Chapter 6

738 39 6
                                    

Angge Pov

Kakalabas lang nang cr ni Gayle, nang  nabangga nya ako.  Lasing na lasing na sya at nakahawak sa bibig nya. tinanong ko naman sya kung ayos lang sya, sabi nya okay lang naman daw sya. tumakbo na naman sya papuntang cr, inantay ko sya makalabas. nang makalabas na sya pinaupo ko muna sya sa couch namin. kumuha ako nang tubig, para ipainom sakanya. nang bigla dumating sila AG at Jelly.

"Angge ihatid mo na si Gayle, lasing na lasing na yan." Utos sakin ni AG tinignan ko naman si Gayle na nakahiga na sa couch.

"Sige na ihatid mo na, kawawa naman yan." Dagdag pa ni jelly at iniwan na kami ni Gayle.

Hinatid ko na si Gayle, dahil gusto na raw nya umuwi. Inalalayan ko sya makasakay sa passenger seat at nilagyan sya ng seatbelt. Mabagal lang pag d-drive ko, dahil baka mahilo lalo si Gayle. nagulat ako nang bigla sya mag salita

"Alam mo ba Angge, inis na inis ako sayo nung hindi mo ako pinapansin." sabi nya habang nakapilit pa rin

"Hindi mo ako tinitignan or kahit ano. diko alam bakit gusto ko nang attention mo, nakakainis ka pa rin talaga." dagdag nya pa. andami naman neto sama nang loob sakin

"Inantay kita makarating kanina, tapos hindi ka samin naki table. pero okay lang kaibigan mo rin naman sila." sabi nya habang nakapilit at inaayos buhok nya. "Ikaw Angge kaibigan lang ba talaga tingin mo sakin." biglang tanong nya nang ikinagulat ko.

"Tangina naman kasi hindi ko alam bakit ganto." ayan na napapamura na sya

"Crush na crush na kita Angge" habang diretsong nakatingin sa sa'kin. "Ang ganda mo no, lalo na pag tumatawa ka." dagdag nya pa.

"Dati pa kita kilala, pero ako hindi mo manlangkilala. kung hindi pa dahil kila Kei hindi mo ako makikilala." aniya na parang mag tatampo pa. "Pero crush nga kita, tanginang naman crush kita." dagdag nya pa at nakatulog na nga sya.

Andito na kami sa bahay nila Gayle. pinapasok ako nang mga kasambahay nila at tinulugan ako iakyat si Gayle sa kwarto nya. Hiniga ko na sya sa kama nya, tinanggal ko na rin ang sandals nya. inalis ko na rin ang make up nya, binihisan na rin sya nang kasambahay nila. dahil ang weird naman kung ako mag bibihis sakanya. pag tapos ko sya asikasuhin nag iwan na lang ako nang note sakanya, umuwi na rin ako dahil anong oras na may pasok pa kami bukas.

"Grabe nalasing talaga ako kagabi." andito na kami sa room nang bigla mag salita si Coting.

"Ako nga rin, buti nakauwi pa tayo. ikaw Angge bigla ka nawala." biglang tanong sakin ni Rc.

"Nag pahatid sa'kin si Gayle, dahil hindi nya na raw kaya." kwento ko sakanila. hindi ko sinabi sakanila yung pinagsasabi sa'kin ni Gayle kagabi. dumating na ang prof namin, nag discuss lang. lunch break na, kaya lumabas na kami.

"Ayon sila Ali, tara puntahan na natin." Aya samin ni Rc. pumun agad kaming tatlo. wala nang upuan, kaya tumabi na lang ako kay Gayle nang bigla nag salita sya.

"Thank you so much sa ginawa mo kagabi. and sorry if naabala kita." sincere na pag sabi nya

"Ano ka ba, wala yon." Sagot ko sakanya "Okay na ba pakiramdam mo?" dagdag ko pa

"Oo, okay naman na. may mga sinabi ba ako sayo kagabi?" kinakabahang tanong nya.

"Wala naman, ang tahimik mo nga." Pag sisinungaling ko. Kung alam mo lang kung ano ano pinagsasabi mo, baka hilingin mo na lang kainin nang lupa.

"Mabuti naman." naka ngiting sabi nya. tumango tango naman ako. bumalik na rin kami agad sa room.

Gayle Pov

Buti na lang wala ako nasabi kay angge nang kung ano ano. baka mahiya lang ako lalo harapin sya. amin ko man o hindi, kinikilig ako sa ginawa nya kagabi. naagaw ni Kei ang attention ko nang mag salita sya.

"Gayle may gusto ka ba kag Angge?" Biglang tanong nya.

"Sira pano mo naman nasabi" sagot ko sakanya pabalik.

"Iba yung aura mo pag malapit sya sayo or pag nakikita mo sya. and halata naman sa mga mata mo. wag kana mag deny sa'min." pag kwekwento nya sa'min.

"Si Angge ba sa tingin nyo may gusto kay Gayle? Biglang singit ni May. kinabahan naman ako sa tanong nya.

"Hindi ko alam, kilala mo naman si Angge. Clingy naman talaga sya sa mga friends nya, mahirap na pag naging iba yung dating kay Gayle. Tsaka diba may gusto sakanya yung kaibigan nya." Mahabanh pag papaliwanag ni Shas, ah ganon naman pala sya lahat, akala ko sa'kin lang. Now I know.

"Sinong kaibigan?" Tanong ni May kay Shas

"Si Kelly" Sabay na sagot ni Shas at ni Kei.
ah baka ayon yung babae na lagi ko nakikita kasama nila noon. kelly pala ang pangalan non, nakikita ko din sa story nya yon non.

"Bihira ko na makita na kasama nya si Kelly" aniya ni Kei

"Syempre sa ibang university sya nag aaral diba." Paniniguradong sagot ni Shas. nanahimik na lang ako, wala naman ako dapat sabihin. biglang nag dm sa'kin si Angge.

Angge G: Free ka ba tom?

Shinayadc: No, mag rereview ako.

Angge G: Same, gusto mo sabay na tayo?

Shinayadc: Okay, Where?

Angge G: Sa condo mo if you want.

Shinayadc: Okay.

"Hoy ang lalim nang iniisip mo" biglang suway sa'kin ni Kei.

"Ano na naman ba." Bwisit na sagot ko sakanya.

Hindi rin nag tagal na tapos na ang class namin, kaya dumiretso na ako umuwi. tinapos ko lang mga activity ko at nag pahinga na rin ako.

Until I found you Where stories live. Discover now