Angge Pov.
Pagkauwi ko nang condo nakita ko si Ryan kapatid ko sa tatay sa labas nang condo. Kaya inaya ko naman sya sa loob nang condo ko. Nang makapasok kami nang condo, umupo sya sa couch at tumingin sa'kin nang seryoso.
"Birthday ni Papa bukas, kaya pumunta ka sa bahay." Aniya nya sabi na nga ba kaya to andito e
"Okay, what time?" Tanong ko sakanya dahil wala naman ako choice kundi pumunta.
"6pm dapat asa bahay kana, family dinner lang yon kaya pumunta ka okay." Tumango naman ako. Hindi rin nag tagal nag paalam na sya umuwi. Pupunta na naman ako don, kailangan ko na naman maghanda sa mga sasabihin ni tita (mama ni Ryan)
Saturday ngayon kaya andito ako sa school. May try out ngayon nang volleyball, kaya kailangan talaga ako dito. Nakita ko naman agad so Ecka, kaya nilapitan ko sya.
"Go Ecka kaya mo yan" Pag checheer ko sakanya. Ilan lang ang nakapasa at isa si Ecka don
"Sa mga nakapasa ngayon sa try out, sa Monday may training na kayo." Announcement sakanila ni Coach.
"Thank you Angge." Pag papasalamat sa'kin ni Ecka.
"Wala yon, ikaw naman nag hirap para dyan" Aniya ko sakanya. "Lilipat ka daw section namin?" Tanong ko sakanya
"Oo, para makasama ko na kayo. Pangit section ko ngayon." Aniya nya habang inaayos yung gamit nya.
"Uuwi kana ba?" Tanong ko sakanya
"Oo, pero dadaanan ko pa si Belle sa sakanila." Sagot nya sa'kin at nag lakad na kami papuntang carpark.
"Una na ako Ecka, Ingat ka." Pag papaalam ko sakanya.
"Ingat ka rin Bro." Aniya nya sa'kin at umalis na ako. Dahil uuwi pa ako sa condo.
4:13 pm na nang makauwi ako, kaya naligo na ako agad. Dahil pupunta pa ako kila papa. Nang matapos ako mag ayos, pumunta na agad ako kila papa. Saktong 6pm nang makarating ako, pumunta agad ako sa dining table nila.
"Happy birthday pa" Bati ko kay papa sabay abot nang gift. Nag mano naman ako kay tita. Nag simula na kami kumain nang bigla nag salita si tita.
"Ano AJ kamusta pag aaral mo." Biglang tanong sa'kin ni tita habang kumakain.
"Ayos naman po." Sagot ko sakanya
"Buti naman hindi yung puro harot ang inaatupag mo". Aniya nya habang nakatingin sa'kin. Ayan na naman sya sa kung ano ano na naman sinasabi.
"Hindi naman po." Sagot ko sakanya nang hindi tumitingin sakanya.
"Wag ka gumaya sa mama mo puro harot ang inuuna." Bigla aniya nya kaya na patingin ako sakanya.
"Kaya nyo po ba ako pinapunta dito para insultuhin nanay ko? Tanong ko sakanila"Ikaw pa kailan mo kami ipag tatanggol sa asawa mo?" Biglang tanong ko kay papa.
"Rumespeto ka sa tita mo Angelica." Biglang sigaw sa'kin ni Papa.
"Bakit pa kami ba ni mama nirespeto nya? kailangan rin namin irespeto. lagi mo na lang tinotolarate yang asawa mo sa pakikitungo nyan sa'min." Napatigil ako sinasabi ko nang sampalin ako ni Papa. Nagulat ako sa ginawa nya. "Wag nyo na lang ako papapuntahin dito, kung babastusin nyo lang si Mama sa harap ko." Aniya ko habang nakatingin kay Ryan at lumabas na ako. Hinabol ako ni Ryan.
"Sorry sa attitude ni Mama. Hindi ko alam na gaganunin ka nya." Aniya nya nang pinutol ko ang sinasabi nya.
"Parang bago naman sayo bastusin ako nang nanay mo." Aniya ko sakanya at sumukay agad ako sa sasakyan ko at bumaba ako sa 7/11 para mag kape pang pa kalma.
Gayle Pov
10pm na ako nang makauwi sa bahay nang maabutan ko si Papa umiinom nang tubig.
"Bakit ngayon ka lang? Biglang tanong sa'kin ni pala.
"Galing po ako sa practice pa " sagot ko sakanya at nag mano ako.
"Practice na naman, hindi ba sinabi ko sayo mag focus ka sa pag aaral mo." Aniya nya sa'kin habang binabalik sa ref yung tubig.
"Nag fofocus naman po ako pa." Sagot ko sakanya.
"Sumasagot kapa, nagiging bastos kana." Aniya nya at pumunta na sa kwarto nya. umakyat na ako sa kwarto at nag bihis.
Pumunta ako sa 7/11 para pakalmahin ko sarili ko. dahil masyado ako na d-drain sa bahay. Papasok na sana ako sa loob nang 7/11 nang makita ko sa labas nakaupo si Angge, kaya pinuntahan ko sya. Nakita ko na namumula yung pisngi nya kaya nag tanong ako sakanya.
"Ano nangyari sa pisngi mo?" Tanong ko sakanya at umupo sa harap nya.
"Nothing" Napaikling sagot nya sa'kin.
"Are you sure?" Tanong ko pabalik sakanya.
"Yes." Sagot nya at iniwan ko na sya don. Pumasok ako sa 7/11 para bumili nang lalagyan nang ice pack. wala ako makita kaya bumili ako nang panyo at yelo. Tsaka ko sya binalikan sa labas. Nilgyan ko na nang yelo yung panyo at pinahid ko sa pisngi nya. Nagulat naman sya sa ginawa ko, kaya nag tanong ako sakanya.
"Why" Tanong ko sakanya
"Tigilan mo Gayle." Aniya nya sa'kin nang nakatingin sa mga mata ko.
"Stop for what?" Tanong ko sakanya pabalik.
"Ihinto mo yang ginagawa mo sa'kin ngayo, na parang walang nangyari sa'tin." Sagot nya sa'kin.
"Bakit? concern lang ako sayo." Aniya ko sakanya
"Pls tama na, ayoko bigyan na naman nang meaning yang mga ginagawa mo sa'kin." Sagot nya sa'kin nang nakatingin na naman sa mga mata ko.
"Sorry." Aniya ko sakanya
"Bakit Gayle? Tanong nya sa'kin "Bakit kailangan mo iwasan nang hindi man lang nag papaliwanag sakin. Sana sinabi mo hindi mo ako gusto, hindi yung pinaglalaruan mo nararamdaman ko sayo. Kung pinaglalaruan mo ako ngayon pls Gayle tama na, masakit na." Dagdag nya nang tumulo luha nya.
" Ang tagal ko gusto marinig paliwanag mo, pero ilang beses mo ako hindi kinausap." Ramdam na ramdam ko yung sakit nang nararamdaman nya. "Hindi mo na pala kailangan sagutin, alam ko naman na dahilan. Congrats sainyo ni Khyle." Dagdag nya pa. Aalis na sya nang hatakin ko sya paharap sa'kin.
"Naalala mo nung sabi ko pupuntahan kita sa training mo?" Tanong ko sakanya at tumabgo naman sya. "Nakasalubong ko si Kelly non. Sinabi nya sa'kin na pag tinatanong ka nila kung kamusta tayo, ang sinasagot mo sakanila okay naman pag kakaibigan natin." Pag papaliwanag ko sakanya. "Sinabi nya sa'kin na tinatawagan mo sya, pinakita nya sa'kin yung screen nya. tinatawagan mo nga sya. Ako nga hindi mo matawagan. Dagdag ko pa.
"Mas paniniwalaan mo yung mga sinasabi nya sayo kesa sa mga pinaparamdam ko sayo?" Tanong nya sa'kin "Hindi ba sapat ginagawa at pinaparamdam ko sayo para maramdaman mo na mahal kita? Dagdag nya pa rin habang tumutulo yung luha nya.
"Pero bakit tinawagan mo sya non? Tanong ko sakanya
"Nakiusap sa'kin si Micole na tawagan ko sa phone ko si Kelly dahil yung phone nya naiwan nya sa room nila." Pag papaliwanag nya sa'kin. "Sa susunod mag tanong ka sa'kin hindi yung iniiwasan mo ako bigla. Dagdag nya pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/334733137-288-k306718.jpg)