Chapter 3

755 39 5
                                    

Angge Pov

Nang makauwi ako sa condo pag tapos namin kumain sa resto nila Kei. Biglang tumawag si lola, gusto muna ako pauwiin sa bahay namin sa pampanga. dahil ang tagal ko na raw sya hindi napupuntahan. friday bukas at wala kaming training, kaya didiretso na lang ako sa bahay namin sa pampanga. maaga ako natulog at pag gising ko, kumain at naligo na ako. kinuha ko na ang susi ko at sumakay na sa sasakyan, para hindi ako malate sa first class ko. pag dating ko sa school agad nakita ko si Gayle, na naglalakad sa hallway.

"Hi, Good morning." bati ko sakanya

"Hello, Good morning." bati nya sakin pabalik. ang ganda talaga ni Gayle.

Naiilang ako tignan sya sa mata, baka mahalata nya na gandang ganda ako sakanya. mag sasalita pa sana ako nang bigla may umakbay sakanya. ah baka boyfriend nya siguro, nag lakad na ako papunta sa room, nakita ko si Coting at Rc na nakatingin sakin. pero hinayaan ko na lang sila, wala ako oras para kausapin sila.

          Rc Pov

Pag pasok ni Angge nang room badtrip sya, hindi namin alam anong dahilan. Bago kami umakyat nang room ni Coting tatawagin dapat namin si Angge. kaso kausap nya si Gayle, kaya nauna na kami sa taas. edi dapat good mood sya, dahil nakita nya si Gayle. tatanungin ko nga mamaya si Gayle.

"Tahimik naman nang isa dyan" biglang bulong ni coting sakin.

"Kaya nga, hindi ko rin alam kung bakit." bulong ko pabalik kay Coting

"Hoy Angge" Sigaw ni Coting kay angge. at tinaasan lang sya nang kilay ni angge, nako bad mood nga si AJ.

Lunch na kaya pupuntahan namin sa canteen sila Ali. hindi sumama samin si Angge, hindi namin alam kung bakit. nakita na agad namin sa canteen sila Ali, kaya pumunta agad kami ni Ana sa pwesto nila.

"Oh asan si AJ? bilang tanong ni may sa'min ni Coting.

"Andon sa room, wala sa mood kaya ayaw sumama sa'min." sagot ni coting kay may habang tinitignan yung menu.

"Baka may ginawa kayong dalawa hindi maganda kay Angge." sagot naman ni Ali kaya bigla ko sya tinignan.

"Ali wala kami ginagawa sakanya. kanina nakita ko sila ni Gayle sa hallway. sagot ko habang hinawakan kamay ni Ali.

"Okay naman si Angge kanina, binati nya pa nga ako. kaso hindi rin nag tagal kasi dumating na si Yano, at inaya na ako pumunta sa room ko." sagot ni Gayle sa'kin.

"Sino si Yano Gayle?"Nag tatakang tanong no Coting kay Gayle.

"Pinsan nya" sabay sabi ni Shas at Kei na kinagulat ko. ah baka akala ni Angge boyfriend ni Gayle yon.

Natapos na kami kumain at bumalik na kami sa room. nakita ko tulog si angge, kaya ginising ko na lang. dahil anong oras na dadating na prof namin.

     Angge Pov

Dumating na ang last prof namin, wala ako gana kaya nanahimik na lang ako sa class nya. nagulat ako nang tinanong ni ma'am kung okay lang ba ako. sabi ko naman oo, ang tahimik ko raw kasi ngayon sa klase nya.

"Class dismissed" Biglang sabi ni ma'am

Sabay sabay kami nag lakad sa hallway hanggang sa makarating kami sa field. sinalubong kami nila kei tsaka yung umakbay kanina kay Gayle na lalaki.

"Sama kayo, pupunta kaming mall." aya samin nila Kei.

"Ako sasama talaga ako, dahil kasama ang Ali ko. sagot ni Rc habang lumalapit kay Shas.

"Sige sama na ako, para naman hindi ka nagiisa Kei. may partner sila tapos ikaw wala." sagot ni coting. harot talaga netong babaeng to.

"Ikaw Angge sasama ka ba? Tanong sakin ni Kei habang inaayos yung gamit nya.

"No." Maikling sagot ko at napatingin silang lahat sakin. nag taka naman ako "What? Bakit ganyan kayo makatingin? dagdag ko pa sa sinabi ko.

"Don't tell me aayawan mo kami?" kunwari naiiyak na sabi ni Kei.

"Yes, dahil may pupuntahan pa ako." Sagot ko sakanila.

"Saan ka na naman pupunta?" Tanong sakin ni Coting na akala mo nanay ko sya"

"Wag kang oa, pinapauwi ako ni mommy sa pampanga (Lola ko) sagot ko sakanya.

"Bakit hindi mo kami isasama? nakakainis ka." nagtatampo sagot ni rc

"Oo nga Angge, dati sinasama mo kami pag uuwi ka." Sabi ni Shas na akala mo bata.

"Sa susunod na lang, kailangan ko nang umalis. Take care guys." Aniya ko bago sila talikuran

Bumiyahe na ako papuntang Pampanga, para hindi ako masyadong gabihin sa biyahe. hindi rin alam mo mommy at ni mama na ngayon ako uuwi. akala nila next week pa. after 3 hours nakarating na ako sa bahay namin, hinarang muna ako nang mga guard bago papasukin nang gate. hindi ba nila ako nakilala, akala mo ang tagal ko hindi nakadaw dito. pag pasok ko nakita ko asa dining table sa mommy and mama, andon din si ryo kumakain. Lumapit naman ako sakanila, at nagulat sila na na dito na ako.

"Nako Aj buti naman umuwi kana, akala ko next week mo pa ako dadalawin." sabi ni lola habang yakap yakap ako.

"Syempre umuwi na ako, baka mag tampo pa kayo lalo sa'kin" sagot ko at niyakap din si mama at ryo.

Pag tapos kumain, nag kwentuhan lang kami ni mommy. natulog na si ryo at si mama kasi inaantok na raw sila.

"Ano AJ," wala ka pa rin ba ipapakilala sa'kin" nagulat ako sa tanong ni mommy

"Mommy naman e," nahihiyang sagot ko kay mommy

"Oh bakit AJ ano masama sa tanong ni mommy" tanong sakin ni mommy

"Wala naman po, pero kasi may boyfriend po yung nakwento ko sayo." dismayadong sagot ko. nakwento ko kay mommy si Gayle, tuwang tuwa naman si mommy pag nag kwekwento ako about kay Gayle. madami kami napag kwentuhan ni lola, uuwi na din ako bukas nang hapon.

"Mag pahinga kana apo" sabi sa akin ni lola at hinalikas ako sa pisngi bago sya pumasok sa kwarto nya.

Napasarap ang tulog ko kaya tanghali na ako nagising. naligo na ako at bumaba na para batiin sila mommy, kumain na din kami. nag ikot lang kami sa farm hanggang sa nag hapon na. umuwi na ako pa manila para makapag pahinga na rin ako, dahil may training na naman kami kinabukasan. sa wakas asa condo na ako, naligo lang ako at natulog na ulit dahil pagod sa biyahe.

Until I found you Where stories live. Discover now