Chapter 7

718 45 4
                                    

Gayle Pov

Sabado ngayon kaya tanghali na ako gumising. 3 pm pa naman ako susunduin ni Angge, kaya mahaba pa ang oras ko para mag prepare. nanonood lang ako nang kung ano ano sa YouTube bago ko napag isipan maligo. nang matapos ako maligo, nag bihis na agad ako. mag lalaro sana ako nang ml, nang bigla tumunog ang notification ko.

Angge G: I'm here na sa labas nang bahay nyo.

Dali dali ako bumaba pag basa ko nang message nya. nakita ko agad sya na naka park sa labas nang gate. pinag buksan nya ako nang pinto nag kotse at umalis na kami.

"Bakit bigla bigla ka nag aaya" tanong ko naman sakanya

"Bakit ayaw mo ba? pabalik nyang tanong sa'kin

"Hindi naman, nagulat lang ako" pag papaliwanag ko sakanya. maya maya lang nakarating na kami sa condo nya, pinaupo nya na ako sa couch. nag labas naman sya nang pagkain para makakain na rin kami. pag tapos namin kumain, nag review na kami. pinagmasdan ko sya habang nag rereview sya. nang bigla nag salita ako

"Ang lakas talaga nang dating mo no" nagulat sya sa sinabi ko. "Kaya andaming mo patay na patay sayo e" dagdag ko pa natatawa talaga ako sa reaction nya.

"Mag focus ka na sa nirereview mo" kunwari pag tataray nya sa'kin. ang cute nya talaga.

"Okay Angelica Jhane" pang aasar ko sakanya.

Maya maya lang nang may nag doorbell sa pinto nang condo nya. pag bukas nga bumugad sakanya yung tatlo nyang kaibigan. Kelle, Micole and Louisse. kilala ko sila dahil nakwento sa'kin nila Kei

"Kanina ka pa namin tinatawagan hindi ka sumasagot" sabi ni Kelly at nagulat silang tatlo na may iba pa palang kasama si Angge.

"I'm sorry AJ, hindi namin alam na may bisita ka." sincere na sagot ni Louisse

"Hindi ka kasi sumasagot, kaya pumunta na lang kami dito." singit ni Micole

"Ano AJ aalis na lang ba kami?" Pag tataray nung Kelly.

"Hindi nyo ba kaya nang wala ako?" Naiinis na sagot ni AJ kay Kelly. pinapasok na nya yung tatlo at umupo sila sa kabilang couch.

Tapos na kami mag review at sa tingin ko hindi makapag focus si Angge sakanila. dahil ang ingay ingay nila, lalo na si Kelly. pumunta sa kitchen si Micole at Louisse, Si Angge naman may ginagawa pa. kaya tumabi sa gilid ko si Kelly at bigla sya nag salita.

"Anong meron sainyo ni AJ?" Biglang tanong nya sa'kin

"We're friend." Ayan na lang sagot ko. dahil ako mismo hi di alam kung ano meron sa'min dalawa.

"That's nice, kasi kami we're getting to know each other" aniya nya na hindi ako makasagot "Mag kaiba kasi kami nang university, kaya bihira lang kami magsama." dagdag nya pa.

"Ah ganon ba" ayan lang ang nasagot ko.

"Yes, Feeling ko nga mahal nya na ako. nahihiya lang sya mag sabi, hindi kasi pa kasi sya vocal ngayon sa'kin. biglang singit nya na naman. ano bang pakiealam ko sa relation nila. nanahimik na lang ako hanggang sa makauiw na yung tatlo.

"Angge kailangan ko na umuwi, may asikasuhin pa ako sa bahay" aniya ko kay Angge nang hindi sya tinitignan.

"Are you sure, hindi kana dito kakain?" tanong nya sa'kin at humindi naman ako "ipagluluto pa naman sana kita"dagdag nya pa.

Inayos ko na ang gamit ko at tumayo na, nauna na ako sakanya lumabas nang pinto nya. pero sabay kami sumakay nang elevator. pinag buksan nya na rin ako nang kotse at dali dali ako sumakay. napapansin ko sya patingin tingin sa'kin, pero hinahayaan ko na lang. hindi pa rin ako maka move on sa mga sinasabi sa'kin ni Kelly about sakanila ni Angge.

"Are you okay?" Biglang tanong sa'kin ni Angge. tumango naman ako at hinayaan nya na ako.

"Bakit ang tahimik mo?" Biglang tanong nya ulit. "May sinabi ba sayo si Kelly? dagdag nya pa

"Bakit may dapat ba syang sabihin sa'kin?" Inis na sagot ko sakanya.

"Wala naman, bigla ka kasi nanahimik kaya akala ko may sinabi sya sayo." Dagdag nya pero nasa daan ang tingin nya.

"Kung pinag tritripan mo nararamdaman ko sayo Angge itigil mo yan. hindi nakakatuwa, lumayo kana rin sa'kin. wala ako panahon para makipag laro sayo." sagot ko sakanya nang ikinagulat nya.

"What are you saying?" Biglang sagot nya sa'kin.

"Tigilan mo ako sa pag kukunwari mo, wala kang maloloko dito." sagot ko sakanya nang ikinagulat nya lalo

"Hindi ako nag kukunwari at hindi kita niloloko. ano ba gusto mo sabihin.? kalmadong tanong nya sa'kin.

"Kung ano ano pinapakita at pinaparamdam mo sa'kin. May gusto ka naman palang iba." inis na sagot ko sakanya. "Tsaka pwede ba wag mo ako pakitaan nang kung ano ano kung hindi mo naman kayang panagutan. Wag na wag mo na din ako ihahatid at aayain kung may mahal kang iba." dagdag ko pa

"Saan mo naman napulot yan? Tanong nya sa'kin pero kalmado pa rin sya

"Si Kelly na mismo nag sabi sa'kin, na may namamagitan sainyo. Getting to know each other nga daw kayo." Galit na tugon ko sakanya

"Wala akong gusto sakanya at hindi totoo yang mga sinasabi nya." sagot nya nang nakatingin pa rin sa daan "sinabihan ko na sya about dyan na hanggang kaibigan lang kaya ko ioffer sakanya. Kaya wala namamagitan sa'min or kung ano man yang sinasabi nya sa'yo" dagdag nya pa

"Ako ano ba ako sayo Angge. Kaibigan lang din ba ako sayo?" tanong ko sakanya nang kinabigla nya. "Sabagay ganto mo naman tratuhin mga kaibigan mo. katulad kung pano mo kami tratuhin ni Kelly." dagdag ko pa

"Mag kaiba kayo" maikling sagot nya sa'kin

"Oo kasi sya gusto mo ako hindi." Pasigaw na sagot ko sakanya

"Can't you see Gayle? na ikaw ang gusto ko." na sakin na ang tingin nya ngayon. "Mag kaiba kayo dahil ikaw gusto ko sya hindi." dagdag nya pa. nagulat ako sa mga sinasagot nya sa'kin

"You are lying" Ayan na lang ang nasabi ko sakanya.

"No I'm not, Gayle I like you." Sagot nya sa'kin. hindi ko alam gagawin ko.

"Akala ko pa naman napapansin mo, ayon naman pala hindi." Dagdag nya pa ngayon andito na kami sa bahay. hindi pa din ako nagsasalita.

"Gayle we're here" Aniya nya sa'kin

"Thank you." Ayan lang nasagot ko sakanya at bumaba na ako nang sasakyan nya. may sasabihin pa sana sya kaso bumaba na ako.

Nag review lang ako ulit pag tapos kumain na rin ako. Iniisip ko pa rin yung mga sinasabi sa'kin ni Angge. ang rude ko naman kanina sakanya, hindi man lang ako sumagot. pag tapos ko mag bihis natulog na rin ako agad

Ps: ikalat nyo naman to say Twitter para ganahan ako lalo

Until I found you Where stories live. Discover now