Chapter 4

757 39 6
                                    

Gayle pov

Monday na naman, may pasok na naman. bitin ang pahinga sa daming pinapagawa, pero kaya naman. kagagagising ko lang at kakain na muna ako. nang matapos ako kumain, naligo na rin ako.  pag tapos ko maligo nag light make up lang ako, para hindi ako mukhang sabog. susunduin pala ako ni Yano, pinsan ko si yano sa mother side ko. Mayamaya lang ay andyan na si Yano, sumakay na ako nang makaalis na kami dito sa bahay. nakaidlip ako sa sasakyan, kaya pag gising ko andito na kami sa school.

"Gayle!!" Rinig kong sigaw nila kei. magkakasama sila ngayon, si angge lang ang wala.

"Hi Good morning" bati ko sakanila napansin ata nila hindi mapakali mata ko kaya nag salita na si Rc.

"Parating na yon si Angge, wait ka lang dyan" aniya nya habang tumatawa. Maya maya lang dumating na si Angge

"Good morning AJ" bati nila Shas and Rc at Kei.

"Good morning una na ako sa room Coting and Rc" bigla sya umalis nang hindi ako dinapuan nang kahit anong tingin. what's wrong with her. pumasok na din kami sa room.

"Nakasimamgot ka dyan Gayle" nagulat ako nang tanungin ako ni Shas.

"Nakakainis naman kasi si Angge, hindi man lang ako tinignan or kahit ano man lang." naiinis kong kwento kay Shas.

"Something fishy ha" aniya nya habang tumatawa.

"Pero feeling ko iniiwasan nya ako, nung Friday ganyan din sya sakin. Lalo na nung Sunday nakasalubong ko sya, hindi man lang nag hi or hello." kwento ko kay Kei at Shas. Tumatango naman sila habang nag kwekwento ako.

"Bakit parang gusto mo nang attention ngayon ni AJ?" Nagtatakang tanong ni Kei sa'kin. Wtf kahit ako hindi ko rin alam.

Buti na lang nang biglang dumating prof namin, kaya hindi ko na nasagot ang tanong ni Kei. Paulit ulit lang ginawa namin, discuss quiz discuss na naman quiz ulit. Buti na lang nag lunch break na, dumiretso na kami sa canteen. nakita agad namin sila rc pero wala na naman si Angge. Asan na naman kaya yon, pag tingin ko sa kabilang side kasama nya sila Cody.

"Gayle nahihilo na ako kakatingin mo kung saan saan" naiiritang sabi ni Kei sa'kin.

"Ang arte mo naman, kumain ka na nga lang" inis na sabi ko sakanya. "Rc bakit hindi sumabay si Angge satin? biglang tanong ko nang ikinagulat naman nya.

"Don't tell me, gusto mo si Angge?" Mabilis na sagot nya sa'kin

"Nag tatanong lang naman ako, bawal ba ha". pag papalusot kong sagot.

"May gagawin kasi sila ni Cody, kaya hindi na muna sumabay sa'tin" sagot ni Coting na parang tanga naka ngisi. "Wag mo naman masyado ma miss si Angge" dagdag nya pa.

Parang mga tanga to, nag tatanong lang naman ako. Pero bakit kaya ako iniiwasan ni Angge, bweset dagdag pa sa isipin ko. tapos na ang lunch break kaya bumalik na kami sa klase. pag balik namin room wala daw prof, kaya pumunta na lang kami sa field. sakto pag labas namin p.e nila Angge. hindi naman ganon kainit sa field.

"Gayle ayan na hinahanap mo, wag kana mabadtrip." sabi ni kei habang inaalog alog ako.

"Hindi ko nga hinahanap, tinatanong ko lang talaga kanina." tanggi ko kay kei. bweset ayaw na ako tigilan.

Pinapanood lang namin mga ginagawa nila, si Angge hindi pa talaga ako tinitignan. bulag ba sya or ano, nakakairita na sya. nagulat ako nang mag ring ang phone ko, nakita ko tumatawag sa'kin si papa.

"Hello shai" rinig ko sabi ni papa.

"Bakit po, napatawag po kayo." sagot ko kay papa.

"Kamusta naman yang mga grades mo, hindi mo ba napapabayaan. dahil sa kakasayaw mo." sigaw nya sa kabilang linya.

"Hindi naman po pa, matataas pa rin naman po grades ko." sagot ko kay papa at binabaan nya na ako. buti pa grades ko kinakamusta, samantalag ako hindi kinakamusta. uwian na at nauna na ako umuwi kila Kei, dahil sumama lang loob ko sa tatay ko. nag lalakad na ako para mag abang nang taxi, dahil hindi ko dala sasakyan ko. nagulat ako nang nabangga ko si Angge, hindi ko sya napansin dahil nawala ako sa focus dahil kay papa.

"Sorry hindi ko sinasadya." Nagulat ako nang magsalita si angge. "Gayle are you okay?" dagdag nya pa.

Tumango lang ako at mag lalakad na sana nang bigla sya nagsalita "Saan punta mo Gayle." tanong nya sa'kin.

"Mag aantay nang taxi pauwi sa bahay" sagot ko nang hindi sya tinitignan.

"May problema ba Gayle?" Bigla nyang tanong sa'kin

"Oo at ikaw yon" Sagot ko sakanya nang kinagulat nya.

"Wala ako ginagawa sayo, so bakit ako ang problema mo" depensa nya sa sarili.

"Ayon na nga ang problema, wala kang ginagawa sakin. hindi mo man lang ako matignan or dapuan nag tingin mo. dinadaan daanan mo lang ako na parang wala lang ako." reklamo ko sakanya hindi sya nagsasalita, nakatingin lang sya sakin. "Kung may problema ka sakin Angge, maggsabi ka hindi yung iniiwasan mo ako." dagdag ko pa, napabuntong hininga naman sya.

"Tapatin mo nga ako Angge, Iniiwasan mo ba ako?" Tanong ko ulit, dahil nakatayo lang talaga sya sa harap ko.

"Oo iniiwasan kita" sagot nya sa'kin "dahil ayoko lumalala nararamdaman ko sayo. umiiwas ako dahil may boyfriend ka, hindi naman ata tama na lapit lapitan kita kahit alam kong may boyfriend ka." dagdag nya pa, anong pinagsasabi netong may boyfriend ako, sino ba tinutukoy nya.

"Sinong may sabi may boyfriend ako? Inis na tanong ko sakanya

"Ako, yung umakbay sayo last week." Sabi nya ang pinsan ko pala ang tinutukoy nya.

"Siraulo ka ba? E pinsan ko si Yano. sagot ko sakanya natulala naman sya.

"Malay ko ba kung ano mo yung kulot na matangkad" nahihiyang sagot nya, ang cute nya ano ba yan.

"Uso mag tanong Angge." Sagot ko sakanya

"Sorry, uuwi kana ba?" biglang tanong nya

"Oo, mag aantay na ako nag taxi dito". sagot ko sakanya

"Ihahatid na lang kita sainyo, ganon din naman. sagot nya na ikinagulat ko

"Wag na iligaw mo pa ako" pabiro kong sagot tumawa naman sya. Lord pls ang ganda nya pag tumatawa.

"Hindi naman ako ganon, ano tara na gabi na" aya nya sa'kin, sumunod naman ako sakanya.

Nang makasakay kami sa kotse nya, tinuro ko sakanya ang way papunta sa'min.

"Baka kinabukasan iwsan mo na naman ako" aniya ko sakanya.

"Hindi na, hindi na mauulit." Sabi nya tapos bigla nag smile.  Maya maya lang andito na kami sa'min.

"Thank you sa pag hatid Angge and Good night" aniya ko sakanya

"Wala yon. Good night Gayle." sagot nya naman at umalis na sya.

Pumasok agad ako sa kwarto ko, para maligo at matulog na. bukas na lang ako kakain busog pa naman ako.

Until I found you Where stories live. Discover now