Angge Pov.
One week na ako hindi kinikibo ni Gayle. hanggang ngayon hindi ko pa rin alam yung dahilan. tinanong ko naman sya, pero iniiwasan nya lang ako. pag magkikita kami sa hallway bigla sya liliko. hindi ko na alam pano sya kakausapin, dahil parang wala lang naman sakanya.
"Hoy ang lalim nang iniisip mo" biglang hampas sakin ni Coting.
"Ano kamusta kana?" Nag aalalamg tanong sa'kin ni Rc.
"Ghinost ka raw ni Gayle?" Biglang tanong pa ni Coting.
"Siguro, baka. hindi ako sigurado." aniya ko sakanila.
"Ano ba kasi nangyari sainyo." aniya ni Coting habang ka text si Kei.
"Actually hindi ko rin alam, tinanong ko naman sya pero wala ako nakukuhang sagot sakanya." Pag kwekwento ko sakanila. "Okay naman kami, wala naman kami naging problema. nang bigla nya na lang ako hindi kinakausausap." Dagdag ko pa.
"Mag usap nga kayong dalawa, ang gulo gulo nyo." suggestion ni Rc.
"Pano ko kakausapin, kung ayaw naman ako kausap." Sagot ko sakanya.
Hinayaan ko na lang si Gayle, dahil ayoko mag mukhang tanga kakahabol sakanya. Siguro buo na ang decision nya na iwasan ako. mahirap sa'kin yung gantong set-up namin, dahil nasanay na ako andito sya sa tabi ko.
"Birthday pala ni May ngayon kain raw tayo sa labas sagot nya." aniya sa'min ni Rc.
"Pass muna ako, ayoko maging awkward yung situation." Pag papaliwanag ko sakanila
"Hoy hindi pwede, magtatampo si May." Aniya ni Coting sabay taas nang kilay sa'kin.
"Oo nga sumama kana, wag kana umarte dyan." Singit ni Rc. Wala naman ako magagawa kundi sumama.
"Tara puntahan na natin sila sa labas" Aya sa'min ni Rc. Nakita naman namin agad sila sa labas, magkakasama na sila. napako ang tingin ko kay Gayle at sa kasama nyang lalaki. ah kaya naman pala ako ghinost.
Coting Pov
Nakita ko kung pano mag iba aura ni Angge nang makitang may kasamang iba si Gayle. pota kung alam ko lang, hindi ko na pipilitin pa si Angge sumama. Nang tignan ko si Angge, hindi pa rin nag babago aura nya. seryoso pa rin ang itsura nya.
"Tara punta na tayo sa resto" Aya sa'min ni May. Walang dalang saksakyan si Angge dahil Coding nya. Kaya tinanong sya ni Kei.
"Angge kanino ka sasabay? Tanong sakanya ni Kei.
"Sainyo na lang Coting" Sagot sakanya ni Angge.
Pumunta na kami sa resto and kitang kita ko kung pano maging sweet si Khyle kay Gayle. Si Angge naman hindi sila dinadapuan nang tingin.
"Ahm I need to go." Biglang nagsalita si Angge. Napatingin naman kaming lahat sakanya. "Pinapatawag ako ni Coach." Dagdag pa niya
"Hindi kana pupunta sa condo para uminom?" Tanong naman sakanya ni May.
"Susunod ako may kailangan lang ako kunin kay Coach." Paninigurado sakanya ni Angge
"Okay okay, take care." Aniya ni May dahil sya ang may birthday.
"Saan ka sasaky pabalik nang school?" Tanong sakanya ni Kei.
"Mag taxi na lang ako." Sagot sakanya ni Angge
"Okay, see u later." Aniya ni Kei kay Angge
"Happy birthday May and Thank you sa foods." Aniya ni Angge at umalis na rin.
Pag tapos namin kumain dumiretso na kami sa condo ni Mae para uminom.
"Tara simulan na natin to"Aniya ni Shas at sinimulan nang buksan ang alak
"Happy birthday Mae!!!!" Sigaw namin lahat kay Mae. Kadadating lang ni Mitch boyfriend ni May. May dala syang bouquet and Gift para kay May.
"Wala si Angge?" Biglang tanong nya sa'min. Mag kaibigan kasi sila ni Angge.
"Susunod raw sya pinatawag nang Coach nila." Sagot sakanya nang girlfriend nyang si Mae.
Puro by partner pala kami dito, kung andito lang si Angge kakawa sya. Si Gayle at si Khyle nag bubulungan na, dahil malakas yung music ni Mae dito sa condo nya.
Rc Pov
Mga tipsy na kasama namin dito sa Condo nila May. Pero wala pa rin si Angge, napakatagal naman non.
"Ali ano ba nangyari sa dalawa" Tanong sa'kin ni Shas kung ano nangyari between Gayle and Angge
"Hindi ko rin alam Ali." Sagot ko sakanya habang tinitignan si Gayle at Khyle. May tama na si Gayle kaya nag bubulungan na lang sila.
"Kala ko si Angge at Gayle?" Biglang tanong sa'min ni Mitch kaibigan ni Angge.
"Akala rin namin" Sabay na sagot namin ni Ali.
Maya maya lang bumukas yung pinto at si Angge ang bumungad. Nang bigla napahinto sya sa pag pasok nang makita nya si Gayle at si Khyle. Hinalikan ni Khyle si Gayle. Nang tignan ko si Angge lumabas na sya. Ako lang nakapansin kay Angge kaya hinabol ko sya. Sa parking ko na sya naabutan.
"Angge wait." Sigaw ko sakanya at bigla sya tumingin sa'kin.
"Bakit?" Tanong nya sa'kin pero walang reaction ang mukha nya.
"Tara sa taas." Aya ko sakanya
"Uuwi na pala ako bigla sumama pakiramdam ko." Pag sisinungaling nya sa'kin at hinayaan na sya umuwi. Umakyat na ako sa taas nang sinalubong ako ni Ali.
"Saan ka galing?" Pagtatakang tanong nya sa'kin.
"Hinabol ko si Angge" sagot ko sakanya habang hawak yung tubig.
"Oh asan na sya" Pag hahanap nya kay Angge.
"Umuwi na sya, nakita nya magkahalikan si Gayle at si Khyle." Sagot ko sakanya nang ikinagulat nya.
"Nakita ko rin yon, pero hindi ko alam na nakita ni Angge." Sagot nya ramdam ko ang pag-aalala nya kay Angge. Tinignan ko si Gayle at si Khyle pero mag kalayo na sila.