ng suicidal thoughts. Kung bakit sinasaktan ko sarili ko. Bakit hindi nyo rin tanungin yung sarili nyo, kung bakit ako ganito." Aniya ni Angge habang tumutulo yung luha nya.

"Dad tuwing matutulog ako, nakikita ko pa rin kung pano nya ako saktan. Kung ano dinanas ko sa kamay ng magaling mong Asawa. Tangina wala naman ako ginawang mali. Pero bakit parang pasan pasan ko yung mga kasalanan na ginawa mo. Bakit ako nag bayad ng mga kasalanan  na ginawa mo sakanya." Aniya ni Angge nang nakatingin sa Daddy nya.

"Wag mo ako sumbatan AJ" Sigaw sa kanya ng daddy nya.

"Tinanong mo ako Dad kung bakit ako ganito. Nung sinagot kita sasabihin mo sa'kin sinusumbatan kita?" Inis na aniya sakanya ni Angge. Hindi na nag salita ang daddy nya at nag walk out na. Niyakap ko naman agad si Angge.

"Sorry, lagi mo na lang nakikita yung mga ganitong bagay" Aniya nya sa'kin

"Okay lang, at least andito ako para may kasama ka." Paninigurado ko sakanya na okay lang sa'kin. Pag tapos namin kumain hinayaan ko muna sya mag pahinga. Dahil alam ko drain na drain na yung pagkatao nya sa mga nangyayari.

Until I found you Where stories live. Discover now