Chapter 1

801 61 1
                                    

Divine Shane POV

Loving someone is not easy, lalo na kapag hindi ka naman talaga niya gusto, 'yung tipong suntok sa buwan talaga. 'Yung uwak may pag-asa pa atang pumuti eh’ pero 'yung magkagusto sakin 'yung taong gusto ko,' yun ang malabo.

"Sis, ano ba kasing ginagawa natin dito?"

Pasado ala-singko na naman ng hapon at nagsi-uwian na ang mga estudyante habang ako naman ay nagpa-iwan sa school kasama itong kaibigan ko para mag-iwan ng regalo sa taas ng table ng taong kinababaliwan ko.

"Hey, Don't be so noisy." Suway ko rito.

Started when I entered first year college sa East University, doon ko nakita ang lalaking gustong gusto kong pakasalan at makasama hanggang sa pagtanda. He is almost perfect, an ideal man and a husband, kaya todo papansin talaga ako sa kaniya,nagpapacute pa nga ako, then I try to seduce him but I failed.

Well, di lang naman ako ang nag iisang Girl student na nagpapansin sa kaniya, halos lahat na ata ng girl student sa EU naakit sa kagwapuhan niya. Pero wala lang sa kaniya 'yun, he act normal at hindi pinapansin ang mga kababaihan na hinahangaan siya. By the way his name is Nico Hash Adams, and he is my... Professor.

Sobrang linis ng office nito at mabango habang maayos  naman na nakasalansan ang mga gamit nito sa itaas ng table niya. Nakauwi na siya kanina pa kaya h'wag niyo ng tanungin kong paano ko nabuksan ang pinto ng office nito.

"Hello, girl! Anong oras na, mamaya mahuli pa tayo ni manong guard!'' pagereklamo naman nito.

Kaya ang hirap kasama 'tong bakla na ito, masyadong madaldal. Mahuhuli talaga kami mamaya dahil sa sobrang ingay nito. Maingat ko na lang na inilapag sa itaas ng lamesa ang mga tumpok na rosas na binili ko kanina kasama na din ang cute na stuff toy na may nakalagay pang word na "I Love You" sa gitna.

I was about to leave when I saw a picture frame. Picture iyon ni Sir Adams kasama si Ma'am..... Abby? Base sa background ng picture ay mukhang nasa surigao sila, at ano naman kaya ang ginagawa nila doon?  Dahan-dahan ko namang kinuha ang litrato, gusto kong e-sure kong si ma'am Abby nga iyon pero nagulat ako ng bigla kong marinig ang pagbukas ng pinto, dahilan para mabitawan ko ang picture frame na hawak ko at nabasag.

"Is there someone's here?"

Patay!

Disclaimer: This book is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. The author does not have any affiliation with any person, location, or entity mentioned in this book, and all descriptions of organizations and locations are fictionalized. This book is intended for entertainment purposes only."

Please remember that this is a general disclaimer and might need to be adjusted according to the specific content of your novel. Also, it's always a good idea to consult with a legal advisor for such matters to make sure you're fully protected.

Seducing Professor Adams  Where stories live. Discover now