Angge Pov
Tapos na ang exam week namin, kaya balik training na naman kami. andito kami ngayon nila Rc sa training nila Gayle pinapanood sila. grabe ang galing talaga ni Gayle. ang smooth nang mga galaw nya, kaya andami may gusto sakanya eh.
"Naka naman matunaw si Gayle, Angge." Pang iinis sakin ni Coting.
"Inggit na naman sya oh" Pang iinis ko rin sakanya.
"Bakit ako maiingit kung pinakilala na ako sa pamilya." Pag yayabang nga sa'kin
"Ang yabang mo na Coting, hindi na ikaw yung Coting na kaibigan namin." Pag ddrama ni Rc. tapos na sila Gayle mag Practice kaya lumapit na sila sa'min.
"Grabe nakakapagod yung training" reklamo ni Kei.
"Totoo, masyado na tayo pinapagod" Reklamo din ni Shas
"Buti pa kay Gayle, easy lang." Sagot naman ni May
"Hoy hindi ha sakit na nga nang paa ko" sagot sakanya ni Gayle. inaya na ako ni Gayle sakanila dahil doon raw ako mag dinner kasama ate nya.
"Mauna na kami sainyo, ingat kayo pauwi" paalam ni Gayle sakanila, kaya pumunta na kami sa parking.
"Kamusta training nyo" tanong sa'kin ni Gayle
"Ayon nakakapagod, masakit sa braso" reklamo ko sakanya na para akong bata.
"Pag kauwi mo galing sa'min, mag pahinga kana agad okay. aniya sa'kin ni Gayle. maya maya lang nakarating na kami sakanila, nag park lang ako at pumasok na kami sa loob. malaki ang bahay nila, halatang mayaman. dumiretso na kami sa dining table nila, at bumaba na rin ate nya.
"Ate si Angge nga pala." Pag papakilala sa'kin ni Gayle sa ate nya.
"Good evening po" Bati ko sa ate nya.
"Good evening Angge. Actually kilala na kita, nakikita kita hinahatid si Shai. ginagawa ka bang driver nang kapatid ko. aniya ni ate.
"Hindi naman po, sakto lang." aniya ko sa ate ni Gayle
"Varsity player ka diba" tanong sa'kin nang ate ni Gayle. Tumango naman ako sakanya "Nickname mo ba ang AJ?" Dagdag nya pa
"Yes po" Sagot ko naman nang bigla mag salita si Gayle.
"Bakit mo natanong te" tanong nya sa ate nya.
"Naririnig ko pinag kwekwentuhan sya nang mga ka block mates ko." Sagot naman nung ate ni Gayle. "Tsaka kilala naman talaga sya sa school ano pa ba bago Shai."
"Grabe hanggang ibang course pinaguusapan ka." Pag tataray sa'kin ni Gayle.
"Ikaw rin naman, pati nga sa shs." Balik ko kay Gayle. umakyat na ate nya nang matapos kami kumain.
"Ilan kayo mag kakapatid" biglang tanong ni Gayle sa'kin
"Dalawa lang kami ni Ryo" Sagot ko naman sakanya
"Little brother mo?" tanong nya at tumango naman ako.
"Where's your father?" Tanong ko sakanya dahil hindi ko pa nakikita.
"As always asa businesses trip." Sagot nya sa'kin
" Kasama mother mo?" Tanong ko sakanya
"No, My mom is dead." Sagot nya sa'kin nang ikinagulat ko
"Sorry, I didn't mean to ask". Pag hingi ko nang paumanhin sakanya
"No, it's okay. you need to know rin naman." Sagot nya sa'kin. Hindi rin nag tagal nang mag paalam na ako sakanya dahil late na rin
Gayle Pov.
Tapos na ang training namin. kaya pupuntahan ko si Angge sa training nya. nang bigla ko makasalubong si Kelly. binati nya naman ako.
"Hi Gayle kamusta" Pangangamusta nya sa'kin
"Okay naman" Sagot ko sakanya mag lalakad na sana ako pa alis nang mag salita ulit sya.
"Kayo ni AJ kamusta? tanong nya ulit. "Ay no need to answer. sinabi naman ni AJ na okay naman pagkakaibagan nyo" dagdag nya pa nag bigla nag ring yung phone nya "Bye Gayle tinatawagan na ako ni AJ" hinarap nya sa'kin yung screen si Angge nga ang tumawag sakanya.
Hindi na ako pumunta sa training nila nawalan na ako nang gana. tangina mag kaibigan lang pala, grabe naman pag aasume ko sa part na yon. si Kelly natawagan samantalang ako hindi. umuwi na lang ako gumawa nang ibang activity at nang kung ano ano pa. mag lalaro na sana ako nang mag dm si Angge.
Angge G: Where are you, akala ko sabay tayo uuwi.
Shinayadc: Umuwi kana, nauna na ako.
Angge G: Are you okay?
Angge G: Hey Gayle what's wrong.
Angge G: Did you eat na?
Angge G: Mall tayo tom?
Hindi ako nag rereply sa mga message nya, dahil ayoko nang assume. ganyan nga pala sya maging kaibigan, sa sobrang sweet mag aasume ka. natulog na lang ako dahil may pasok pa kami bukas. nang magising ako dumiretso na ako sa cr para maligo. maaga ako nakarating sa school.
"Good morning Gayle." Bati sa'kin nila Rc. tumango naman ako.
"Hi." bati sa'kin ni Angge pero hindi ko sya pinapansin. dumiretso na ako sa room dahil andon na sila Kei.
Ilang beses ako kinausap ni Angge pero hindi ko sya pinapansin. pag inaantay nya ako para sabay kami umuwi, pinapauna ko na lang sya. ilang araw ko na sya hindi pinapansin, dahil wala akong gana makita at makausap sya. Nandito kami sa bahay nila kei ngayo, dahil trip namin mag bonding.
"Gayle totoo ba? Biglang tanong sa'kin ni Shas
"Na ano?" Patanong kong sagot sakanya
"Hindi na kayo nag uusap ni Angge sabi ni Rc" pag papaliwanag nya sa'kin
"Ah ayon ba, hayaan nyo na lang." Sagot ko sakanila
"Bakit ano ba nangyari, bakit mo pinatigil.? Tanong ni Kei.
"Anong pinatigil, hindi ko sya pinatigil. dahil wala naman meron sa'min." Sagot ko nang nakatingin sa tv. ito nga mahirap itigil yung walang meron sa'min.
"Ha anong wala? para saan yung harutan nyo.? Singit ni May.
"Wala yon, ganon naman talaga si Angge sa mga kaibigan nya." Ayan na lang nasagot ko dahil masakit na. "Ano ba kayo may something na ata sakanila ni Kelly hayaan nyo na lang." Dagdag ko pa.
"Napaka gulo nyo namang dalawa." Inis na sagot ni Belle.
"Hindi naman, assumera lang talaga ako." Sagot ko sakanila kaya nanahimik na sila.
"Nag usap na ba kayo about dyan?" Biglang tanong na naman ni Kei. bweset na to ayaw pa manahimik.
"Hindi, wala naman kami dapat pag usapan." sagot ko pa "Besides mag kaibigan lang naman kami." Dagdag ko pa.