Gayle Pov
Biglang nag sink sa utak ko kung pano sya mag effort sa'kin. Hinahatid nya ako sa bahay kaya mas lumalayo way nya pauwing condo nya. Hinihintay nya ako tuwing may practice kami. Dinadalan nya ako nang pagkain sa room pag ayoko pumunta sa canteen. Binibigyan nya ako flowers kahit walang dahilan. Ayon ba yung way nya nang panliligaw sa'kin?
"Nakita ko kayo ni Khyle, hinalikan ka nya." Seryosong aniya nya sa'kin.
"Nabigla lang din ako nang halikan nya ako. Lumayo naman agad ako sakanya, nag sorry sya sa ginawa nya. nabigla lang daw sya. " Pag papaliwanag ko sakanya.
"Pano kung butasan ko tagiliran nya tas sabihin ko sakanya nabigla lang rin ako?" Aniya nya kaya natawa ako.
"Ang sama mo naman" Aniya ko sakanya habang nakatingin sa pisngi nya. "So ano meron sa'tin dalawa." Tanong ko sakanya para maliwanagan ako.
"Ang manhid mo naman Gayle." Aniya nya sa'kin.
"Yung mga ginagawa mo ba sa'kin non, ayon yung way nang panliligaw mo sa'kin?" Tanong ko sakanya para sigurado ako.
"Oo" Maikling sagot nya sa'kin
"Tara sa bahay para magamot yang pisngi mo" Aya ko sakanya dahil natunaw na yung yelo. Sumukay naman agad kami sa saksakyan nya.
"Bakit kausap mo si Ishi sa field non?" Tanong ko sakanya nang ikinagulat nya.
"Inaaya kami nila Ecka sa party nang kaibigan nya." Sagot nya naman sa'kin tinaasan ko sya nang kilay para malaman kung ano sagot nya. " Sabi ko hindi ako pwede. ayon lang" dagdag nya pa.
"Siguraduhin mo lang, kung ayaw mo pag buhulin ko kayong dalawa." Aniya ko sakanya nang ikinatawa nya. Maya maya lang nakarating agad kami sa bahay. Inaya ko na sya sa kitchen para malagyan nang ice yung pisngi nya.
"Ano ba kasi nangyari dyan?" Inis na tanong ko sakanya
"Nasampal ako" Sagot nya sa'kin nang ikinagulat ko.
"Nino? Nag papanic na tanong ko sakanya.
"Nang father ko dahil sa asawa nya" Sagot nya sa'kin nahalata nya ata na hindi ko naiintindihan kaya nag salita sya ulit. "Nakalimutan ko sabihin sayo na may half brother ako sa tatay. Si kuya Ryan ang half brother ko. Galing ako sakanila kanina dahil birthday ni Papa. Expected ko naman na may hindi maganda sasabihin sa'kin si tita yung asawa ni papa. Pero nagulat ako nang bastusin nya sa harap ko si mama. Sumagot ako dahil masakit sa part ko na ganunin nang ibang tao si mama. Tinanong ko si papa bakit hindi man lang kami nagawa pag tanggol ni Mama. Sabi nya respetuhin ko yung asawa nya. Sinagot ko si papa kaya ayon nasampal ako." Dagdag nya pa kaya niyakap ko sya
"I don't know what to say" Aniya ko sakanya
"It's okay, ayos na ako basta andito ka sa tabi ko." Sagot nya sa'kin. Nilalagyan ko pa rin nang ice yung pisngi nya nang bumaba si papa.
"Good evening po sir" formal na bati sakanya ni Angge.
"Pa si Angge manliligaw ko po." Pag papakilala ko sakanya kay papa. Nagulat naman si Angge nang ipakilala ko sya kay papa. Deserve nya naman ipakilala
"Good evening Angge" Bati sakanya ni papa pabalik. "You look familiar" Dagdag pa ni Papa. kaya nagulat ako.
"You too Sir." Sagot sakanya pabalik ni Angge
"What is your last name? Tanong sakanya ni papa
"Gegante po" Aniya sakanya ni Angge.
"Ikaw yung bunsong Anak ni Carlos right?" Paninigurado sakanya ni papa
"Yes sir." Aniya sakanya pabalik ni Angge
"Sakanila ka na ba nakatira?" Tanong sakanya ni Papa.
"Hindi po Sir. Sa condo po ako tumutuloy." Sagot sakanya ni Angge
